Chapter 14

1.4K 34 4
                                    

Elisha POV

Habang kumakanta ako na nakatingin sakanya. Hindi ko alam, pero saktong pag tama ng tingin nya sakin. Agad ko nakita yung lungkot sa mga mata nya.


Umiwas ako ng tingin sakanya, ipinikit ko ang aking mata at dinama ko ang aking pag kanta

Whoo... oohh... ho... ooohh...
Whoo... oohh... ho... ooohh...
Whoo... oohh... ho... ooohh...
Whoo... ohhh...

Dinama ko yung kanta hanggang sa matapos, wag panira moment. At pagkabukas ng mata ko. Nakatingin sya sakin. Tingin na walang emosyon, hindi katulad kanina.

"So i guess your talent is singing" sabi ng teacher, hindi ko alam kung baliw na ba eh malamang yun ang pinagawa sakin, ang kumanta -_- .

"Salamat po" sabay yuko ko. Hindi ko nalang sinabi na yun ang talent ko kahit yun naman talaga. Wala pa kasi akong kaalam alam sa Academy kaya babasahin ko pa lang mamaya.

"Okay, your name is?"

"A-ah, Elisha Clancy Mendoza po" sabi ko

"Okay Ms. Mendoza you will sit--- Hmmm beside of Mr. He- "

Hindi nya natuloy ang sasabihin nya ng biglang tumayo yung lalake at nag create ng ingay yung inuupuan nya. Nag umpisa syang maglakad, teka--- sakin ba sya papunta?

Sakin nga. Nakapamulsa sya. Iba yung tingin nya, kinabahan ako hindi ko alam kung kikiligin ba ako o matatakot sa aura nya ngayon. Papunta sya kung nasan ako nakatayo kaso nasa side ko lang sya. Huminto sya sa side ko

"Elisha huh" yan ang sabi nya. Yung saktong ako lang ang makakarinig. Tapos umalis na sya

"Where are you going Mr. He-"

"Why?" sabi nya at tumingin sa teacher.

"Nothing" sagot ng teacher at sya naman tuluyan ng lumayas. Grabe, tingin lang yun pero nakakatakot sya ayoko syang makatabi.

"Hayy, okay yung lalaking tumayo kanina dun ka pupwesto sa tabi nya" sabi ni ma'am. ANOOOO??!!! katabi ko yung nakakatakot na lalaking yun?!

"S-sige po salamat" sabay yuko ko ulit sakanya. Hindi na ako nag reklamo, first day of class mag rereklamo ako? Tyaka late pa ako! Huhuhu buti nalang kumanta ako agad kung hindi mag lilinis ako okaya mapaparusahan ng iba huhu


Habang nag lalakad ako papunta sa pwesto ko, napatigil ako at pinag masdan yung upuan ng lalaki kanina. Tae! katabi ko talaga yung nakakatakot na yun!?

Uupo na sana ako ng deretyong bumagsak ang pwetan ko sa sahig.

"A-aray" bulong ko habang silang lahat pinag tatawanan ako.

Napatingin ako sa lalaking nag hila ng upuan ko, oo gwapo pero tae anong problema nya!?

"Nice one dude!" sabi pa ng isa

"Is that hurt?" dugtong naman ng isa

"Are you gonna cry now?" pang aasar pa ng isa, heto lang ah

OO GWAPO SILA PERO FUDGE BAR BAKIT GANYAN SILA!

"You 3 there! Get out of my class! NOW!" sabi ng teacher namin

When I Fall In-Love Again |few more chapters left|Where stories live. Discover now