4.

18.3K 327 8
                                    

REVISED

Andy’s POV

Habang nakatiitig sa litrato ng babaing iyon ay bumalik sa isip ko kung bakit nga pala ako nandito,Napagdesisyonan ko na lumabas dahil wala pa naman si Damian at baka makita niya ako dito at kung ano pa isipan niya ng bubuksan ko na ang pinto ay nanlaki ang mga mata ko at bumilis ang tibok ng puso ko ng makita kung sino iyon.

“D-Damian” pautal-utal na tawag ko sa kaniya dahil sa kaba.

“What are you doing here?” Tanong niya habang naka-kunot ang noo ay titig na titig sa akin kaya napa-yuko na lang ako dahil di ko kayang salubungin ang tingin niya.

“Ah..Hi-Hinahanap kasi kita. Sorry” Sabi ko habang nakayuko parin atsaka dali-daling umalis at dumiretso sa kwarto ko. Ang bilis parin ng tibok ng puso ko Nakakatakot talaga siya.

Nabatukan ko nanaman ang sarili ko dahil naalala ko kung ano yung nangyari.

“Tanga mo talaga! Dapat magpapsalamat ka pero anong ginawa mo!” Panenermon ko sa sarili ko. Imbis na magpasalamat ako eh baka sabihin niya tresspasing ako—which is true naman!

Napabuntong hininga na lang ako at nagisip ng kung anong pwedeng gawin para makabawi at maayos na makapag-sorry sa kaniya. Mayamaya lang ay dinalaw na ako ng antok at nahiga na lang ako sa kama.

---

Late na ako gumising dahil wala naman akong pasok ngayon dahil sabado.

Pagbangon ko ay naligo muna ako bago sumilip sa pinto dahil baka hindi pa nakakaalis si Damian at magpang abot kami,ayoko naman magyari yon kasi nahihiya ako sa kaniya. Nang masigurado kong wala nga siya ay lumabas na ako at dumiretso sa kusina para kumain.

“Morning ma’am Andy!” bati ni Byron

“Good Morning!” sagot ko naman at nagsimula na kumain

“Wala kayong pasok ma’am Andy?” Tanong ni Byron. Umiling lang ako at ngumiti bago ipagpatuloy ang pagkain,Di na ako nakisali sa usapan nila dahil patuloy lang ako sa pagiisip ng magandang gawin para makapag-thank you kay Damian at makapagsorry pumasok ako sa kwarto niya ng walang paalam.

“May tanong ako” Panimula ko ng maalala ko ang litrato ng babae na nakita ko sa kwarto ni Damian.

“Ano yun ma’am Andy?” tanong ni Thorne.

“Sige lang ma’am” dagdag ni Byron samantalang si Lucien ay tinignan lang ako.

“May kilala kayong babaeng…” Matapos kong madescribe ang babae ay tinigan ako ni Thorne,Si Lucien naman nabigla pero nawalan muli ng expression ang mukha at si Byron naman ay napa ‘oh’

“Sino siya at parang gulat at mukha kayong nagtataka?” tanong ko ulit.

“Saan mo nakita ang picture na yun ma’am Andy?” tanong ni Byron ng makabawi siya mula sa pagkakagulat.

“Somewhere” Sagot ko. Di ko naman kasi pwedeng sabihin na pumasok ako sa kwarto ni Damian. “So sino nga?” tanong ko na naman.

“Damian’s ex girlfriend” nanlaki naman ang mata ko ng dahil sa sagot ni Lucien. OMG!

“Ahh” Matapos ang nalaman ko ay di na ako muling nagtanong pa kasi baka masyadong personal na ang matanong ko at baka masabihan pa akong pakialamera.

Pagkatapos kong kumain ay dumeretso na ako sa kwarto ko dahil may assignments tapos research pa akong kailangan gawin. Ginamit ko na din ang laptop na binigay sa akin ni Damian.

*ring-ring*

Mayamaya lang ay nagring ang telepono ko,Ito din yung binigay sa akin ni Damian.

[Free ka ba today? May gagawin ka?] sabi ni Audrei sa kabilang linya.
“Wala,bakit?”

SoldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon