Chapter 31

6.4K 116 1
                                    

Notes:

Ito po ang kauna-unahan kong sinulat at aminado ako na sobrang dami ng mali ko rito, kaya intindihin niyo na lang muna ang sulat ng inosenting bata, hahahaha...

Chapter 31

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Rebecca ng marinig mula sa kaopisang si Jonalyn na isinugod sa hospital si Celine dahil nabundol ito ng kotse.

Biglang napalitan ng pagkabahala at pag alala ang galit na naramdaman niya para sa dalagang buntis na naaksidente pa.

Binundol naman ng kaba ang puso ni Enrique sa nalamang naaksidente ang nobyang si Celine. Para siyang napako sa kinatatayuan dahil sa pag alala rin sa dalaga. Oo inaamin niyang gusto na niyang mawala si Celine sa buhay niya. Pero hindi niya hinangad na maaksidente ang dalaga.

Bigla niyang nabitiwan ang braso ng asawa at mabilis na pumasok sa kanyang opisina at kinuha ang susi ng kanyang kotse at binalikan ang asawang tila na estatwa din dahil sa naalamang naaksidente si Celine.

Muling hinawakan ni Enrique ang asawa sa kamay at hinila na ito palabas sa opisina.

Para namang nahimasmasan si Rebecca ng maramdaman ang paghila sa kanya ng asawa palabas ng kanilang opisina. Gusto sana niyang magprotista sa paghila sa kanya ng asawa ng mabilis na bumalik sa kanyang isipan na ito ang dahilan kung bakit naaksidente si Celine. Pero nilukob na siya ng tinding pag alala sa dalagang buntis at isinantabi nalang muna ang galit sa asawa.

Pag dating sa lower grand ng kumpanya ay nagtanong agad si Enrique sa gwardiya kung saang hospital isinugod si Celine. At muli niyang hinila ang kamay ng asawa papunta sa kung saan nakaparada ang kotse nito nang sabihin ng gwardiya ang hospital na pinag dalhan sa dalagang naaksidente kani-kanina lang.

Mabilis namang nakarating ang mag asawa sa hospital at nag tanong agad sa information desk tungkol kay Celine na itinuro naman sila sa E.R.

Kinakabahang palakad-lakad si Enrique sa labas ng Emergency room habang malalim ang iniisip. Samantalang nakaupo naman si Rebecca at tahimik na nanalangin para sa kaligtasan ni Celine at ng baby nito.

Maya-maya lang ay humahangos na dumating ang ina ng dalagang naaksidente.

Enrique? What happen?
Anong nangyari sa anak ko?

Mag alalang tanong ng ginang sa binata na hindi na napigilan ang maiyak dahil sa pag alala sa kalagayan ng anak.

Tita, nabundol po siya ng isang kotse. Hindi daw po niya namalayang may kotseng paparating ng bigla nalang daw siya tumawid sa daan, ayon po sa nakakita sa nangyari..

Sagot naman mg Binata sa ina ng dalagang buntis.

Dyos ko po.!

Napabulalas na sambit ng ginang na mas lalong nakaramdam ng awa sa anak at mas lalo pang naiyak sa nalamang nabundol ang kanyang anak

Tumulo naman ang luha ni Rebecca ng makita ang nag alalang ina ni Celine na naiiyak na sa sobrang pag alala sa anak nito.

Lord, tulungan nyo pong mailigtas ang mag ina. At gagawin ko po ang nararapat gawin para lang mabuhay ang baby.
Lord, please hear my prayer for both of them.

Sambit ni Rebecca sa isipan na hindi niya napigilang mapaluha.

Ano ang sabi ng doctor hijo? Kamusta ang batang dinadala ng anak ko? Okay lang ba? Diyos ko! Bakit ba nangyari ito kay Celine.

Sunod-sunod na tanong ng ginang na napahagulgol na dahil sa pag alala sa kalagayan ng anak at sa ibinubuntis nitong bata.

Tita, huminahon po kayo, di pa naman nakalabas ang doctor kung kamusta na si Celine. At ang..

Now I Found You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon