Chapter Nineteen

5.4K 140 1
                                    

"nasa puso mo" pambabara ni Gwen






"ayieee, nasa puso daw oh? Wala to lumalablife" pangaasar ni Colin







"mga baliw! Lika na oy, kain na tayo at aalis na" tinanghali na kasi kami eh.







Kumain na kami at katabi ko si Matt







"pano ba yan? Last time na natin to dito" sabi ko sa kanya







"okay lang, magkaklase naman tayo eh. Lagi pa rin kitang makikita" sweet na sabi nya







"ahem ahem. Ang kati, puro langgam na oh" tinignan ko nang masama si Gwen







"inggit ka lang eh. Julius, si Gwen oh"








"bakit babes?" nagtawanan kami sa pagkakasabi ni Julius nun kay Gwen







"yuck! Babes your face" nandidiring sabi ni Gwen







"wag mo naman ako ganyanin babes" may nakikita akong charm sa dalawang to eh. Bagay sila actually. Si Gwen is maliit na chubby then si Julius naman eh matangkad na normal ang katawan







"tantanan mo nga ako. Sasapakin kita dyan!"








"hahahahaha" tawa ko nang malakas. Napipikon na kasi si Gwen eh







"Oist!!! Ansama nito" napatingin ako kay Matt







"nakakatawa naman talaga ah?"







"aish ewan. Punta na nga tayo sa kanya kanyang room natin, mauna na tayong maligo para walang hassle" he has a point. Tumayo na kami at pumunta sa kanya kanyang room namin. Pagkaakyat ko dun, naligo na agad ako.







Pagkaligo ko, nagbihis na ako at lumabas na ng cr. Nandito na pala sila







"ansaveh ng sabay na pagalis?"-Gwen







"niyaya nya kasi akong mauna na kami maligo. O sya, mauna na ko, bibili pa ko ng souvenirs" sabi ko at lumabas na






Nakita ko si Matt na nasa baba na kaya nagmadali ako







"saan punta mo?" tanong nya sakin







"bibili ako ng souvenirs"







"really? Sabay na tayo" yaya niya







"tara na" sabi ko at naglakad na kami






May nakasalubong kaming nagtitinda ng keychains







"magkano po?" tanong ko






"tatlo 100 lang po" butterfly yung keychain and may shells. Iba iba yun






Kumuha na ako at kumuha na rin si Matt






9 pieces ang kinuha ko at nagbayad na ako ng eksaktong 300.







"salamat po" sabi sa amin ng tindero at nagpasalamat din kami







Nakarating na kami sa souvenir shop at bumili kami ng shirts, wallets pati nung stuffed toys.






Then bumalik na kami sa pinapagstayan namin







Pagbalik sa room namin, tapos na silang lahat maligo. Binigay ko na yung keychains for them and shirts






"wow! Thanks" sabi ni Denise







"salamat" sabi ni Gwen







"uy wow, salamuch" sabi ni Colin






then inabot ko yung kay Blake






"thanks" naiilang akong tumango







"ah ano, bilisan na natin magimpake ng gamit" di ko na kaya yung awkward atmosphere samin ni Blake kaya sinigaw ko yan







Nagmamadali kaming nagayos ng gamit at handa na yung lahat








"tulungan na kitang magbaba nyan" alok ni Blake sakin







"kaya ko. Ayun oh, yung mga girls. Baka di nila kaya" naiilang kong sagot at bumaba na







Tama yung ginagawa ko. Alam ko yan. Kailangan kong umiwas sa kanya.







Nung pababa na ako ng hagdan, nagkita kami ni Matt







"oh! Tatawagin ko na sana kayo eh. Akin na nga lang yang bag mo" sabay kamot nya ng ulo. Binigay ko yung bag sa kanya at wala na akong dala. Yehey. Hahaha







"kami na lang ba kulang?" bigla kong naitanong






"yup" nakaramdam ako ng hiya dahil sa sagot nya







"eh bakit ngayon mo lang kami tatawagin?"







"kakarating lang natin remember?" oo nga naman. Bumili pa kami







Nakarating na kami sa baba at inilagay nya yung baggage ko sa compartment ng van kasama ng mga gamit ng iba







"thanks Matt"







"wala yun" sagot nya at sumakay na kami sa van







Sa tuwing pumapasok sa isip ko si Matt, ewan ko pero parang kinakabahan ako. Napakaunusual nung feeling eh







Is this what you called love? Cause if it does, kailangan ko na lalong paibigin si Matt. Hindi ako papalpak dito, ipapangako ko yan

Operation: To be loved by Mr. CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon