Chapter Sixteen: Close

18 0 0
                                    

"Ma, saan kayo pupunta?"tanong ni Micheal sa mama niya.

Kabado naman ako dahil nakatingin sakin ang pamilya niya. Di ko nga alam kung may iinisip silang masama o wala. Di ko kasi mabasa ang nasa isip nila.

"Kakain sa labas. Tara na, sumama na kayong dalawa."

"Oo nga, isama mo na siya."sang-ayon naman ng Papa niya.

"Sumama ka na samin."tingin sakin ni Micheal.

Medyo napa-urong ako dahil sa kaba. "Hun? Hindi! Kayo na lang po. Family dinner niyo po yan."

"Ok lang yan iha. Mas ok kung makikilala ka namin."ani ng Papa niya.

"Pa, hi-"

"Tara na iha,"pinagbuksan pa ako ng mama niya para pumasok na sa taxi. "Ok lang samin na sumama ka."

Napatingin ako kay Micheal pero di na ata ito nakakibo. No choice na rin naman ako dahil kung tatanggi ako sa mga magulang niya, baka may masabi sila. Okay, dapat relax lang!

""O, sige po."payag ko.

 ------------------------------

"Ikaw yung bunsong anak nila Mr at Mrs. Jimenez, di ba?"

Tumango naman ako sa mama ni Micheal. "Opo, ako nga po."

Pinili nilang kumain kami sa isang sikat na restaurant sa Cebu at di naman sila nagkamali talaga. Medyo di ako makakain ng maayos dahil ngayon ko lang makakasama ang pamilya ni Micheal. 

"Nasa dugo niyo talaga ang medisina. Sigurado akong magiging magaling kang nurse."

"Sana nga po."ngiti ko naman.

"Magkalapit ba kayong magkaibigan ni Micheal?"tanong naman ng ama ni Micheal. Nakita namin ang biglang pagkasamid ni Micheal. "O, hinay lang anak."

"Kayo kasi nag-"

"Wala naman kaming ginagawa. Teka iha, magkaibigan ba kayo ni Micheal?"

"O-opo. Magkaibigan po kami."

"Magkaibigan kami."ani naman ni Micheal.

"Talaga, Kuya? Hindi mo siya girlfriend?"tanong ng kapatid niyang si Eliza. 

How I wish. Sana.

"Hindi ah! Magkaibigan lang kami. Kumain ka na nga lang dyan."

Ouch.. Kaibigan. Ilang beses ko na bang naririnig yan?

"Teka, Ate. Alam mo ba, di pa nagkakagirlfriend yang si Kuya!"

Di naman ako sumagot kundi napatingin ako kay Micheal na ngayon ko lang nakitang namula.

"Tumigil ka nga dyan, Eliza. Wag mo kong asarin ngayon."

"Bakit, Kuya? Totoo naman ah! Okay lang yan!"

"Tumigil ka. Si Jessica lang ang nakakaalam ng sakit ko."

Napatingin sakin ang mga magulang at kapatid nya at napatango naman ako. "Wag po kayong mag-alala. Di ko naman po sasabihin sa iba."

"Hindi naman kami ang may gusto nun, iha. Kundi si Micheal. Kung alam mo na pala, okay lang sa amin."ani ng mama niya.

"Ok lang ba sayo na nalaman ni Jessica ang tungkol dito?"tanong ng ama ni Micheal sa kanya.

"Okay lang po. Alam ko naman na pagkakatiwalaan siya. Ayoko lang na masyado niyo kong alahanin."

"Di nila maiiwasan yun, Micheal."sabi ko. "Mag-aalala parin sila sayo dahil pamilya mo sila."

The Love We Have(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon