Chapter Nineteen: Confused Heart

30 0 0
                                    

"Talagang bumalik si Christopher nuh?"tanong ng Mama ko habang nasa biyahe kami papuntang school. "Mahal na mahal ka niya, Anak. Bumalik siya para sayo."

"Ano gusto niyong palabasin, Ma?!"

"Wala! Wala naman akong ibang pinapalabas, Jessica. Ang sa akin lang, heto siya.. Nasa harap mo. Walang sakit at-"

"Hindi ko na siya mahal. Kung di niya--- Ayokong pag-usapan siya."

"Dahil ba kay Micheal yan, Jessica?"tanong ni Papa.

"Pa, magkaibigan lang kami. Kamusta pala yung check-up niya?"

"Wag kang mag-alala. Ok lang ang kalagayan ni Micheal, Anak."

"Mabuti naman po kung ganun."napabuntong-hininga ako sa balitang yun. Sayang lang di ako nakasama sa kanya.

Pinarada ni Papa ang sasakyan at agad akong nagpaalam sa kanila. Dali akong pumunta sa klase namin para makita si Micheal ngunit pagdating ko sa klase namin, nag-aaral pa rin siya ng husto gaya ng dati.

Lumapit ako sa kanya. "Goodmorning."

Tumingin siya sa'kin. "Goodmorning din."

"Mukhang seryoso dyan ah!"puna ko nang tumabi na ko sa kanya.

"Dapat talagang maging seryoso."

"Huh?" Naramdaman ko ang lamig sa tingin niya at sa salita. Tingin ko talaga, naging malayo na naman siya sakin. Akala ko, okay na. "Balita ko, okay daw ang check up mo kay Papa."

"Oo, okay lang.."sagot niya na nakatingin sa binabasa.

"Ah.. Ok."

Mula kaninang umaga hanggang sa uwian na, hindi kami nagkausap ni Micheal dahil puro basa siya at aral.

"Tara, guys! Maglugaw tayo ngayon!"aya ni Ronnie.

Sumang-ayon naman ang iba at pati ako.

"Pass muna ako dyan. Mauuna na ko sainyo."paalam ni Micheal at umalis siya nang walang lingon sa amin.

"Eto, talagang si Micheal. Bumalik na naman sa dati. Masyadong seryoso sa pag-aaral."ani ni Ronnie.

"Ganun talaga pag may gustong makuhang marka."ani naman ni Marcelino.

"Jess, ano bang nangyayari kay Micheal?"

"Di ko din alam, Niks."

Nalungkot ako nang wala si Micheal dahil akala ko may pagkakataon uli akong makausap siya. Hindi nga pumunta si Christopher para sunduin ako, pero wala naman si Micheal ngayon. Kaya naman pagkatapos ng kainan, mag-isa akong umuwi at bumibigat ang dibdib ko na halos gusto kong umiyak dahil sa sakit na dinudulot nito.

Siguro nga kahit kaibigan lagi ang sinsabi ko pagdating kay MIcheal, ang totoo naman ay umaasa ako kahit di pwede. Kailangan ko nang magmove on dahil ako lang ang nakakaramdam nito.

------------------------------

"Hay! Natapos din ang dalawang subject nating may quiz! Napisa ata mga brain cells ko."ani ni Abby na hawak pa ang ulo.

"Oo nga eh. Grabe talaga yung physics! I hate it."simangot ni Nikka.

"Kayo talaga. Pero same here. I don't like physics."

"Guys! Sama kayo. Maghappy tayo?"aya ni Ronnie.

"Payag ako dyan."sagot ni Nikka at ganoon din ang sagot ni Abby.

"I'm ready."sagot ko na natawa sila.

Tumingin naman kami kay Micheal na paalis na rin.

"Micheal, sasama ka?"tanong ni Marcelino.

The Love We Have(COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon