CHAPTER 3

309 4 0
                                    


JAMESON's POV

HAAAY Anong oras na ba, time check 7:45 am. Tinanghali na naman ako ng gising wala kasing pasok ngayon. Tulog pa si Nikko at Paulo mga batugan talaga din to pag walang pasok. Si McCoy din kakagising lang.

McCoy: "Nasaan si Ryle ?"

Jamie: "Baka nag jogging lang!"

McCoy: "Oh? Nasaan din si Hada?"

Jamie: "Hada? Baka panaginip lang natin siya... aray! ". Hampasin ba naman ako ng unan.

McCoy: "O ayan para magising kana!"

Jamie: "Oo nga! Saan na yon si Hada?"

Ginising namin si Nikko at Paulo kasi nawawala si Hada baka kasi ano na ginawa non..

Nikko: "Pare mamaya na.. antok pa ako.." Habang nakapikit pa.

Paulo: "Walang pasok ngayon.."

Jamie: "Si Ryle at Hada nawawala.

Nikko: "Uuwi din yon.."

Paulo: "Baka nasa labas lang!"

Jamie: "Baka nga.. mas mabuti nga wag nalang siya bumalik "

Kasi naiinis ako sa kadaldalan non tapos mukhang baliw pa. Narinig namin na may nagtatawanan sa labas kaya lumabas kami para tingnan. Nagulat kami ng makita si Hada na naka tshirt at short!

Kami: " o_O "

McCoy: "HADA?"

Paulo: "Close na kayo agad?"

Jamie: "San kayo galing Ryle?"

Ryle: "Ah. Haha Bumili lang kami sa palengke. Wala kasi siyang makain. Tapos binilhan ko na siya ng damit, pinagtitinginan kasi kami kanina dahil sa suot niya?"

Nikko: "Wow Yaman !!"

McCoy: "Bagay naman sa kanya.. mukha na siyang tao!"

Biglang pumasok sa Gate si Mader, yung matandang bakla na may-ari ng bahay na nirerentahan namin. PATAY

Mader: "Ahemm. Sino yan?"

Paulo: "Ah.. Mader... ah ano..!"

Mader: "Diba sabi ko bawal magdala ng syota sa pamamahay ko?"

Jamie: "Ah.. Pinsan ko po siya.. Oo pinsan ko siya.."

Sila: "Oo pinsan.."

Wala na akong maisip kasi malamang paalisin kami ni Mader dito. Si Mader naman nakatitig kay Hada, linapitan niya at parang kinikilatis from head to toe.

Mader: "Infairness kay darling.. hmmm...chaka dear!"

Hada: "Anong chaka?". Takang taka na tanong niya.

Mader: "Yung itsura mo chaka na chaka!"

Hada: "Chaka na chaka ka din!" Tuwang tuwa din niyang sabi kay Mader. Patay !!

Mader: "What??"

Paulo: "Joke lang yun Mader.. hehe!"

Jamie: "Kakarating pa lang po niya dito sa Maynila. Wala kasi siyang ibang pamilya dito at wala siyang ibang pupuntahan. "

Mader: "And then myloves?"

Jamie: "Pwede po ba dito muna siya?" Pa cute kong sabi kay Mader na may pahawak pa sa kamay.

Mader: "Ayy eee.. ikew nemen.. Ok beste ikew.."

Jamie: "Thank you po!" *_*

Mader: "Ehh sees para kang sira".

HADA ENCANTADORA [Completed]Where stories live. Discover now