Chapter 6

1.4K 39 0
                                    

Nandito ako ngayon sa school namin. Kaso nakakapagtaka ang daming mga tao na nakakalat.

"Gurl!" sigaw sakin ni Judy

"Oh ano?"

"Kanina pa kita hinahanap, kaloka. Nakapili kana?" tanong nya

"Anong nakapili naman?" takhang tanong ko

"Gosh, kaloka ka gurl! Wala ka nga pakelam sa earth!" sabi naman nya

"Ano ba kasing pinagsasabi mo, bakit hindi mo pa kasi ako deretyahan! Dami dami pang intro-_-"

"Ay basta! Bilisan mo gurl habang wala pang masyadong tao dun sa board!" sabay hila sakin ni Judy papunta doon sa covered court

"Ano ba kasing meron bakla ka!"

"Like duhhhh! Matapos na pagiging fourth year student natin. Kaya mamimili na tayo ng school na pag eenrollan natin!" sabi nya, huh?

"Bakit?"

"Anong bakit ka dyan! Ayaw mo mag aral ganern?"

"S-syempre gusto ko no!" pero hindi pa kasi sumasagi sa isip ko kung saan ako mag-aaral.

"Ayun naman pala eh! Kaya go hanap na tayo" sabi nya sabay punta namin sa mga board na naka paskil, mga school na pwedeng pag enrollan namin. Naghanap ako pati details naka lagay. Kaso---

"Ano ba yan bakla! Bakit ganyan eh di ba pang mayayaman lang mga pwede mag aral dyan, tara na nga!" pag yayaya ko, kasi naman diba pag academy pang mayayaman! Tyaka laking gastos na yun! Basta na nga nahihiya ako kay Tito kasi gastos nya ako tapos sa mamahaling iskwelahan pa ako papasok? Wag nalang.

"Eh ano naman ngayon? Atlis makakapag aral, may problema ba dun" sabi nya

"Makakapag aral? problema? Oo, jusko bakla ilang alahas ibebenta ko okaya ilang kalakal ipagbebenta ko para lang makapasok dyan sa mga academy na yan? Wag na nga!, maghanap nalang tayo ng ibang school na pwede" sabi ko sabay hila sakanya, pero ito namang syang nagpupumigil.

"May alahas kaba gurl? Nako, sa panahon ngayon wala ng mura mygosh" sabi naman nya

"Alam mong baklita ka, hindi ako kasing yaman mo na kayang mag aral sa mga academy, academy, na yan." sabi ko habang naglalakad.

"E ano naman ngayon?! Edi papag aralin kita hahaha!" sabi naman nya

"Tigilan mo nga ako! Pahalagahan mo nga paghihirap ng mga magulang mo para lang sa pera na gagastusin mo sa pang araw araw."

"O ano pinaglalaban mo gurl!? Tyaka duhh, may sarili din akong income no kaya nabibili ko din mga kailangan ko! Tyaka ayaw mo nun? papag aralin kita kaso may kapalit" sabi nya, o diba? Hindi pwedeng walang kapalit

"No, salamat nalang." tanggi ko, naiirita ako dito sa baklang ito, bwisit.

"O bakit? may nasabi ba akong mali? O teka--- namumula ka nanaman" sabi nya

"Anong namumula ka dyan! Ikaw ibilad ko sa init hindi ka mamumula?! Bwisit to!" nakakainis sya  ̄︿ ̄

Naglakad nalang ako, bahala sya kung susunod sya sakin o hindi. Uuwi nalang ako sa bahay. Tyaka ko na poproblemahin yang school.

Saktong palabas na ako ng gate ng may tumawag sakin

"Elisha!" sigaw nya, tumingin naman ako at nakitang papalapit ito sa akin.

"Oh ma'am.." sabi ko sabay mano sakanya

"Tara sa room" pag aanyaya nya

"A-ahh kasi po--- " diko na naituloy ang sasabihin ko kasi isa rin syang nanghila sakin katulad ni Judy  -_-#  . Ayoko na nga pumunta dun e huhu.

When I Fall In-Love Again |few more chapters left|Where stories live. Discover now