CHAPTER 16:Blood

30 10 0
                                    

A/N: Warning. Walang RATED-X, may patayan lang. heheh.

Bea Anne Mendez P.O.V

All the time, nasaakin ang atensyon ng mga kaklase namin. Ilang beses din akong nag-introduce ng sarili ko dahil nga akala nila transferee ako. And now, they know me as Anne Tuazon. Tawa naman ng tawa si Bhestie dahil doon.

Break time na at nandito kami ngayon sa Cafeteria, tulad kanina ay madami ang napapalingon sa gawi namin. Ganoon ba talaga ako kaganda ngayon? Hehe ang kapal ko. Kami lang ni bhestie ang magkasama ngayon, wala si Cindy dahil kasama niya sa kabilang pwesto sila Kuya, hindi na naman ako naghihinala kasi barkada niya si kuya. Si Alys naman sabi niya ay susunod siya.

Agad naman nag-order si bhestie para saamin. Burger,fries at frappe yung binili niya dahil daw kailangan namin magcelebrate. "Cheers for Anne Tuazon!" Mahinang sabi niya na siguradong kami lang ang makakarinig. Ngumiti ako sa kanya at nakipagcheers. Masaya ako na nagbago na ang look ko at personality ko pero hindi ko kayang alisin sa sarili ko ang pagiging Bea Anne Mendez dahil 'yon ako. Siguro magagamit ko 'yon tuwing nasa bahay, pero sabi nga ni Cindy mag-ingat daw ako. Baka daw kasi may sumunod sa bahay at malaman na ako at si Bea ay iisa.

Kumakain kami ni bhestie nang dumating si Alys at nakakunot ang noo na nakatingin saamin. "Nasaan si Bea?" Tanong niya, automatic akong natawa at dahil doon ay napalingon siya saakin at kinunutan ako ng noo. "Sino siya?" Lalo akong natawa kasama na si bhestie.

Lalo kumunot ang noo niya sa reaksyon namin. "Umupo ka muna Alys" nakangiting sabi ko sakanya tsaka ko siya hinila paupo sa tabi ko. Nainis siya kaya't tinaasan niya ako ng kilay.

"Just tell me where's bea. Kailangan ko ng umalis----"

"She's here" pagputol ni bhestie sa sasabihin niya.

"Nasaan nga?" Nawawalan na ng pasensiya si bestfriend. Hahaha.

"Here" ako na ang sumagot at nginitian siya. "Ako 'to bestfriend" dagdag ko nang hindi siya makuntento sa sinabi ko sakanya.

Nanlaki ang mga mata niya at pinakatitigan ako. "W-WAAAAH! Best------"

Agad kong tinakpan ang bibig niya dahil sa ingay. Napalingon tuloy ang ibang estudyante saamin at nagtataka. "Wag kang maingay Alys" bulong ko sakanya. Agad naman siyang tumango pero nanlalaki pa rin ang mata niya at di makapaniwala.

"B-Bestfriend, ang ganda mo! Gosh! Pero--- bakit ayaw mong mag ingay? Dapat nga proud ka e!" Mahina ang pagkakasabi niya upang kami lang tatlo ang makarinig.

"Hindi pwede" singit ni Bhestie sa usapan namin. Binigyan naman siya ng nagtatakang tingin ni Alys kaya bumuntong hininga ako at nagpaliwanag.

Pagkatapos kong ipaliwanag sakanya at nanlaki ulit ang mata niya. "So, Ms. Anne Tuazon!" Sigaw niya kaya napatingin ulit sa direksyon namin ang mga estudyante, kasama na sila kuya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Alam na din niya na kailangan kong baguhin ang personality ko. Natuwa nga siya pero hindi pa rin makapaniwala.
"Grabe you're really beautiful! Proud bestfriend here!" Tuwang tuwa pang sabi niya nang makaget over na siya. Sa hindi inaasahan ay may pumunta sa harap namin at 'yon ay ang dalawang alipores ni Valerie. Napairap agad ako.

"Dumating lang ang Anne Tuazon na 'yan, siya na bestfriend mo? Wow! Ano 'yan pinagpalit mo ang nerd mong bestfriend?! How unfaithful! Hahaha" pang aasar nung nakaaway ko kanina sa hagdan kay Bestfriend. Parang nag-usok ang ilong ni Alys dahil sa inis.

"Wala ka kasing alam kaya manahimik ka na lang! Tsupi!" Pantataboy ni Alys sakanila. Tinaasan naman siya ng kilay nung nakaaway ko.

"You don't have the rights to talk to me that way! Tsk. Nagsasabi lang ako ng totoo! Sigurado akong 'pag nalaman ng nerd na 'yon na pinagpalit mo siya, siya na ang magtataboy sa'yo. Hahahah" sambit pa nito. Susugurin sana siya ni Alys pero pinigilan ko. Tumayo ako at hinarap ang alipores na nakaaway ko. Tinaasan ko siya ng kilay.

I'm on A Gangster World [ON-GOING]Where stories live. Discover now