Chapter Twelve: My date w/ Elvis

41 0 0
                                    

"Jessica!!"tawag sakin ni Abby nang dumating siya at lumapit ito sakin na nakasimangot.

Alam ko kung bakit ganun ang mukha nun. Dahil nung nagtext sakin ang kapatid niya, sinagot ko agad dito na makikipagdate ako. Siguro nga, mali iyon pero kailangan ko yun! Ayoko nang isipin pa si Micheal!! Kailangan kong mga-explore, katulad noon. Noong nasa Manila ako...

"Jessica! Makikipagdate ka sa kuya ko? Sigurado ka na ba dyan??"

Nginitian ko naman siya ng peke. "Oo! Sigurado ako!"

Hinawakan niya ang balikat ko at lumapit sakin. "Ginagawa mo ba 'to dahil-"

"Hindi, Abby. Gusto ko ring makilala ang kapatid mo."

Pinutol ko agad ang sasabihin niya dahil di naman sobrang layo ni Micheal samin at as usual, nagbabasa na naman ito ng notes niya. Baka nga wala siyang paki-alam kahit marinig niya ang pinag-uusapan namin.

"Jessica..."

Kusang bumitaw ang mga kamay niya at halata kong di niya maintindihan ang desisyon ko. Pero nakikita ko sa kanya ang awa. AWA PARA SAKIN..

"Anong meron dito??"biglang dating ni Nikka at napatingin siya saming dalawa. "Anng seryoso niyo para sa umaga ah!"

"Ito kasing si Jessica, makikipagdate sa kapatid ko!"

"Ano ba kasing mali dun,Abby?"

"Teka! Makikipagdate ka talaga?! Seryoso, Jess?"

Tumango ako sa kanya at sabay silang napa-iling ni Nikka. Yup, I'm desperate.

"I'm sorry, guys. But I need to do this. I'm sorry, Abby."

"Ok, kung yan ang gusto mo, Jess. Sige, makipag-date ka sa kapatid ko pero i-update mo kami ah!"

Napangiti naman ako sa sinabi ni Abby. "Sige.."

Pagkatapos nun, sinubukan kong wag gaanong bigyan ng attensyon si Micheal at nagawa ko naman kahit papaano yun lang, napapasulyap pa rin ako sa kanya.

Sa first class namin, napangiti siya sakin, pilit naman akong ngumiti sa kanya at tinuon ko na ang isip ko sa lesson. Well, ok na 'to kaysa lalo pa kong mahirap kung di naman ako ang magugustuhan niya.  Alam kong si Sheena ang type niyang girl.

Sheena: simple, cute with her long black hair and have a beautiful smile. MAGANDA DIN...

Eh, kung ako naman.. Maganda ako na may pagkarakizta, medyo sosyal pero kaya ko naman makibagay, cute din naman akong ngumiti. Naging malinis na nga akong tignan mula nung maging student nurse na ko.

Pero Hindi... Hindi kami para sa isa't-isa...

-------------------------------------------

Nang dumating na ang lunch time...

Kumain kami sa cafeteria at sabay-sabay kami ng mga kaibigan ko. Sympre, kasama si Micheal. Tahimik lang akong kumakain at nakikipagtext kay Elvis na mukhang excited na sa date namin sa sabado. Ako naman.... Okay lang...

Elvis:

-- Sige, Text kita uli kapag wala na kong ginagawa, Bye.  ^__^ --

Masaya talaga siya ah....

Sana ako din...

Sigh.....

"Balita ko may date ka?"

Biglang napatingin ako sa boses kung saan nanggagaling ito, yun pala si Micheal! Napa-ayos tuloy ako ng pag-upo. 

"Ha?"tanong ko.

The Love We Have(COMPLETE)Where stories live. Discover now