Kung Wala Kang Magawa

46.1K 979 412
                                    

At dahil binuksan nyo... Sana ituloy nyo na ang pagbabasa... 

___________________________________________________

"Where were you last night?" Tanong mo sa akin. Naglalakad tayo papunta sa classroom. Mali--sinusundan mo pala ako papunta saking classroom. Mas binilisan ko ang paglalakad.

"Rhea, answer me." I can almost hear the word 'please' in your voice. Alam kong nahihirapan ka dahil sobrang taas ng pride mo. Ni-minsan hindi mo kailangang maki-usap para maibigay ang hinihingi mo.

Atensyon? Sawang sawa ka na niyan. Sikat ka sa school. Only child ka, mahal na mahal ka ng parents mo.

Babae? Sila na mismo ang lumalapit sayo.

Pagmamahal? binigay ko na lahat ng yan, pero anong ginawa mo?

"Rhea ano ba! Tinatanong kita!" Ayan na. Galit ka na. Tinataas mo na naman ang boses mo. Pero diretso parin ako. Hinawakan mo ako sa braso, nasasaktan ako pero di ako umimik. Mas hinigpitan mo pa ang paghawak sakin, napahinto na talaga ako.

"Look at me." Utos mo. Ilang beses ko na bang narinig ang tono na yan sa tuwing may ipapagawa ka sa akin?

Rhea halika dito-Rhea dalhin mo to-Rhea kunin mo to-Rhea hubarin mo damit mo-Rhea ibigay mo sa akin ang katawan mo-Rhea wag kang magsalita -Rhea diyan kalang antayin mo ko-Rhea magpanggap kang girlfriend ko-Rhea pagselosin mo si Gina-

Gina...yan ang pangalan ng babaeng mahal mo. Dalawang buwan na ang nakakalipas simula nung makilala mo siya.

Siya ang minahal mo. Hindi ako.

Bakit nga ba hindi ako?

"Fvck! I said look at me!" I winced when I heard you curse. Natatakot ako kapag nagagalit ka. Pero sinubukan ko paring sumagot,

"Yes, master?"

"How many times do I have to tell you-I'm not your master!" Isinuklay mo ang kamay mo sa iyong buhok. I saw you glare at the onlookers.

"Anong tinitingin tingin niyo diyan?" Naiinis mong sigaw sa kanila. Nababaliw kana ba? Hindi mo ba alam na masisira ang image mo?

"Now, answer me. Where were you last night?"

"Chris, bitawan mo ko." Pagpupumiglas ko. Ayaw kong maging dahilan ng pagbagsak ng pinaka iingat-ingatan mong personality sa school.

"No."

Hinawakan mo na rin ang isa ko pang braso, "Ano ba, bitawan moko sabi e!" Nalaglag na ang mga gamit ko sa sahig. Mas dumadami na ang nakatingin sa atin. Naririnig ko na ang mga bulungan nila.

"Hala, diba yan yung student council president natin?"

 "Anong nangyayari?"

 "Sino yang kasama nya?" 

"Aggressive naman pala nyan. Naturingang lalake pumapatol sa babae."

 "Siya ba talaga yung president?"

"Stop struggling! You will only hurt yourself."

"Chris...Huwag kang gumawa ng eksena dito, kung ayaw mong iba ang isipin ng mga tao." Nakayuko parin ako.

Ilang ulit mo na ba akong pinagsabihan na huwag kang lapitan sa school? Na sa tuwing magtatagpo ang mga tingin natin, naiinis ka. Nandidiri ka.

Hindi mo maatim na ang babaeng ipinagkasundo sayo ng iyong lolo ay dating naging isang babaeng bayaran...

Kung Wala Kang MagawaWhere stories live. Discover now