3. The girl who breaks relationships

1.5K 31 0
                                    

#TheRelationshipWrecker3


"Bakla! Asan na ba? Wala pa rin? Sobrang tagal naman!" reklamo ko kay Mia habang kinakamot ang aking braso. Kanina pa kasi kami dito, sobrang pangangawit na ang nararamdaman ko. My god. My feet is already itchy!

"Wait lang kasi te! Papunta na ata yon.. Baka na-traffic!" Napasimangot na lamang ako.

"Ehhh. Nilalamok na ako te! Sayang ang maganda kong kutis no!" Reklamo ko ulit. Kanina pa kaya ako nangangati dito!

"Maghintay ka lang.. Sayang ang thirty thousand!" pagkasabi niya nun parang nawala na lang bigla lahat ng reklamo at kaartehan ko.

Oo. Tama, kalimutan na muna ang pangangawit at lamok alang alang sa pera. An laki kaya ng kikitain namin dito.

Thirty thousand? Imagine?

Hindi ko naman akalain na ganoon kadesperada yung babaeng nag hire sa akin para sirain ang relasyon ng Shin Jacob Ayala na iyon at ng kanyang kasintahan. Halos hindi ko pa malimutan ang mga naganap na naghatid sa amin dito..

Kanina pa ako naghihintay sa isang table dito sa coffee shop. Hinihintay ko iyong 'client' daw namin. Siya iyong babaeng gustong paghiwalayin ang Shin na yun at ang kasintahan niya.

Napabuntong hininga ako ng makitang wala pa ring pumapasok sa pinto. Bakit kasi gusto niya pang makipagkita, e nagbigay nanaman siya ng picture? Actually wala sa protocol namin ito ngunit dahil special request ang isang ito, hindi na kami tumanggi. Ang nakakainis lang ay sobrang tagal niyang dumating! Asan na kaya iyon? Ugh! Mag tatatlumpong minuto na kaya ako dito!

Ibinaling ko na lamang sa tasang may kape na nasa harap ko ang pagkabagot ko. Halos wala na iyong laman dahil sa tagal ng paghihintay ko. Pinaikot ikot ko ito sa maliit na lalagyan nito hanggang sa may narinig akong nag sasalita.

"Hi.."

Napakunot ang noo ko bago iangat ang tingin. Naabutan ko ang isang dyosa sa aking harapan. Nag aalangang ngumiti ako bilang ganti at nag "Hello" din dito.

Ano kaya ang kailangan nito sa akin?

Teka.. Baka naman papaalisin na ako dito kasi halos thirty minutes na akong nag hihintay dito pero isang tasa pa lang ng kape ang na-oorder ko? Hindi kaya ito na yung manager? Hinintay ko siyang mag salita ulit ngunit wala naman siyang sinabi. Ngumiti lang ito. Pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Bawat anggulo nito ay talagang maganda. Wala kang maipipintas.

Teka, bakit parang may kamukha ito pag nakangiti? Napatikhim ako ng makitang tumaas ang kanyang kilay. Wag na muna dapat yan ang isipin ko.

"Uhm.. What can I do for you?" tanong ko. Nagmukha tuloy akong waiter dito sa tanong ko. Bahagyang nagulat pa ako nang umupo muna ito bago nag salita.

"Ikaw ba? Ikaw ba yung ka'meet ko?" aniya. Huh? Ano? Siya ba yung hinihintay ko? Lumingon lingon ako sa paligid. Baka nagkakamali lang ito. Imposibleng siya iyong kikitain ko. Sa ganda niyang iyan? Siya pa ang maghahabol? No way! Subalit, wala naman akong makitang tao dito bukod sa amin at sa isang matandang lalaki na nakaupo malapit sa may counter.

Baka ako nga? At siya nga iyon?

"Are you that girl who breaks relationships?" tanong nito na dahilan para makumpirma kong siya nga ang ka-meet ko dito.

Pero sa ganda niyang iyan, bakit kailangan niya pang mag bayad para maagaw ang lalaking iyon?

Maganda, maputi, sexy, at mukhang mabait din naman siya. She's the perfect example of sophistication if you'll ask me. Yon nga lang ay mukhang mas matanda siya doon sa lalaking nasa picture. Siguro nasa around 25-27 na ang edad niya at halos 21 pa lang ata iyong lalaki sa tantya ko. Napaisip ako. Maybe that was the reason why she needed us..

The Relationship WreckerOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz