Chapter 3

12.2K 247 6
                                    

Chapter 3

HINDI makagalaw si Rebecca ng maghiwalay sila ng binata. Nahihiya siya sa mga kaibigan sa nangyari sa kanila ni Enrique. Ni hindi niya alam kung ano ang sabihin niya sa mga ito. Ang alam niya, ay nang iinit ang mukha niya sa sobrang hiya. Kung pwede lang sanang bumuka ang lupa at kainin siya ay sana hiniling niya nalang sanang lamunin siya ng lupa dahil sa kahihiyang nararamdaman.

"I... I'm... I am sorry guys." Hingi niya ng paumanhin na hindi makatingin sa mga kaibigan. "I'm just...carried away sa sitwasyon." Dagdag pa niya at mabilis siyang tumayo papuntang banyo para maitago ang sarili sa kahihiyan. Ni hindi na niya nagawang magpaalam na pupunta siyang banyo basta ang alam lang niya ay gusto niyang magtago sa sobrang kahihiyan.

Nagsisi tuloy si Enrique sa nangyari. Natatakot siyang magalit ang kaibigan sa kanya, dahil nagpadala siya sa kanyang nararamdaman sa dalaga.

"An? Naiz?" baling niya sa dalawang matalik na kaibigan ni Rebecca. "I'm so sorry for what happened." Hingi niya ng paumanhin sa mga ito. "It was my faults. Nadala lng ako sa...sa nangyari, besides, I think I am also drunk." Saad ulit ni Enrique sa dalawa. Tumayo na rin siya at sinundan si Rebecca na pumunta sa banyo. He needs to fo something or to explain about what happened between him and her friend Rebecca. Ayaw niyang magalit ito sa kanya.

Naiwan ang dalawang magkaibigang Naiza at Analyn sa malawak na salas ng bahay nina Enrique. Wala pa ring may nagsasalita sa kanila regarding sa nangyaring mainit na halikan ng dalawang magkaibigan. Nagkatinginan sina Analyn at Naiza na walang may lumabas na salita sa mga labi. Shocked pa rin sila kapwa sa nasaksihang halikang naganap sa kanilang harapan kanina.

God knows they tried to stop them. Pero, parang walang pakialam ang mga ito kung andoon man silang dalawa ni Analyn sa sala na kaharap lang nila. Alam nila pareho na malalim na ang naganap na halikan ng dalawa, and they don't know how to stop them, kaya't kinuha ni Analyn ang boteng ginamit sa kanyang kalokohan at malakas na ibinagsak sa sahig. Dahilan ng pagkagulat ng dalawa at nahimasmasan. Nang makaalis si Rebecca papuntang banyo, ay siya namang sinundan ni Enrique. Nagkatinginan sina Naiza at Analyn. Pareho pa rin silang speechless. Yumoko na lamang si Analyn at paisa isang pinulot ang nabasag na bote at tinapon sa basurahan.

"Oh my!" Sambit ni Rebecca sa sarili. Nasa banyo siya at naghilamos para matanggal ang hilong nararamdaman. "What I've done?" Tanong niya sa sarili. Wala na siyang pagmumukhang iharap sa mga kaibigan. Hiyang hiya talaga sya sa nangyaring halikan na yon. Di niya alam kung paano mag isip ng tama. Naguguluhan pa rin siya nang biglang marinig ang katok sa pinto ng banyo.

"Becky?" Mahinang tawag nang binata. Pero hindi siya sumagot. Sumandal siya sa wall ng banyo at napahawak sa sariling noo. Di niya kayang harapin ang mga kaibigan lalong lalo na si Enrico. Gusto niyang lumubog na lamang sa kinatatayuan para hindi makusap ang mga ito. "Becky? Please open the door." Narinig niyang sambit ng binata, kinatok ulit ang pinto ng banyo. "Becky please? Let's talk about what happened awhile ago." Saad pa nito. Ayaw ni Rebecca na harapin muna ang kaibigan, pero wala siyang magawa dahil nasa pamamahay siya nito. She open the door and saw Enrico. Napayuko na lamang siya. "Becky, let's--"

"Enrico, please.." Putol niya sa sasabin ng binata. "Let's forget about what happened." Sabi niya dito.

"Pero--"

"Please, I want to go home now." Putol ulit niya sa sasabihin pa sana nito. Bumalik siya sa sala at naiwang naguguluhan si Enrico. Napatayo naman sina Naiza at Analyn nang makitang pabalik na ng sala si Rebecca. Lumapit si Rebecca sa dalawang kaibigang napatayo nang makita siya.

"Nals? Naiz? I'm really sorry."

"Ok lang yon." Sagot ni Naiza na nilapitan siya at inakbayan. "I know naman na natangay ka sa nangyari. Besides, kasalanan ko rin naman kung bakit nangyari yun kasi pinilit kita." Saad ni Naiza. "Im sorry din Ricay." paumanhin din ni Naiza sabay yakap dito. Habang si Analyn naman ay tahimik lang na nakikinig. Nasasaktan pa rin ito sa nasaksihan kanina sa dalawa.

Now I Found You (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon