Chapter 10: Trouble

1.9K 60 14
                                    

Brianne Pov

Lumabas na ako sa CR na aking kinaroroonan. Inayos ko ang magulo kong buhok at nang nag lalakad na ako sa may corridor ay napansin ko ang mga tao na nagmamadaling pumunta sa gym. Anong meron don?

Dali dali naman akong pumunta din baka kasi kung anong nangyari sa laro nila. Andaming tao hindi ko masyadong makita

"Excuse me" sabi ko sa mga nadadaanan ko para makapunta ako sa unahan.

"Ano ba yan! Away here away there!"

"Akala ko ba si Brianne ang kay Tyren?"

"Alam mo beh ang landi din niyang si Devree. Daladalawang fafabols"

Nakita ko na lang na nagsusuntukan si Tyren at Brix. Kaya tumakbo ako sa kinatatayuan nila.

"Ano ba! Kitang syota ko lalandiin mo!" Sigaw ni Brix kay Tyren at sinuntok si Tyren ng malakas kaya pumutok ang gilid ng labi nito

"Tangina! HINDI KO NILALANDI SYOTA MO!" Sigaw pabalik ni Tyren at sinuntok si Brix kaya sobrang namula ang pisnge nito. Papasa to. Puro pasa at sugat na sila!

"Ano ba tama na yan!" Sigaw ko pero hindi parin sila natigil. Eto namang si Devree hinahawakan lang si Brix. Tangina? Bobo lang te? Maanong pigilan mo yang syota mo.

"ANO BA SABING TAMA NA YAN EH!" Sigaw ko at tinulak sila pareho. Natigil naman sila , pero kung makapagtitigan sa isa't isa akala mo'y magkakamatayan na.

"Ano bang pinagaawayan nyo ha?!" Tanong ko sa kanilang dalawa.

"Yang Tyren na yan kasi kung makadikit kay Devree kulang na lang eh angkinin nya!" Ika ni Brix na ikina init ng ulo ko. Kasi ako mismo ay nasaksihan ko ang kusang paglapit ni Devree dito kay Tyren. Pero pinigilan ko yoon para hindi lumala ang away.

"Brix para ka namang bata eh! IYO LANG NAMAN YANG SYOTA MONG YAN! IYONG IYO! ATSAKA YANG SYOTA MO ANG PAGSABIHAN MO NA WAG DUMIKIT NG DUMIKIT RITO KAY TYREN!" Sigaw ko naman pabalik sa kanya. Hindi siya nakaimik pero kita ko na sobrang namumula sya sa galit at hinila ni Devree palabas. Ano ba naman yan!

Nakita ko namang nagbubulungan itong mga tao na nakapaligid saamin na mas ikinaiinit ng ulo ko.

"WTF?! SIGE BUMULONG PA KAYO PARA KAYONG BUBUYOG! CHISMOSO AT CHISMOSA!" Sigaw ko sa kanila at lumabas ng gym. Naiinis talaga ako!

"Brianne!" Rinig ko na tawag ni Baevie.

"Anong nangyare?" Tanong ni Shaven

"Wala. Nag selos lang yang si Brix kay Tyren kaya sila nagkasuntukan" sabi ko naman. Kita ko naman ang lungkot sa mata ni Baevie.

"Haha siguro mahal na mahal talaga nya si Devree no?" Sabi ni Baevie at ngumit ng pilit pero makikita mo sa mata nya na patulo nanaman ang mga luha nya. Miss ko na ang masiyahing Baevie. Ibang ibang Baevie ang kaharap namin ngayon.

"Shh. Off topic muna tayo kay Brix Baevie ah?" Sabi naman ni Trixie at hinagod ang likod nito.

"Briannee!" BAT BA ANG DAMING TUMATAWAG SAKEN NGAYON?!

"Ano?!" Sigaw ko pabalik doon sa tumatawag na sina Maze pala

"Woah! Easy! Easy lang! Gusto ka kasing kunin ni Mam Jessy bilang pang laban bilang Ms. Intramurals." Sabi nito saken na ikina gulat ko. Bat ako?

"Bat ako pa?" Sabi ko sa kanya ngumiti lang sya at ibinigay ang papel saakin. Nakita ko namang nakalista pangalan doon ni Devree. Kaya napaisip ako na dito lang sya magagantihan.

"Sige sasali ako" sabi ko at isinulat ang aking pangalan doon.

"Nice one men!" Sabi nya saken , ngumit lang ako sa kanya.

Tss. Humanda ka saken Devree.

Brix Pov

Pagkahila ko palabas kay Devree ay niyakap ko agad sya.

"B-Brix" sabi nya at niyakap din ako.

"Sorry." Sabi ko sa kanya. Nasaktan ata sya sa pagkakahawak ko eh.

"Sorry din" sabi nya naman saken. Bumitaw na kami sa pagkakayakap , at nagaya syang kumain. Pero pinagtataka ko mag syota kami. Pero bakit nagaalinlangan pa syang yumakap? Bakit hindi sya concern na nasaktan ako? Na may mga pasa at sugat ako?

"Brix" tawag nya saken nung napatigil ako sa paglalakad. Ngumiti naman ako at sumunod na. Hmmm.

Baevie Pov

Kitang kita ko rito sa third floor ang sweetness nilang dalawa. Kung paano nya yakapin si Devree ng sobrang higpit na matagal ko nang hinahangad sa kanya na gawin saken na kahit kailanman eh hindi nya gagawin.

"Hey" bati ni Zyrex saken ngumiti naman ako sa kanya.

"Nagbago itsura mo ah? Nagmukha kang mature at manang" sabi nya saken kaya sinamaan ko sya ng tingin tumawa lang sya kaya sinuntok ko sya sa braso.

"Hina manuntok tss. HAHAHA" sabi nya saken. Bigla namang tumunog phone nya at pagkakuha nya doon ay inagaw ko agad yoon sa kanya. And NATAWA AKO SA SOBRANG KALANDIAN NETONG ISA!

"Ano ba naman to Zyrex?! HAHAHAHA" Sabi ko s akanya inagaw nya naman yoon saakin.

"Ikaw haaaa~ may babe kana palaaa! May baby paa! May sweetheart pa! May cutipie paa! May bebe ko pa! JUSKO IYO NA LAHAT ZYREX!" Natatawa kong sambit sa kanya. Tumawa naman sya at inakbayan ako.

"Oh baka naman ako naman ang Babe bente tres walang titibag mo?" Tanong ko sa kanya kinurot lang nya pisngi ko at tumawa.

"Wowww! Amazing! Ano to ha? Anong ibig sabihin ng akbay? Ng kurot sa pisnge? Wow naman!" Sabi ni Trixie habang pumapalakpak at tumatawa kaya bumitaw agad si Zyrex sa pagkakaakbay saken.

"Loko. Kaibigan lang lol" sabi ko sa kanya tumawa naman sila ni Shaven

"Oh? Asan si Brianne?" Tanong naman ni Zyrex.

"Ah? May inaasikaso yun. Busy na yon simula ngayon dahil yoon ang naghahandle ng section natin para sa Intramurals. AT SASALI PA SA MS INTRAMURALS KAYA ASAHAN NATIN NA HINDI NATIN LAGI MAKAKASAMA SI BEBE BRIANNE" Sabi nya saamin. Ano? Sasali si Brianne sa Ms Intramurals? Kasama si Devree doon ah? Ano nanaman kayang plano ni Brianne? Tsk kilalalang kilala nanamin yang si Brianne. Iba magalit yan.

"Sige magpapagawa kaming tarpulin HAHAHAHA mga banner , tapos ichecheer namin sya" sabi naman ni Zyrex saamin. Tumawa naman kami. Mga bakla HAHAHAHA

Brianne Pov

Dumiretso ako sa room namin para ianunsyo ang gagawin na Intramurals.

"Goodmorning. So we have three weeks para mag practice sa gagawin na intramurals. Kaya bawal ang hindi sasali kasi ang kabilang school ang kalaban natin. Maliwanag? So Nakay Phire yung mga listahan ng sasalihan mag palista na lang kayo." Sabi ko sa kanila. Nagwala naman sila sa sobrang saya. Tss.

"Brianne!" Lumingon naman ako sa tumawag at sina Phire pala.

"Bakit?" Tanong ko.

"Goodluck sa Ms.Intramurals!" Sabi naman nila saken

"Salamat" sabi ko sa kanila at ngumiti ng maliit.

Siguro nagtataka na kayo kung bakit kami ganito nina Phire. Well tinaraydor lang naman nila ako nung sa all girls school noon na pinapasukan namin. Tinaraydor nila kaming tatlo nina Baevie at Trixie. Siniraan kami ng Queen Bee kuno nila doon kaya dumami ang kaaway namin. Akala namin kakampihan nilang tatlo kaming tatlo pero hindi. Sumali pa sila sa pangbubully sa aamin. Kaya lumipat kaming school.

Ang hindi ko pa sila pinapatawad dahil don.

Hindi ko pa kayang basta basta tanggapin na tinaktapakan lang nila ang isang Brianne na palaban at walang inuurungan.

--

That Cold Hearted Queen FallinloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon