PART 8

59.8K 2.1K 2.3K
                                    

Iniisip ko na ang mga sasabihin kay Gwyneth habang nagmamaneho. Sandaling nawala sa utak ko ang break-up dahil tinaob ng mga nangyari kay Davina.

Humigpit ang kapit ko sa steering wheel nang maalala ang gabing iyon. I lost it. I almost brought the man to his end. Balita ko'y nasa ICU pa siya ngayon at wala akong balak bisitahin siya. Bakit pa? She hurt my woman!

Kung hindi ko lang narinig ang sigaw ng tulong ni Vin noong galing akong cr ay baka ano na ang nangyari. Surely, I would have been put behind bars had that man succeeded in his intent for my Vinnie. Magkakamatayan kami bago niya magawa iyon.

Well, hindi na niya magagawa dahil sisiguraduhin kong siya ang malalagutan ng hininga sa amin!

But Vinnie doesn't want me to hurt other people. I don't think I wouldn't be able to do what she asked especially when those people have wronged her. I would definitely hurt for her.

And I am going to. Right now.

Pinagbuksan ako ng driver nina Gwyn hindi pa man ako nakakalapit sa kanilang gate. Bago ako huminga niisang salita ay inunahan na ako ng nanunuri niyang mga mata. She could always tell that something's wrong.

She's smart, I'll give her that. That's why I'd liked her from the word go.  Alam kong ramdam niyang may nag-iba na sa relasyon namin nitong nakaraan. It got even worse when I forgot her birthday. I was busy being under Davina's mercy.

Tahimik man ang pag-upo niya sa kanilang upholstered sofa ay nakakabingi naman ang ingay ng kanyang panlalamig. I remained standing. Ang kapal ng mukha ko kung uupo pa ako na walang nagsasabi tapos makikipag-break lang pala.

Mas kakapal ang mukha ko kung manghihingi pa ako ng meryenda.

I couldn't quite grasp an understanding on how I struggle trying to make this ending possible unlike breaking my past two relationships. Maybe because I was young? And things just seem easier when we were young. The break-up was mutual on top of that.

While this...

"Saan ka natulog noong isang gabi?" panimula niya. Her accusatory tone was deeply rooted to the core. "I called your house to check if you have gone home safe. Pero ang sabi ni yaya Prising hindi ka umuwi. Denver told me the same thing. So where were you two nights ago?"

If I wanted to be given a piece of my mind, I would call my mother. Not Gwyn. She's beginning to sound like Mom.

Mas binaon ko ang mga kamay sa aking bulsa at nakayuko siyang hinandugan ng tingin.

"Davina was being assaulted—"

"Davina, Davina, Davina!" Marahas siyang tumayo at tinaas ang mga kamay tanda ng frustration. "Bakit palagi na lang si Davina?"

"Gwyn, she was hurt nights ago so please, spare this argument and give me a piece of my mind about other things."

May dahas ang pagtapon ng buhok niya sa kabilang balikat nang nilingon ako. She's fuming mad.

"So, kay Davina ka natulog?" akusa niya.

"Gwyn..."

"Magkatabi kayo? Huh?" Naghahamon niya akong nilapitan. I stayed on my ground. Hindi ako umatras. I have my bullet answers against her firing accusations against me.

"May nangyari sa inyo, Jaxon? If you're here to say your piece of sorry, well it would take time for me to forgive you." Mariin niyang dinuro ang hintuturo sa dibdib ko. "You slept in another woman's bed!"

"Walang nangyari," tanging nasabi ko. I'm not a taciturn man but at this kind of situation, wala akong dapat ipaliwanag.

She scoffed then turned her back on me. Bakit pa siya nanghihingi ng sagot kung hindi rin naman niya papaniwalaan? I don't really get it.

WHILE ON THE FAR SIDE (WOTOS EPILOGUE)Where stories live. Discover now