Chapter 1: The Bad Girls

2K 36 2
                                    

ELISE'S POV

"Bigde! May naligaw ba akong damit dyan sa closet mo?"

"Bat ako tinatanong mo? Tignan mo kaya dun para malaman mo, tss.."

Napairap nalang ako at dumiretso sa Kwarto ni Bidge.

Sino yung nagtaray sa akin? Siya yung bestfriend ko, si Bidge, mataray pero kalog. Na broken hearted na kasi siya minsan eh, 2 years ago na yun pero sabi niya eh di na siya mag bo-boyfriend. Di na ako magtataka kung bakit pihikan na siya sa mga lalake, baka siguro ang iniisip niya eh iwan lang ulit siya ng mga lalake katulad ni Rey.

Ako? Well, I am Elise Ramirez, 17 years old! Nasa 4th Year na at nag aaral sa Efron Academy, transfer lang kami sa school na yun. Broken hearted din, nag karoon lang ako ng boyfriend noong 15 years old ako pero 5 months lang ata yung tinagal namin noon eh. Parang tanga lang yung relationship namin nun noh? Natatawa talaga ako kapag naalala ko yung ex kong si Jake. 17 siya nung mga time na yun, probably eh 19 years old na yun. And wala na akong pake sa kanya .

Dahil kanina pa ako nagkekwento sa inyo eh hindi ko namalayan na nauntog na pala sa ako pintuan ng kwarto ni Bidge. Ang sakit nun ah!

Napasinghap nalang ako at nang hinawakan ko yung doorknob ng kwarto ni Bidge eh sinigawan niya ako, "Wag mong guguluhin mga gamit ko diyan ah!"

"Oo!"

Binuksan ko na yung kwarto ni Bidge at tinignan ko yung closet niya, nakasara iyon. Whatever, kahit makita ko picture ni Jake dito wala akong pake, dinikit kase ni Bidge sa loob ng closet nya yung picture namin ni Jake nung 2nd Monthsary namin.

Pagbukas ko ng closet niya eh di nga ako nagkamali, nandon nga yung picture. Sinulyapan ko iyon pero inisnob ko din. Hinahap ko na yung nawawala kong damit at nakita ko din. Napadpad nga dito.

Pagkatapos kong kunin yung mga damit eh sinara ko na din yung Closet niya.

Pagkalabas ko ng kwarto ni Bidge eh nakasalubong ko si Steff na nagtanong sa akin, "Nakita mo ba yung suklay ko?"

"Eh bakit mo sa akin tinataong, di ako hanapan ng gamit, tsk!"

"Nagtatanong lang eh, Psh!"

Nag flips hair siya tapos nag walk out.

Sino si Steff? Bestfriend ko din siya, pero may pagka krung krung, haha! Broken hearted kay Seth. Haha! Nahuli niya kasi na may kahalikan si Seth na ibang babae, kaya ayun, nag break sila.

Dumiretso na din ako sa kwarto ko at tinupi ko na din yung mga damit ko saka nilagay sa closet ko. Saka lumabas na din ako sa kwarto ko.

~ · ~ · ~

Naghahanda ako ngayon ng kakainan namin, first day of school na namin bukas sa Efron Academy eh, kaya eto, todo handa na kami, coz it's our new life. Senior na kami eh. Haha!

Nagluto lang naman ako ng adobo tsaka pritong itlog, di na kasi ako naka bili sa supermarket kaya buti nalang eh may mga stock kami dito sa ref namin, kaya hindi na namin kailangan na pumunta sa supermarket, o diba ang bongga! Haha!

Nong matapos na akong maghanda ng kakainan namin eh tinawag ko na yung dalawang babae, "Hoy Mga Babae diyan sa salas na nanunood ng Oggy And The Cockroaches! Kakain na!"

Nakita ko naman silang tumayo at pinatay naman ni Steff yung T.V. Buti pa 'to responsable. Di katulad ni Bidge, puro utos, pangalngalin ko siya ng plato eh.

Tapos nun ay kumuha na din ako ng pitchel sa ref namin at kumuha na din ako ng tubig. Inilapag ko yun sa lamesa namin at umupo na din.

Umupo na din sina Steff at si Bidge naman ay kumuha na din ng kanin. Tignan mo itong babaeng 'to ang tagal kumuha, "Hoy bilisan mo naman! Gutom na ako."

"Teka lang! Nakita mong kumukuha pa nga ako ng kanin eh, tss."

Inirapan ko na lang siya at hinintay yung kanin. Pagkatapos ay kumuha na din ako ng kanin at ibinagay yon kay Steff at sabay sabay kaming kumain.

Itong si Bidge eh nakaka 3 plato ng kanin na ata to eh, may dragon ba sa tiyan niya? Ang lakas kumain ah, baka nagpapataba.

Si Steff naman eh kalahati palang ng kanin niya yung nauubos niya. Ako eh 1 plato palang. Matakaw talaga 'tong si Bidge, palapa ko 'to sa leon eh.

Nung natapos na kaming kumain eh nagligpit na din kami ng kinainan namin, naghihikab na din ako, tumingin ako sa wall clock na naka sabit sa Sala namin at nakitang 9:00 na ng gabi. Inaantok na talaga ako.

"Hoy, matutulog na ako!"

Kumaway lang sila sa amin, ang bastos ah! Di bale, sanay naman na ako.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko eh agad akong sumalampak sa kama pero nauntog ako, nandon pala yung laptop ko , kinuha ko naman yun tsaka inilagay sa table ko at bumalik sa kama.

Ipinikit ko na din yung mata ko at nakatulog na din ako.

~ · ~ · ~

STEFF'S POV

Kinabukasan...

"Hoy Elise! Gising na dahil papasok pa tayo! 6:30 na ng umaga o! Tumayo ka na dyan!"

"Five minutes more."

"Anong five minutes more! Gaga! First day of school natin sa Efron Academy tapos late tayo, kung di kang tayo ma guidance agad niyan! Tayo ka na diyan!"

"Hmmmmm...."

Ayaw talaga bumangon netong si Elise eh! First day of school tapos male-late kami, ang panget kay pag ganun!

Ah! May naisip na ako!

Lumabas ako saglit ng kwarto niya at isinara iyon ng bahagya pero nakikita ko pa rin siya. Tignan lang natin kung di 'to magising.

Huminga muna ako ng malalim bago sumigaw, "MAY SUNOOOOOOOOG!!!!!!! MAY SUNOOOOOOG!!!!!!"

"Aaaaaaaah!!!"

Natatawa ako habang nakikita si Elise na nagpapanic. Biglaan nalang kasi siyang tumayo sa kama niya at kinuha ko fire extinguisher niya sa kwarto niya.

Inalis ko saglit ang tingin ko sa pintuan at natawa.

Bigla na lang akong natumba kasi binuksan na ni Elise yung Pintuan kaya naitulak ako nung pinto niya. Nasubsob tuloy ako!

"Asan ang sunog?!"

"Walang sunog! Niloloko lang kita!"

"Eh bat ka nakasubsob diyan?"

"Eh tinulak mo yung pinto eh kaya nasubsob ako. Nasa likod ako ng pinto mo."

"Ang bilis ng karma nuh? Haha!"

Tapos pumasok na siya sa kwarto niya, natatawa nalang akong tumayo. Dumating na din si Bidge.

~ · ~ · ~

Please Vote and Comment, salamat/kamsa! Pa share na din. So sana ay suportahan niyo po eto kasi po ay first story ko po ito, again, salamat po ulit.

The 3 Bad Boys Meets The 3 Dangerous Girls (HIATUS)Where stories live. Discover now