Chapter Twenty-four

4.2K 105 2
                                    

"Eeeeh! Ayoko nga sabi!!" sigaw ko kina Denise at Colin





"Dali na! Ang arte mo" sabi naman ni Denise





"Kung ayaw nya, wag nya! Wala akong pake. Di ko naman sya kailangan sa buhay ko eh. Ayaw nya kong mawala? Eh bakit ngayon hindi pa nya ko pinapansin? Bahala sya" sabi ko sabay walk out. Pumunta ako sa canteen at nakita si Gwen.






"Ano? Ayos ba yung plano?" tanong niya. Oo, plano lang ang lahat nang yon





"Ewan, pwedeng oo pwedeng hindi. Nagawa ko naman yung dapat eh" naalala ko nung sinabi nya sakin na wag akong lalayo. Ginamit ko yun para maging okay na lahat, kung magiging epektibo





"Paul!" Napalingon ako kay Matt. Oo, sya nga






"Sorry, for being this cold. For avoiding you. Mali ako, alam ko yun. Ayaw kong mawala ka sa buhay ko, sana maayos natin to" niyakap nya ko





"Ah, ano kasi, ako naman yung may kasalanan eh. Sorry din." I said in between our hug "Pero plano lang talaga lahat eh" sabi ko at tumawa sa kanya






"Plano?"






"Well yeah, naalala ko kasi yung sinabi mong wag kitang iiwan so I used it"






"Ikaw talaga, abusado ka ah" kiniliti nya ako sa tagiliran






"Ahaha-- tama--- n-na--- ahahaha" pinakawalan nya ko at naghabol ako ng hininga






"Sa susunod, wag mo nang uulitin yun ah? Effective eh" may binulong sya pero hindi ko narinig






"Huh?" I asked him






"Wala! Sabi ko, kain na tayo. Matatapos na ang recess break" hinila nya ang kamay ko at bumili na kami. Nilibre nya ako at kumain na kami





"Dapat siguro kitang inisin araw araw no? Para lagi akong libre" pambibiro ko






"Aba, nasasanay ka ah" nagtawanan kami pagkasabi nya nun






Operation: To be loved by Mr. CasanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon