CAPITULO OTSO - TSIKA PA RIN NILA
MARIANA'S POV
Pagkaupo namin sa table na bakante sa canteen na iyon ay agad na nagsalita si Marissa.
"Okay. Now explain," sabi niya habang hawak-hawak ang burger.
Napabuntong-hininga muna ako. Habang naglalakad kasi kami papuntang canteen ay inusisa na agad akoni Marissa tungkol sa panghahalik ng lokong si Gray.
O_________________O
Naalala ko na naman ang halik na yun.
Asar naman oh! Bakit ganito ang feeling? At bakit ganoon ang naging feeling ko nung hinalikan niya ako. Nahawakan ko na lang ang lips ko. Hindi naman torrid ang pagkakahalik niya sa akin, pero feeling ko mainit pa rin. Parang na-toast ng slight yung labi ko. Soft din ang lips niya at... ewan. It's hard to explain. Oh my gosh. Kinikillig na ba ako? O___________O
"Ang sabi ko mag-explain ka tungkol sa nangyari kanina, hindi ang magflashback ka ng naramdaman mo about sa kiss," interrupt ni Marissa sa pagpa-flashback ko.
Pinanlakihan ko siya ng mata dahil sa mga sinabi niya.
"Pa'no mo nalaman na iyon ang iniisip ko?"
"Nakita ko sa flashbacks mo, no? Tsaka, namumula yang mukha mo, tatawa-tawa ka pa."
O___________O NO WAY!"Ako? Namumula? Tumatawa? Ano ako, baliw?"
"Siguro nga," sabi ni Marissa saka kumagat sa burger niya.
Pinalo ko siya sa braso. "Marissa naman eh! Ano ba~!"
"Nagtatampo na ako sayo. Di ba BFF tayo? Bakit di mo man lang sinabi sa akin na kayo na ni Gray?" Nakanguso pa siya as if tampong-tampo talaga. Pero dahil sa hindi niya sinnundan yung mga sinabi niya ng "jokejokejoke!" na-realize ko na hindi siya nagtatampu-tampuhan lang.
"Marissa," sabi ko saka inilapat ang kamay ko sa balikat niya, "hindi ko naman talaga siya boyfriend no? Sa tingin mo ba type ko ang mga lalaking tulad ni Gray, ha? Alam at kilala mo naman ang type ko di ba?"
"Oo, si Albert," sagot niya, nakatingin na sa akin. "Pero bakit naman nagpahalik ka dun sa lalaking iyon? In public pa talaga hah."
Nagtatampo na yata talaga si Marissa. Sumpaan din kasi namin noon na NBSB kami until twenty years old na kami. Sabay kami magbo-boyfriend at mag-aasawa...
"Eh hindi ko nga expected yun. Kung hindi lang dumating si Mrs. Casabal eh di sana nasapak ko na ang lalaking iyon," simangot ko. Dapat sasapakin ko na yun this recess eh. Kaya lang hindi pa rin siya nagigising. Tatlong subjects na ang nakatulugan ng lokong iyon.
"Alam mo, nagtataka ako kung bakit tuwing first week ng klase ay hindi pumapasok si Albert," pagtse-change topic ni Marissa.
O__________O Bigla yatang lumakas ang pintig ng puso ko.
Naalala ko na naman kasi si Albert.
Si Albert Sargentes.
Siya ang isa sa mga pinakamagagaling na basketball players ng school. Actually, since freshmen pa lang, kasali na siya sa team. Pero iba siya sa lahat ng mga basketball players. Hindi siya mayabang at pasikat sa mga babae. Tahimik lang siya palagi. Silent killer nga sabi ng coach nila, dahil kahit tatahi-tahimik siya ay pinapatay ng kanyang basketball skills ang mga kalaban. Kaya nabansagan din siya na Rukawa Kaede. Hawig din naman kasi sila ni Rukawa eh. Siguro pag naging anime si Albert, si Rukawa talaga ang kamukha niya. Haaaaaaaaay!
Tapos, sa klase, tahimik din siya. Pero magaling siya sa Math. Actually, he can make it to the top ten naman eh. Iyon ay kung ibabaling niya sa pag-aaral ang atensyon at hindi sa pagbabasketball o pagtulog. Oo. Dahil since first year ko pa siya crush, lagi akong nakamasid sa kanya, nakaespiya. Kaya bawat maliliit na detalye tungkol sa kanya ay alam ko. Pero sa tingin ko ay marami pa akong hindi nalalaman tungkol sa malihim na tao na katulad ni Albert.
YOU ARE READING
Itigil ang Kasal! (COMPLETE)
Teen FictionThe job was simple- crash into a wedding and make sure na hindi ito matutuloy. But sadly, Mariana came to the wrong wedding! Dahil doon niya matatagpuan ang taong magpapahirap sa kanyang almost-perfect na high school life! Oh? At si Gray Sanchio Mar...