Chapter 11: Baevie Confession

2.1K 61 26
                                    

Brianne Pov

"ISA PA! ULIT HANGGANG HINDI NYO NAGAGAWA NG AYOS UULIT TAYO NG UULIT!" Sigaw nung trainor na nagtuturo sa Battle of the Bands.Nanunuod lamang ako kasi may inaasikaso pa ako.

"Oy beks! Ikaw na bahala sa mga yan. Mag tuturo pa ako sa volleyball , tas mag prapractice pa ako para sa Ms. Intramurals" sabi ko sakanya.

"Osige beks. Push mo yan" sabi nya saken. Bakla kasi ito and friend ko sya.

Tumakbo naman ako sa court at kita kong nag papahinga ang basketball players and ang volleyball players naman ang nag prapractice.

"Oh ano ng nangyari dito?" Tanong ko kay Trixie na inatasan ko para mamuno pag wala ako.

"Ah wala may nag ka injury lang. Hindi naman malala" sabi nya. tumango naman ako. Hiniram ko ang bola sa kanya at inaya syang maglaro kasama ang teammates namin.

Siya ang unang pumalo ang bola , mataas tumalon si Trixie kaya ansarap kalaro nyan. Agad ko namang dinalo ito at binalikan sya ng malakas na tira. Hindi ko mapagkakaila na malakas ako pumalo ng bola kaya ito lumalambot.

Pumalo ulit si Trixie at hindi ko agad yun napansin kaya lalapat na dapat ito sa lupa pero agad akong nag Digging. Kaya naabutan ko pa.

"WOAHHHH! LAKASSS!!" Sigaw ni Trixie. Tumawa naman ako. Kahit papano naman ay masakit dahil wala akong kung ano mang suot na pangsangga sa tuhod at siko. Tanging tshirt at pantalon lang.

Pinalo ulit nya ang bola at sinalo ng kalampi ko yoon. At bumalik ulit kina Trixie. At pumalo nanaman si trixie ng malakas muntik ko na magawa ng ng mali ang pag spike ngunit nagawa ko ito. Malayo ang narating ng bola kaya hindi na ito naabutan ni Trixie.

"Lakas mo parin bebe!" Sigaw nakin ni Trixie habang tumatakbo papunta sa bola para kunin ito.

"Hala! NAKO NANLAMBOT YUNG BOLA!" Sabi ni Trixie at nakita ko nga. Natawa na lang ako.

so yun nga nag practice sila ng pagvovolleyball. Inatasan ko ulit si Trixie na paki assist na lang sila. Nag punta naman ako sa gym kung saan nag prapractice para sa Mr and Ms. intrams.

Lalaki palang ang nag prapractice. Kaya may oras pa ako para turuan ang kasali sa Modern Dance. Kaya tumakbo na ako sa room kung nasaan ang mga kasali sa modern dance.

"Okay bilis bilisan nanatin ang kilos" sabi ko sa kanila. Ang sasayawin naman ay The Ocean ni Mike Perry.

May naiisip na akong steps para rito kaya madali na. Itinuro ko muna ito kay Shaven para pag wala ako sya ang mag tuturo. Agad nakuha ni Shaven ang mga itinuro ko.

"Brianne pinapatawag kana sa Gym kayo na daw ang pag prapractice" sabi naman ni Maze. Umoo naman ako at agad kinuha sa bag ko ang heels na gagamitin. Masyado itong mataas kasi 6 inch ito. And hindi ako sanay mag heels.

Tumakbo ako papuntang Gym para hindi magalit saaken yun nag tuturong bakla. Naabutan ko na nag susuot na sila ng heels. Kaya hinubad kona ang sapatos ko para isuot na yung heels ko. Pag katayo ko ay muntik na akong matumba ngunit may sumambot saakin.

"Oh ingat naman" sabi ni Tyren saken kaya napangiti ako. Nag kanchawan naman ang nasa paligid namin.

"Hay nako! Tama na yan at mag prapractice na!" Sabi samen nung bakla kaya nag lakad na ako papunta doon.

Habang nag prapractice kami ang sama sama na ng tingin saken ni Devree. May oras nga na dinadagil nya ako. Pero mas hinahabaan kopa ang pasensya ko.

"Nice Brianne!" Puri saken nung bakla. First time ko to kaya hindi ako mag papatalo. Lalo na sa Devree na to.

Nung una ay medyo natatapilok pa ako dahil sa taas ng heels pero kalaunan ay nasasanay na rin ako. Madami basketball players at volleyball player ang nanunuod kita ko naman si Trixie na nakatingin saken at binigyan ako ng matamis na ngiti at nag thumbs up saken. Ngumiti naman ako.

That Cold Hearted Queen FallinloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon