Chapter 33

1.1K 48 2
                                    


Bigla ako nagising sa ingay na narinig ko. Oo ingay na sakin ang isang kalabog! Bwisit! Library to indaaayy, bakit may kalabog na ganapan!

"Bwisit!" bulong ko, habang gulong kinamot ang buhok ko. Kulang pa sakin ang iilang minutong pag tulog ko eh, tapos may kalabog na magaganap. Tumayo na ako sa pag kakaupo, napatingin naman ako sa orasan dun sa library.

"Ano?!!" sigaw ko, kanina 12:30 pm lang ako nakatulog ngayon 4:13 pm!!??.

Napatingin naman ako sa mga lamesa dito, ayba himala. Walang mga istudyante, sa isang buwan kong nag aayos ng library, hanggang 6:30 pm may mga istudyante pang andidito. Pero ngayon?, nagsisitahimikang libro lang ang nakita ko sa lamesa. Tss! hindi man lang binalik sa mismong cabinet  -_-   dagdag trabaho pa eh no.

Bago ako lumabas sa library syempre ibinalik ko lahat ng books na nakakalat sa lamesa na ginamit nila. Mga walang malasakit sakin. Ang dami kaya! parang minsan lang binasa tapos pinagsawaan tapos ganun ganun lang iniwan? Kaloka.

Pagkalabas ko, ang tahimik dito sa hall way. 

"Hmm, makauwi na nga lang" sabi ko at nag umpisang mag lakad. Habang nag lalakad ako, pakiramdam ko may sumusunod sakin, huminto ako at lumingon.

"Hmm? Wala naman" at nagpatuloy nalang ako sa pag lalakad. Pero pakiramdam ko talaga meron. Binilisan ko yung pag lalakad ko, pero may biglang humablot sakin sa isang madilim na eskinita malapit ata ito sa rest room. Bakit banyo pa?

Tinakpan nya ang bibig ko,

"Shh.." bulong nya, eh ako namang si babae hinayaan ko lang. Ayba syempre kinakahaban ako, malay mo isang rapist itong nag takip ng bibig ko. Juice ko wag sana, bata pa ako!

"Hmmm!" pag pupumiglas ko pero grabe lang ah, ang lakas. Teka? Imposibleng--

Kinapa ko kamay nya hanggang braso, confirm.

"I'm a guy, kaya pwede wag ka muna magingay at maglikot" bulong nyang pagkakasabi. Ano ba pakay nitong babae--- lalaking ito saken.

Tutal nasa isang MADILIM na eskinita kami malapit sa rest room, syempre madilim, hindi kami makikita. Pero ang mga dadaan sa harap nito, makikita namin. At hindi nga ako nagkakamali, may dumaan ngang isang estranghero. Aysouce si ano lang pala---























O_o

"Ace" bulong nitong nagtakip ng bibig ko. Ayba syempre ulit, gulat ako. Pero ayokong mag assume na, SYA BA ANG SUMUSUNOD KANINA SAKIN?

Nakikita namin si Yelo, pero kami syempre ulit, hindi nya kami nakikita. Para ngang may hinahanap to. Pero sino? at ano?. Agad na itong umalis na sya ding pag alis nitong lalaking ito sa pagkakatakip nya sa bibig ko. Pero infernesssss, mabango kamay ni kuya ah-- Ay teka teka! malay nga diba rapist tong lalaking to!

"Hoy! Sino ka ha?! bakit mo ako dinala dito sa eskinitang ito! At bakit mo tinakpan bibig ko ha?!" habang tinuturo turo ko sya ang sya namang pag kukunwari nyang nabibingi sakin. Ayba! dapat lang ako mag reklamo!

"Sumagot ka!---"

"I hate those girl's na sobrang ingay" kalma nyang pagkakasabi, sya kasi andun parin sa madalim, ako?, syempre ulit dumistansya ako no! Dumistansya malapit talaga sa may liwanag, malay mo talaga rapist to, mahirap na.

"Eh ano ngayon!---"

"Isa pang ingay, hahalikan kita." sabi nya, una sa lahat hindi huli, ang nangyari kanina na takpangan ng bibig. Pangalawa, kapag nagsasalita ako hindi nya ako pinapa tapos, tapos ngayon. HALIKAN DAW?!

When I Fall In-Love Again |few more chapters left|Where stories live. Discover now