19: Connections And Accounts

111 9 0
                                    

--- Mara Martinez


Ngayon....ewan ko kung ano'ng gagawin ko. Wala akong maisip. Ilang linggo narin akong nagtratrabaho kay Boss English at day-off ko ngayon. Siyempre, kailangan sulitin ko kasi isang araw lang yung day-off. ISTRIKTO SI BOSS XDDDD.


*dit dit dit dit*


Napatingin agad ako sa cellphone ko na ngayon ay kumikidlap. Inabot ko agad yun at sinagot yung tawag ni Boss English


"Hello Boss?" Sagot ko agad sa tawag ni Boss English. Nakarinig ako ng parang malakas na hangin at parang bang may nababasag "Hala Boss! May nang-aakyat bahay gang sa inyo Boss. Ano? Tawag ako ng pulis?" Sabi ko. Nakarinig ako ng tawa. Pero tawang parang tuyo yung lalamunan.

[I need you..Xyla..] boses ni Boss English pero yung boses ni Boss English, grabe halos di ko mafamiliarize. [Please..?] Tapos mga hikbi yu
ng sunod kong narinig.


"Hala sir, wrong number yata na-type mo HAHA!! Number sana galing sa langit yung tinype mo para mareach mo si Xyla. LOL Boss, grabe! HAHAHA!!" Natatawa kong sabi.


[Xyla...I need you...now]


Nawala yung ngiti ko. As in, literal na bumagsak yung ngiti ko. "Rowan. Uy! Nasaan ka ba?" Tanong ko.


[Please come...I need you..Xyla..]

*diiit!*


Binabaan ako ni Rowan.
Napatingin ako sa cellphone ko. Prinoproseso pa ng utak ko yung sinabi niya. Agad akong napatayo sa kinauupuan sabay takbo ko papalabas ng bahay. Inalis ko yung kadena sa bike ko at agad ako nagpedal papaalis at papunta sa condo unit nina Rowan.


Nakaramdam ako ng lamig sa paligid ko at mga patak ng tubig ang sumunod. Ayos. Sumabay pa ang ulan. Sana naman hindi nagsuicide si Rowan kundi, iyak yung fangirls niya---YAH MARA! SERYOSO NA YUNG SITWASYON, NAKUHA MO PANG MAGBIRO?!


Nagpedal ako papunta sa condo unit ni Rowan kahit umuulan. Halos hindi ko na makita ng maayos yung daan dahil sa ulan. Buti nalang may ilaw tung bike ko.

Nakarating na ako sa condo unit ni Rowan agad kong pinark ang bike ko sa gilid ng entrance at pumasok sa lobby. Lumapit ako sa clerk at tinanong siya. "Anong unit si Rowan Klent Lim?" Tanong ko.


"Sorry, pero walang Rowan Klent Lim sa records. Do you know anyone related to him?" Sagot sakin ng clerk. Wala ako maisip na kahit sino mang taong related sa kanya kundi si Xyla. Pero impossible namang maging siya, patay na siya eh. Sino pa ba sino pa ba. Aaah!


"Keneth Reyes maam! Si Keneth Reyes po?" Sabi ko. Binaling ng babaeng clerk ang tingin niya sa computer niya at may kung anong tinignan.


"Yes maam, he's at unit 409. 4th floor. Are you his girlfriend?" Taning sakin ng clerk. Napalunok ako sa tanong niya.


"Uhm..yes po, sige salamat bye!" Sabi ko sabay sakay ng elevator. Hindi man ako si Xyla, ako parin naman yung tinawagan ni Rowan at tinawag niyang si Xyla. Kamukha ko si Xyla pero hinding hindi ako magiging siya.


*ding!* narinig ko yung tunog ng elevator. Hindi ko na inintay ang pagbukas nito ng buo. Tumakbo agad ako sa unit 409.


Marahas kong tinulak yun at nagulat nung bukas lang pala ito. Agad kong hinanap si Rowan. Nakarinig ako ng pagbukas ng pinto sa isang kwarto. "Sino'ng nandyan?" Agad akong nagpunta sa boses and saw Rowan. Punong-puno siya ng mga pasa. Nakita niya ako at niyakap agad.


√  |  𝑷𝑰𝑪𝑻𝑼𝑹𝑬𝑺 𝑶𝑭 𝑼𝑺  ;   𝒌𝒐𝒐𝒌𝒖 Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon