CHAPTER 22

219 9 0
                                    

PAULO's POV

Syimpre hindi lang kami ang nabigla, mas masakit yun kay Jameson kasi matagal tinago sa kanya ang katotohanan. Ang bilis ng mga pangyayari, noon simpleng tao lang si Jamie ngayon ikinagulantang ng lahat na isa pala siyang Engkantado. Hindi lang simpleng engkantado dapat Prinsepe pala siya. Hay Naku!

Pinabayaan muna namin si Jamie na mapag-isa upang makapag-isip isip muna siya , hindi din kasi madali para sa kanya na e-sink in lahat. Hinayaan muna namin siyang umalis.

Lola: "Huhuhu 😭"

Paulo: "Lola, tama na po, wag na yung sobrang iyak."

Nikko: "Maaayos din po lahat ng 'to La. Maniwala po kayo!"

Umiiyak parin ang Lola ni Jameson. Si Hada nagpapahinga lang, hinang hina parin kasi siya hindi pa niya masyado magalaw yung katawan niya, inaalalayan muna siya ni Ryle, Mariestella at McCoy.

(Forward..)

Mas makakabuti kong babalik muna kami lahat sa Manila. Ganun parin si Jamie, ang layo ng tingin at malalim yung iniisip, di na nga namin siya dinidisturbo baka biglang magalit tsaka maghasik pa ng lagim, remember he's a Engkantado.

Rhain: "Hada? Ok kana? May masakit pa ba? May ano ba ma---"

Nikko: "Naku naman Rhain! Hindi pa maka get over?"

Hada: "Medyo maayos na naman yung pakiramdam ko."

Rhain: "Wag ka munang bumangon ha. Baka mabinat ka.."

Ryle: "Lagnat lang teh?"

Nikko: "Aligaga lang ganern!"

McCoy: "Kayo naman oh! Syempre nag-aalala lang yung tao, nurse kaya si Rhain."

Rhain: "Guys naman. McCoy's right. Syempre kilala niyo naman ako, diba?! It's my duty. Syempre kaibigan ko si Hada.. at di mo talaga mawawala sa 'kin ang concern towards other people na love ko."

Nikko: "Mmm....duty? Eh, di ka na nga nakapapasok sa Hospital sa kakaganyan--"

Rhain: "And, that's me. Magsasakripsyo talaga ako para sa mga taong mahal ko. Kasi, di ko sila kayang nakikitang nasasaktan, di bale na ako.."

😕

Pero ewan ko ba, pagkasabi ni Rhain non parang sumikip bigla yung dibdib ko kaya bigla akong napalabas. Nagulat ata sila sa paglabas ko.

Nikko: "Hoy Paulo? Ayos ka lang?"

Paulo: "Ayos lang ako. Alis muna ako ha, may bibilhin lang ako saglit.."

Nikko: "Gusto mo samahan kita?"

Paulo: "Wag na, saglit lang naman ako. Pahinga nalang muna kayo!"

Nikko: "Okay. Sigurado ka ha!"

Umalis na ako hindi ko alam saan ako pupunta basta naglalakad lakad lang ako. Nung nadaanan ko yung malapit na food chain may babaeng lumapit sa akin.

Babae: "PAULO? Ayy! Ikaw nga!"

Paulo: "Excuse me Miss? Kilala mo ko?"

Babae: "Wtf! Paue. 1 year lang ako nawala, di mo na ako kilala.. mygad!"

Paulo: "Magtatanong ba ako kung kilala kita?"

Babae: "Hey! It's me, Gail!"

Paulo: "Gail? Gail ikaw ba yan? Sorry! Di kita agad nakilala."

Gail: "Gosh Pau! Porke't nagbreak kayo ni Rhain, ganyan ka na!"

Si Gail nga pala, pinsan at bestfriend ni Rhain. Siya nakakaalam lahat nong nagsimula palang kami ni Rhain.

HADA ENCANTADORA [Completed]Where stories live. Discover now