Chapter 2: The Bad Boys

771 23 0
                                    

ELISE'S POV

Okay! Papasok na kami ngayon sa school, first day namin eh!

Etong Efron Academy? Malaki naman, it's my second time na pupunta dito kasi dito na nga ako mag aaral, ang tanga nung dialogue ko noh?

So, nandito na nga kami at pinark ko na din yung sasakyan namin sa Parking Lot.

Habang naglalakad kami eh madaming nakatingin sa amin, dukutin ko mga mata neto eh!

Sabagay, sami kasi sa amin nung pinag enrolan namin dito eh basta may bagong estudyante dito sa school namin eh may ipapagawa, hinihintay ko na nga lang.

Maya maya ay may humarang sa aming tatlong lalake. Tapos naka cross arms sila, ang wafu nila ah!

"Welcome sa Efron Academy, ako si Nathan." sabi nung brown yung buhok.

"Ako naman si Luke." sabi nung Black yung buhok.

"At ako naman si Vindred." Sabi nung Medyo blue yung buhok.

"Hi, ako si Elise." sabi ko.

"Ako si Steff!"

"Bidge Here...."

"Good, kami ang mga nasa student council at ang mga walang ID ay may parusa."

"But-" pinutol ni Nathan yung sasabihin ko.

"No buts, kailangan niyong sumayaw sa harap ng maraming tao."

Wala kaming nagawa dahil hinatak kami bigla nung mga bastos na lalakeng yun, nag gwapo pa naman pero ang bastos.

Dinala nila kami sa stage, "Anong sasayawin niyo?"

Nag isip ako, "BOOMBAYAH ng BLACKPINK!"

Nakita ko namang sinaksak nung lalake yung phone at plinay yung BOOMBAYAH. Fanboy ata ito ng BLACKPINK.

Nag play na rin yung BOOMBAYAH kaya sumayaw na din kami.

Nang matapos kami eh we did not fail to impress the people, pumalakpak sila. Good! Kung hindi ay sasapakin ko sila!

~ · ~ · ~

Nandito na kami ngayon sa classroom, kaklase pala namin yung tatlong walang kwentang lalaking nga yon, pasimuno sila ng gulo dito sa room.

Tapos ito pa ang nakakainis, magkakatabi pa kami nung tatlong monster! Ganito posisyon tapos kasi nasa pinakalikod na kami.

Window - Vindred - Steff - Nathan - Ako - Luke - Bidge - Window.

Ang panget ng posisyon namin noh? Sapakin ko yung nagayos sa amin ng upuan.

Maya maya eh dumating na din yung professor namin.

"Good Morning Class."

"Good Morning mam."

Nagulat ako kasi tatlo lang kami nina Bidge at Steff ang sumagot.

"It's okay Girls, sanay na ako sa mga yan. Okay class, sila ang mga new students natin, they just moved here and please be nice to them. Kilala sila sa school nila dati bilang nga amazona, so wag niyo nalang silang inisin, dahil lalabas ang pagiging amazona nila. Girls, please come infront and introduce yourselves."

The 3 Bad Boys Meets The 3 Dangerous Girls (HIATUS)Where stories live. Discover now