WFS: Chapter 42

1.9K 73 11
                                    

Kash's POV

We are on our way to an exclusive bar, may invite kasing natanggap si kuya, mostly on weekends may mga high end bars ang nag-iinvite sa amin to party para mapromote yung bar nila since our family is part of the elite society here in London.

I'm wearing an all black halter crop top paired with a wide leg pants and stilettos na ang sama ng tingin ni Kyle kanina nung bumaba ako sa hagdan bago kami umalis pero hindi ko sya pinansin.

We were escorted inside the bar once we got out of the car, madami kaming nakitang kakilala at nandito din yung barkada namin nila Pia kaya isa-isa namin ipinakilala sila Ris.

Drinks are overflowing and flashes from cameras are everywhere but we didn't mind all the attention we're getting. Inom dito inom doon, tawa dito tawa doon, sayaw dito sayaw doon. At wala akong pakialam sa kung ano man ang nasa paligid ko dahil ang gusto ko ay i-enjoy lang yung gabing ito.

Everyone is having fun, kahit si kuya ay wala din pakialam sa mga nasa paligid nya, si Kyle naman ewan ko ba lagi lang nakatayo sa likod ko habang umiinom, actually silang dalawa ni Troy nasa likod lang namin ni Pia.

May mga nagpapabigay ng mga drinks, pero kadalasan bote pa yung binibigay, syempre masaya yung mga kaibigan namin at pati yung management ng bar dahil kahit libre yung mga drinks namin dahil sa invitation ay may mga bumibili naman ng mga mamahaling bote ng alak para ibigay sa amin. May mga dumadayo dito sa VIP area para magpapicture kadalasan kay Kris dahil sya talaga ang pinakakilala dito pero may ilang lalaki na nagpapapicture sa amin ni Pia na minsan ay sinisita pa ni Troy o ni Kyle pero kahit anong paninita nila hindi nila magawang mapigilan ang mga nagpapapicture dahil kami mismo ni Pia ang pumapayag para pagbigyan yung may mga gusto.

Kanina ko pa napapansin na iritable si Kyle, pagkakita pa lang nya sa suot ko hanggang sa nasa kalagitnaan na kami ng kasiyahan pero hindi ko sya pinapansin dahil kung tatanungin ko sya, siguradon ako ang problema nya at baka dahil dun ay magtalo nanaman kami.

"Kash, let's go to the dance floor." Aya ni Pia. Ngumiti ako at tumango pero nung palabas na kami ng VIP area ay may humawak sa braso ko.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Kyle.

"Sa dance floor." Sagot ko.

"You girls can dance here, why do you have to go to the dance floor?" May inis sa ekspresyon ng mukha nya.

"You are not in the position to tell me what and what not to do." Inalis ko yung pagkakahawak nya sa braso ko at hinila sa kamay si Pia palabas ng VIP.

Dumaan muna kami sa bar tapos ay nagpunta ng dance floor pero hindi pa umiinit ang mga paa namin ay may lumapit na sa aming dalawang lalaki, isang blonde, blue-eyed and a bit buff guy tapos yung isa naman ay brunette, brown-eyed guy.

"Hi ladies." Bati ng blonde.

"Hello." Nakangiting bati ko.

"Gwapo ha." Bulong ni Pia sa akin.

"Mind if we join you?" Tanong nung brunette.

"No, not at all." Sabi naman ni Pia.

"I'm Bruce." Pakilala nung blonde sabay abot ng kamay kaya nakipagkamay din kami sabay sabi ng mga pangalan namin.

When Sparks Fly (Slow Update)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora