2.

21.2K 442 12
                                    

REVISED

Andy’s POV

Habang kumakain kaming apat nila Byron ay panay ang kwento nito pati na rin si Thorne maliban na lang kay Lucien na bihira lang magsalita.

“Alam mo ba ma’am Andy bading tong si Thorne eh? Nahuli kong nakatingin sa abs ko nung nakaraang linggo” Sabi ni Byron habang nakahawak sa tyan nito at nakatingin kay Thorne.

“Anong bading? Sinong bading? Babae po ako fafa Byron” Pangaasar naman ni Thorne at niyakap si Byron at hinawakan ang tyan ni Byron “Hmm fafa” dagdag pa ni Thorne at aktong hahalikan si Byron sa cheeks pero tinulak ni Byron ang mukha nito.

“Kadiri to” sabi ni Byron na halata nandidiri, pinagpagan pa nito ang parteng hinawakan ni Thorne. Natawa naman ako sa kanilang dalawa at ganon din si Thorne. "Gago di kita papatulan mas gwapo pa ako sayo!" Dugtong nito at lumayo kay Byron

“We need to leave” biglang imik ni Lucien na nakatingin sa relo nito kaya napatingin din ang dalawa sa relo nila. Medyo nalungkot naman ako at kailangan nilang umalis at wala nanaman akong makakausap.

“Tara na ma’am Andy. Nagaantay na doon si boss” sabi ni Thorne na nakatayo na at handa ng umalis.

“Huh?” Nagtataka kong sabi pero sumunod na lamang ako sa kanila pagdating namin sa sasakyan ay si Lucien ang nag-drive,si thorne naman sa shotgun seat at kami naman ni Byron sa likod. Di na ako nagtanong kung saan kami pupunta at hinintay na lang na makarating kami.

Tumigil ang sasakyan sa tapat ng isang malaki at magarbong building agad kaming bumaba at nakita ko pang hinagis ni Lucien ang susi sa isang lalaki na sa tingin ko ay isa sa mga empleyado. ‘Montgomery Empire’ basa ko sa nakasulat pamilyar. Nagsimula na silang maglakad papasok kaya sumunod agad ako sa kanila habang naglalakad kami papasok ay bahagyang yumuko ang mga empleyado at binabati kami—I mean sila Byron lang pala dahil lahat sila ay sa kanila lang nakatoon ang atensyon lalo na ang mga kababaihan may ilang napapatingin sa akin at bigla akong iirapan pero may iba naman na nginingitian ako at ganon din ang ginawa ko.

Pagdating namin sa tapat ng elevator ay maraming empleyado ang nasa tapat at nagaantay pero nung makita nila ang mga kasama ko ay bigla silang tumabi sa gilid at kami ang pina-unang sumakay sa elevator at walang sumabay ni-isa sa kanila.

Nang nagbukas ang elevator ay dumiretso kami sa isang office at ng makapasok kami ay doon ko nakita ang isang lalaki na naka-upo sa swivel chair nito at abala sa pagtipa sa keyboard ng kaniyang laptop habang may hawak na papel sa kabil nitong kamay at pasalitsalit ang tingin sa dalawa. Nakaramdam ako ng nerbyos at takot dahil sa prisensya ng lalaking iyon. Narinig kong tumikhin si Thorne dahilan para mapatingin sa direksyon namin ang lalaki.

“Have a sit” sabi niya at agad naman kaming naupo sa mahabang sofa nasa magkabilang gilid ko si Thorne at Byron habang si Lucien naman ay naupo sa pangisahang sofa. Habang naglalakad ito palapit sa amin ay di ko mapigilang pagmasdan ang mukha nito. Ang mata nito ay medyo singkit ngunit malamig, ang ilong nitong matangos at ang labi nitong mapula na kaakit-akit perfect! At lalong nakadagdag pa sa kagwapuhan nito ay ang medyo magulo niyang buhog pati ang perfect jawline niya isama mo na rin ang katawan niya. “Done checking me?” tanong nito gamit ang malamig niyang boses kaya agad akong napaiwas ng tingin at di napigilang mamula dahil sa hiya Shocks!

“Here sign this” sabi niya at inilapag sa lamesa ang folder pati na rin ang ballpen agad kong kinuha yung folder at binasa yung nakasulat.

“Marriage contract?!” nanlaki ang mata ko ng mabasa ang nakasulat doon at napatingin sa kaniya at bumalik ang tingin ko sa kontrata.

“Look it’s a win-win situation. I can give you anything you want, name it and I’ll give it to you. Anything you want luxurious car,house,money. Anything. And me I can get what is mine” He explained. Bigla naman akong nanliit dahil sa sinabi niya dahil parang binibenta ko na sa demonyo ang sarili ko pero wala akong choice dahil kung hindi ako pipirma sa kontratang iyon ay mamamatay ang pamilya ko. Yun ang nakasulat sa dulong bahagi ng kontrata. Walang pagdadalawang isip kong pinirmahan ang papel at inabot iyon sa kaniya pati na rin ang ballpen.

SoldTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang