PART I

116K 2.6K 758
                                    

I've been waiting here for one hour and fifteen minutes.

Ang sabi ni Gwyneth ay alas kuwatro out na siya. It's fifteen minutes past five in the afternoon! Anong klaseng out ba ang ibig niyang sabihin? Out sa ospital? Namali ba ako ng basa at dapat doon ako naghintay at hindi rito sa university?

Kunot noo kong dinukot ang cellphone ko at binasa ulit ang text niya. It says out ng lecture. Dito nga sa school. So where is she?

Kumalabog ang passenger door nang bumukas ito saka inangat ang ulo ni Denver na mukhang magta-tantrums na sa ilang segundo. Ngumunguya siya ng bubblegum. Kinuha niya ang isang earpiece mula sa kaliwang tenga at tumakas ang isang kpop music.

"Wala pa ba? Ano bang alas kwatro sa kanya, Jaxon?" naiinis niyang tanong. Tinanggal niya ang baseball cap upang kamutin ang semi-buzzcut niyang ulo at marahas na binalik.

Nagtaas ako ng kilay nang bigla siyang ngumiti. Iyon naman pala'y may dumaan na Tourism student na naka all pink uniform. Pink ang lipstick. Pink eyeshadow. Pink ang shoulder bag.

Iyan ba mga tipo ni Denver? Parang lumangoy lang sa dagat ng foundation. Tss. Hindi natural. Pati buhok nagawa pang ipeke sa pagpapakulay.

Nagbalik simangot si Denver nang hinarap muli ako.

"Bakit ka ba nagtatiyagang maghintay sa babaeng iyon, Jax? Kung ikaw ang natatagalan hindi ka naman niya hinihintay, a? Don't you think it's a bit thick?" madrama niyang sabi.

"Babae siya, kaya siya ang hinihintay."

Namilog ang mga mata niya. Tuluyan na niyang pinatay ang music at tinanggal ang isang earphone. Dinura niya ang bubble gum sa pasong may malaking halaman na nasa harap ng kotse ko.

"So what if she's a girl? Babae siya kaya siya dapat ang naglalaba? Babae siya kaya siya dapat ang pinagsisilbihan? Babae siya kaya siya dapat ang pinapaupo?" Umiling siya. "No, Jax. Hindi ganon. Hinihintay ang mga babae hindi dahil sa babae sila. Hinihintay ang mga babae dahil karapatdapat silang hintayin. And obviously, Gwyneth is not worth it."

Inirapan niya ako pagkatapos ng kanyang pangangatwiran. Umuga ang kotse nang sinandalan niya ito. 

Palagi kong tinatanong sa sarili kung bakit kami ang palaging magkasama. Palagi naman niya akong inaaway. Minsan hindi ko na pinapatulan dahil nasa punto naman siya. And I hate it. I hate it when he's always hitting the bull's eye.

"She's just going to give you a hard-on, Jaxon. She's not going to give you a future."

Sandali niya akong nilingon upang alamin kung narinig ko ang sinabi niya.

No need. He's double on point. Hindi lang huminto sa tenga ko ang sinabi niya at alam niya iyon. Gusto niya lang talagang ipagmayabang na tama siya!

He evil smiled at me saka sumubo ng panibagong bubble gum. Tahimik at tamad akong umikot upang isandal ang likod ko sa pinto. Bumuntong hininga ako at dinungaw ang aking relo.

Thirty minutes. If wala pa si Gwyn, then sasabihin ko sa kanyang aalis na lang ako. Kami.

Bukas na ang ikaapat na taon kong panililigaw sa kanya. Fourth year anniversary of being an avid pursuer. How noble. Ako na ang may award na 'Pinakamatiyagang manliligaw of the century'.

I've been wearing my heart on my sleeve for her since the end of our high school year. I've liked her. That's just it. I like her. I'm not the kind to sow my wild oats so I guess she likes me too.

Iyon ang pinanghahawakan ko. Gusto niya ako. Of course, we tend to cling to the ones who accommodated our feelings without minding the upshot. Basta gusto namin ang isa't isa sa ngayon. Wala rin naman akong nagugustuhang iba, so why should I worry?

WHILE ON THE FAR SIDE (WOTOS EPILOGUE)Where stories live. Discover now