Chapter 12: Perdóname

1.5K 38 7
                                    

Brianne Pov


Nag lalakad ako rito sa hallway ng makita kong nag kukumpulan ang mga taga ibang section sa room namin. Sinilip ko yon at hindi kapanipaniwala ang aking nakita.


Nakita kong nakaluhod si Phire sa harap ni Devree. Puro babae palang ang nasa room kaya puro bulungan ang maririnig mo. Tss. Kakabalik lang galing suspension gulo agad habol ng babaeng to.

"Ano bang gusto mo Phire?!" Ika ni Devree. At sumiring.


"Tigilan mo na sya" malamig na tugon naman ni Phire. Tumingin naman sa dereksyon ko si Devree at ngumisi.

"Nah ah. Hanggat hindi sya nag hihirap at nasasaktan hindi ko sya titigilan" sabi ng Devree at maririnig mo talaga sa boses nya ang galit.


"Devree parang awa--" hindi natuloy ni Phire ang sinasabi nya ng makita ako. Tumayo ito at nakita ko na namumugto na ang mga mata nya. Shit

Lumabas si Phire kasama si Eve at Jexie

"Bumalik na kayo sa kanya kanya nyong room!" Sigaw ko kaya naman nag si alisan sila.


"Tss." Rinig kong sabi ni Devree. Bigla namang dumating sina Loux at Brix kasama barkada nila. Si Trixie andito na. Si Baevie wala pa? Asan na kaya yun?


Umupo na ako sa sarili kong upuan at hinahanap ko parin si Baevie. San naman yun napapadpad?


"Trixie!" Tawag ko kay Trixie don sa may unahan. Lumipat ng upuan eh. Ewan ko kung bakit.


"Ow yes?" Sabi nya saken.


"Asan si Baevie? papasok daw ba sya?" Tanong ko. Kita ko namang napatigil si Brix sa ginagawa nya. Anong meron? Ano kayang nagyare? Nevermind.


"Hindi daw eh. Sabi kasi ng Tita Brizze simula kahapon pa daw nag kukulong sa kwarto" sabi ni Trixie na ikinagulat ko. Anong nangyare sakanya? Or sakanila ni Brix?


Kaya napagplanuhan kong pumunta kina Baevie mamaya.


Bigla namang pumasok si Mam sa room namin.


"Okay class. You only have one week to practice. Kaya cooperate ha? So start na ulit kayo ngayon." Sabi ni Mam. Kaya naman nag punta sa Dance studio yung sasali sa Dance battle , sa Gym ang Sa sports , sa Auditorium na ang Ms and Mr Intramurals , dito sa room ang battle of the bands.


Ms and Mr Intramurals muna ang inuna kong practisin. Halos alam ko na ang gagawin ko sa Dance battle at sa Volleyball kaya eto ang mas inuna ko.


"Brianne! Smile!" Sabi nung nagtuturo samin habang nag momodel ako. Kaya ngumiti ako.


"Nice one!" Sabi nya. Nasilayan ko naman na sumiring si Devree. Nung si Devree na ang nag momodel naka fierce lang sya at makikita mo yung bitchyness nya. Tss.


Lumipas ang dalawang oras at natapos rin ang pag prapractice namin. Hinubad ko na ng heels ko at sinuot ang rubber shoes ko. Pag katapos naman eh dederetso muna ako sa canteen para bumili ng tubig. 

That Cold Hearted Queen FallinloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon