PROLOGUE

444 42 17
                                    

            [ E     D     I     T     E     D]
A/N: Honest Feedbacks are highly appreciated. Hope you'll like my story. Don't forget to vote and comment! ENJOY READING!
---------------------------------------------------------
Bea Anne Mendez' P.O.V

Nabaling ang tingin ko kay Cindy-- Princess Krystalia na noon ay hindi mapakali at pabalik-balik. Hindi ko siya masisi dahil pati ako ay nag-aalala at nagagalit. They got Bhestie Mia, and we don't where they held her. Matapos nilang dakipin si Krystalia ay si Princess Shanella naman ang kinuha nila.

Naikuyom ko ang kamao ko sa galit habang nakatitig sa kawalan. Ilang minuto pa akong gan'on hanggang sa mapatayo ako, dahilan para magulat sila sa inasta ko. Ofcourse, they would be really shocked, hindi naman ako ganito noon at kahit ngayong kasali na ako sa mundong 'to. I kept silent, hiding the anger I feel dahil baka makasama pa 'yon sa sitwasyon namin. I want keep silent and just move when they tell me too.

Pero sa pagkakataong 'to, hindi ko na yata mapipigilan pa. "Kinuha nila ang isang bestfriend ko" pilit kong pinakalma ang sarili ko habang sinasabi 'yon, pero binigo ako ng luha ko. Nagsunod-sunod iyon sa pagbagsak.

"Hey. Hey, calm down" rinig kong wika ni Krystalia na nakalapit na agad saakin at niyakap ako. Hinagod-hagod niya ang likod ko. Ilang minuto kaming gan'on hanggang sa ako na ang lumayo at pinunasan ang mga luha ko.

"Let's start moving" seryosong wika ko, wala na ang kaninang umiiyak na Bea. Dapat talaga ay alisin ko na ang pagkaiyakin ko.

Batid kong nagulat sila, at halata iyon sa itsura nila. Lahat sila ay natigilan at napatitig lang sa'kin. "Let's start moving now. We need to get my bhestie as soon as possible" matigas na wika ko pero walang sumagot. Kunot-noo kong tinignan sila isa-isa. Halos lahat ay nag-iwas lang ng tingin. Si Sandra ay napailing, si Maxwell ay nakatitig lang sa'kin, para bang pinag-iisipan n'ya ang sinabi ko, at si Krystalia ay bumuntong hininga.

"Please, 'wag na tayong magsayang ng oras" pakiusap ko.

"Bea.." nagsalita si Krystalia kaya sakaniya ko binaling ang tingin ko. "Calm down. We can't rush things—"

"But we can't waste time!" pasigaw na pagputol ko sakaniya. Nanlaki ang mata niya at napaawang ang labi sa gulat sa ginawa kong 'yon. Maski ang iba ay ganoon din ang reaksyon.

Napapikit ako ng mariin. "Kailangan na nating kumilos" pagmamatigas ko.

"Tsk" napatingin naman ako kay Maxwell nang suminghal siya. Humalukipkip siya at tinignan ako gamit ang misteryoso niyang tingin. "We still need to plan, and we need time before we move" misteryosong aniya.

Napanganga ako sa pagkabigla, hindi makapaniwala. "Kailan pa?! Kapag may nangyari ng masama kay Mia!?" nagagalit na wika ko.

"Bea.. Please calm down—"

"Kung hindi tayo kikilos ay..." napapikit ulit ako at nang magmulat ay namasa na ang mga mata ko. "Magagaya siya kay kuya. I already lost my brother because of them! And I can't let them take away another important person from me again!" nagagalit at naghihinakit na wika ko at napaupo ulit. Tinakpan ko ang mukha ko at doon umiyak ng umiyak.

I already lost my brother because of them, hindi pwedeng pati si Mia ay mawala sa'kin.

"Bea.." naramdaman ko ang paglapit ng ilan saakin, at nakaupo sa tabi ko si Krystalia. Hawak niya ang likod ko at hinahaplos iyon, pinapatahan ako.

"Hindi ka na dapat pa pumasok sa mundong 'to" nanlulumong aniya.

Inalis ko ang pagkakatakip sa mata ko at hinarap siya. "Pero nandito na ako. At kailangan ko silang balikan para sa ginawa nila sa kuya ko" galit na wika ko. Napabuntong hininga siya at tinignan ang mga kasamahan namin bago binalik ang tingin sa'kin.

"Your brother didn't risked his life just for you to be like that" nanlulumo pa ring aniya. Saglit akong natigilan bago umiling ng umiling.

Nandito na ako. Nakapasok na ako sa mundo nila, sa Gangster World— at wala na akong takas pa. Hindi ko kailangang tumakas, hindi ko gusto dahil mas mahalaga sa'kin na mapaghiganti ang kuya ko at makuha ulit si Mia.

"Huwag mong paganahin ang galit mo ngayon Bea Anne. Mas kailangan namin ang utak mo" napatingin ako kay Maxwell nang sabihin niya 'yon, seryosong seryoso. "We didn't train you just to fail. If you want to get revenge for your brother, fix yourself" seryosong dagdag niya pa bago nilisan ang lugar na 'yon. Walang nagtangkang sundan siya.

"Maxwell's right" wika ni Krystalia sa tabi ko. Nagulat pa ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinaplos 'yon.

"Your brother is a great soldier in this world, and I believe that you'll be as great as he was when he was alive" ngiting aniya. Kumalma ako sa sinabi niyang 'yon at napabuntong hininga. "So fix yourself. We'll make them pay. We will" ngiting aniya, binibigyan ako ng kasiguraduhan. Tumango ako nang tumango siya.

Tama, I need to fix myself. This is all for you kuya. Maybe, I was really bound to enter your world. It was really destined to be part of your group. And I will surely make everyone pay for what happened to you, kuya. I will make sure of that. I will, we will.

------------------------------------------------------

I'm on A Gangster World [ON-GOING]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu