LUKE'S POV
"Ang bastos mo talaga Nathan! Bastos ka! Manyak ka!"
Napatingin kami sa labas dahil sa narinig, boses ata yun ni Elise eh, naririnig ko din yung boses ni Bidge. Shit! There's something really about her!
"Anong nangyari dun?" Tanong ni Vindred.
"Ewan, tara nga, oy, sama ka?" Tanong ko kay Steff.
"Tara." sabi niya saka lumabas.
Napailing nalang ako at lumabas na kaming tatlo.
Pagkalabas namin sa hallway eh nakita namin sina Bidge, Elise at Nathan. Hawak hawak ni Bidge si Nathan tapos si Elise naman eh sinisigawan si Nathan, ano bang ginawa nitong gagong 'to?
"Anong problema dito? 'Bat ka sumisigaw Elise? Para kang tanga diyan." sabi ni Steff at napapigil naman ako ng tawa.
"Eto kasing bastos na Nathan na 'to!" sabay turo kay Nathan. "Hinalikan ako!!!!"
Ay oo nga pala, hinalikan siya kanina ni Nathan sa classroom, bwahahaha!
"Ang choosy mo pa Elise, si Nathan na nga humalik sayo." Sabi ko at natawa naman yung Iba.
"Hoy Bidge! Bitawan mo nga ako." sabi naman ni Nathan kay Bidge.
"OH!"
Binitawan ni Bidge si Nathan tapos tinulak.
"What's happening here?"
Biglang lumapit sa amin si Ms. Alonzo, yung nasa detention, ang baboy niya. Pueh!
"NATHAN JUST KISS ELISE!!!" sigaw namin except Nathan at Elise.
"Nathan?! Elise?! In my office! NOW!"
"Pero Mam --"
"Wala ng pero, go to my office." sabi ni Ms. Pig este Alonzo tapos ngumit tsaka umalis.
"Nathan!!! Kasalan mo 'to eh!"
~ · ~ · ~
ELISE'S POV
DETENTION
Nakaupo lang ako dito tsaka si Nathan habang nandito sa detention, buiset kasi na lalaki 'to, kiss stealer. Buiset!
Sa totoo lang, ayoko talaga sa mga detention rooms. May phobia kasi ako. Ganito yun kung bakit ayaw ko sa detention.
-FlashBack-
Nako! Naiinis ako kay Stacey, ang landi kasi! Ayan tuloy, mag isa ako ngayon sa detention, kung pwede ko lang yun sapakin eh nasapak ko na kaso hindi pwede eh, sila may ari nitong Diamond High. Shet lang!!
So eto nga, mag isa ako ngayon dito sa detention dahil sa ginawa ng buiset na Stacey na yun, masasapak ko na talaga yun eh!
"Saglit lang Elise, lalabas lang ako saglit."
Tinangoan ko lang yung nag babantay sa akin dito sa detention at lumabas na siya. Naiwan na ako na mag isa dito sa detention. Shet, ayokong naiiwan mag isa eh.
Takot pa naman ako sa mumu, mamaya baka makakita pa ako ng mumu dito eh, para akong bata shet!
Maya maya eh namatay matay na yung ilaw, ayaw ko ng ganito! Please lang! Natatakot ako!!!
![](https://img.wattpad.com/cover/82831828-288-k664281.jpg)
YOU ARE READING
The 3 Bad Boys Meets The 3 Dangerous Girls (HIATUS)
RandomSa isang paaralan na nagngangalang Efron Academy, mag ku-krus ang landas ng Tatlong Maangas na lalake laban sa Tatlong Amazonang mga babae na handang lumaban kahit saan. Si Elise Ramirez, Kabilang sa tatlong amazonang babae na sa simula ay kaaway a...