WSF: Chapter 8

2.2K 70 12
                                    

Kyle's POV

~ T W O  Y E A R S  A G O ~

"She has lymphoma, stage 4." Sabi ng daddy ni Cecil.

Para akong pinadel sa fraternity dahil sa sobrang panlalambot ng tuhod ko. Alam ko na may sakit si Cecil pero hindi ko inakala na ganito kalala, akala ko kailangan lang nya ng simpleng surgery pero mas malala pa pala.

Napatingin ako sa glass window ng pinto ng hospital room ni Cecil at kita dito ang fragile nyang katawan, she's so skinny, dry skin and hair. Natutulog sya pero parang kita mo sa mukha na nahihirapan at nasasaktan sya.

2 years na kami ni Cecil pero hindi nya sinabi sa akin na ganito pala kalala yung sakit nya, walang nagsabi sa akin kahit sino mula sa pamilya nya. Highschool ako ng makilala ko sya, fourth year ako nun tapos second year sya. Madalas ko syang makita na binubully ng mga classmates nya pero minsan hindi ko na natiis at pinagtanggol ko sya dahil pinagtutulak sya ng isang kaklase nyang lalaki. Hindi ko sya nakikitang lumalaban, hinahayaan lang nya kung ano man yung ginagawa sa kanya. Kahit yung kapatid nya pag pinagtanggol sya ay nabubully din.

Simula ng ipagtanggol ko sya ay kinaibigan ko na sya, nakaramdam kasi ako na kailangan ko syang protektahan at alagaan, lagi ko syang pinupuntahan pag wala akong klase para bantayan. Nung araw din na nakilala ko sya ay nakilala ko din si Celine, yung kakambal nya.

Kakagraduate ko ng college ng tanungin ko si Cecil kung pwede ko ba syang maging girlfriend, hindi pa sya graduate nun, after nyang maghighschool ay lumipat na sila ng pamilya nya sa US at dun na sila nag-aral ni Celine ng college at nung time din na yun nagdecide ako na sa America mag-aral para makasama ko sya.

Ang totoo masyado akong nasanay na sya ang lagi kong kasama, without her parang pakiramdam ko kulang, wala kasi akong inaalagaan at binabantayan. Pero kahit sinundan ko sya ay hindi ko pa rin sya madalas makita o makasama, naging busy ako sa pag-aaral lalo na nung nalaman ko na sa akin pala ipapahawak ni daddy ang Paragon Malls kaya pinagbuti ko talaga ang pag-aaral ko.

Madalang ko lang makita si Cecil noon dahil parehas kaming busy sa pag-aaral pero yun pala huminto na sya at nagpapagamot na lang, she seemed okay pag nagkikita kami pero matamlay sya. Ang lagi nyang dahilan non ay pagod sya, inaantok, gutom o hindi lang maganda yung araw nya.

"T-tito, bakit hindi nya sinabi sa akin?" Nanginginig yung boses ko.

"Dahil masyado mo na daw syang inaalagaan at ayaw nyang maging pabigat sayo." Malungkot na sabi ng daddy ni Cecil.

"Pero tito, natural lang na alagaan ko sya, girlfriend ko sya eh." Katuwiran ko.

"Yes, I know. We did everything, she did everything para gumaling dahil gusto nya sya naman ang mag-aalaga sayo. Nawala yung sakit nya for two years, akala namin okay na pero laking gulat namin ng bumalik ito, she was so devastated that time kaya nagdecide kami lumipat ng America to continue her treatment, nawala ulit yun sandali pero bumalik nanaman." Hindi ako nagsasalita dahil parang lalabas na yung luha ko pag nagsalita ako. "She wants to live for you, Kyle, but heaven was not doing her a favor."

At sa huling linya nyang yun ay tumulo na yung luha ko, pinunasan ko iyon at tumingin sa loob pero lalong kumirot yung puso ko ng makita ko na nakadilat na si Cecil at nakatingin sa akin. Ngumiti sya ng tipid at sinenyasan ako na pumasok.

When Sparks Fly (Slow Update)Where stories live. Discover now