CHAPTER 1

912 16 0
                                    

... "Minsan ang buhay ng tao ay parang pagguhit sa isang papel, kailangan ng matinding konsentrasyon at malawak na imahinasyon".......

.... "Minsan din maihahantulad din natin ang buhay sa mga drawings, maganda kahit gawang lapis, ngunit mas nakakainganyo kung makulay ang desinyo"....

... "Sa di inaasahang panahon, makikilala mo ang taong galing sa isang imahinasyon, na siya ring mabibigay kulay sa simple mong buhay"...

..."At, Kung naniniwala ka sa guhit ng palad, maniniwala ka din ba sa guhit ng pag-ibig?"...

© LoveHugotBabe


Plagiarism is a crime.


****

(Journey starts here..... )

JAMESON's POV

*Dreamiiiiiiiiiiiing !! *

Ano tong nakikita ko? Isang napakalawak at makulay na paraiso. Matitingkad na bulaklak , nakukulay na paru-paru, mahalimuyak na simoy ng hangin at nagluluntian na mga higanting kahoy. Parang isang lugar na puno ng pagmamahal, kasaganahan at kapayapaan. Mga magagandang boses ng.. wait? May ibang tao.. Nakita ko ang isang mala-dyosang babae, sing puti ng gatas, suot suot ang makulay na kasuotan na sing tingkad ng bahaghari. At may mga kumikinang na mga pakpak. Para siyang paru-paro pero tao, malabo yung mukha niya... Miss....."

Teacher: " MR. BLAKE..?"

Naimulat ko ang dalawang mata ko ng marinig ng dalawang tenga ko ang mala-amplifier na boses ng guro namin.

Jameson: "Yes Maam!" Taranta kong sabi.

Teacher: "Mr. Blake, I always caught you taking a nap in my class. If you're not interested you may now stand and go out...you better drop out" . Naiinis na sabi ng guro namin ngayon.

Panira ka ng moment ma'am, antok na antok pa ako e! Pinipilit ko parin imulat yung mga mata ko hanggang sa matapos na yung klase ni Ms. Amplifier.

Jameson: "Dude, I gotta go. Una na ako sa inyo." Walang kagana ganang sabi ko.

Paulo: "At bakit naman ha?"

Jameson: "Sama ng pakiramdam ko..." Pagdadahilan ko pa.

Nikko: "Aminin mo inaatok ka lang.." pang-asar naman niyang sabi. Oo yun nga, antok pa ako.

Ryle: "Sino ba naman ang hindi aatunkin kung magdamag kang may ginagawa!"

McCoy: "Drawing ka kasi ng drawing.. pero matanong ko lang, sino yung babae sa drawing mo?" Itong si McCoy daig pang imbestigador kung magtanong.

Nikko: "Oo nga yung babaeng mukhang diwata,na enkantada, na prinsesa, na ewan wala naman kasing mukha.."

Jameson: "Wala. Di ko din alam! ...Sige kita nalang tayo sa boarding house mamaya".

Student: "Hi po Mr. Blake, may nagpapabigay po sa inyo." Inabot niya sa akin yung hot coffee galing sa vending machine

Jameson: "Kanino galing to ?"

Student: "Di ko po siya kilala. Sige po paalam!"

McCoy/Nikko/Ryle/Paulo: "Uyyyy! May admirer na naman siya!"

Jameson: "Admirer pinagsasabi niyo?"

Nikko: "Pare baka may gayuma yan! HAHA ! "

Paulo: "May nakadikit na sulat oh! Basahin mo dali!"

Jameson: "To Mr. Blake, coffee for your mood slightsmile emoticon ". "Walang pangalan na nakalagay!"

McCoy: "Baka galing kay Scarlet yan!"

HADA ENCANTADORA [Completed]Where stories live. Discover now