CAPITULO TRESE - Date na TALAGANG-TALAGA xD

7.6K 116 4
                                    

CAPITULO TRESE

MARIANA'S POV

I can't believe it!

Nasa Luneta na kami!

"WOW!" sabi ko na lang tsaka agad na tinulak pabukas yung kotse pero hinila ako ni Gray palapit sa kanya.

Nginitian niya ako.

"Let's enjoy this, okay? Tapos mamaya may pag-uusapan tayong importante."

"Tungkol saan?" tanong ko.

Umiling siya tsaka binuksan yung pinto ng kotse niya. "Basta, ngayon, magsyota tayo. Clear?"

Hanggang dito ba naman magro-role playing pa rin kami?

Bumaba na rin ako ng kotse. Hinayaan ko na lang na hawakan niya ng mahigpit ang kamay ko kahit na parang ayaw ko. Kinikilig ako. HEEEEE! NO! Ano ba yan? Bakit naman ako kikiligin sa lalaking ito? No way.

Naglakad na kami sa ilalim ng mga puno-puno. Naisipan ko tuloy na magpa-picture. Inabot ko sa kanya yung cellphone ko na naka-set na ang camera.

"Picture-an mo ako hah?" sabi ko sabay lapit sa isang puno tapos nag-pose na ako.

Bigla niya ako'ng tinawanan.

"Ngayon ka lang nakapunta ng Luneta?"

"Adik ka! Picture-an mo na lang ako!"

Umiling siya. "Ang unfair mo naman, dapat kasama ako."

Dinilaan ko siya. "Ako muna, tapos pipicture-an din kita. Dali!"

Lumapit lang siya sa akin. "Dapat tayong dalawa ang nasa picture," sabi niya saka hinapit ako sa bewang, tapos hinalikan niya ulit ako sa lips.

O_________O

Parang wala na akong marinig after that.

DUB.DUB. DUB. DUB.

Nakikita ko siya pero wala na akong marinig pa.

Nakatingin siya sa cellphone ko tapos nakatawa siya. May inilabas pa siya na isang cellphone,

Then, bumalik na rin ang pandinig ko in a short while.

"Hehe," tawa niya tsaka binalik sa akin ang cellphone ko. Tapos hinila niya ako papunta dun sa may monumento.

"Dito oh! Hanap tayo nung photographer tapos pa-picture tayo!" halos sigaw na niya. Maingay kasi ang mga sasakyan sa malapit na kalsada. Pati ang mga tao na narito maiingay din.

Binalewala ko na lang yung panghahalik niya tsaka ko siya nginitian.

Mas excited ako ngayon dahil mas gumanda na ang Luneta kaysa nung huli akong nagpunta rito.

Pagkatapos magpa-picture, hinila naman niya ako sa may malapit sa fountain. Maraming mga tindahan ng pagkain doon. Bumili siya ng ice cream tapos inabot sa akin yung isang cone.

Habang kumakain kami, hinila niya ako palapit sa may kalesa.

"Tanghali na pala," sabi niya. "Hanap tayo ng restaurant. Nakakagutom na eh."

Tapos sinakay na niya ako sa kalesa. Nakakatuwa.

"Mariana," sabi niya.

Nilingon ko siya. "Oh, bakit?"

"Hmm... Bakit hindi natin i------------------------------------------- ang pagpa------------- natin?"

Grabe. Ang ingay ng mga sasakyan. Parang wala akong naintindihan sa mga sinabi niya.

"Ha?"

Para namang nainis siya na tumingin na lang sa malayo.

Itigil ang Kasal! (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon