WSF: Chapter 46

1.9K 50 26
                                    

Kash's POV

Inis akong pumasok sa loob ng kwarto ko habang nakasunod naman si Kyle sa akin. Tinignan ko sya ng masama. "Get out, I want to rest."

"Go and rest, I'll stay here." Pabagsak syang umupo sa sofa, bumuntong hininga pa sya at isinandal yung ulo nya sa sandalan bago pumikit.

"No!" Lumapit ako sa kanya at hinila ang braso nya. "I want you out, leave!" Inis nya akong tinignan. "What?" Tinaasan ko sya ng kilay at sinalubong yung tingin nya.

"I'm not leaving, go and wash up." Sabi nya at muling pipikit sana pero pinigilan ko sya.

"Ayoko ngang nandito ka!"

"What the hell is your problem, dati naman wala kang pakialam kahit magstay ako sa kwarto mo."

"Dati yun at ngayon ayokong nandito ka, ayokong makita ka!" Pinagcross ko yung mga braso ko sa harap ko.

"And why is that?" Hindi ako nagsalita at masama lang akong nakatingin sa kanya. "Why?" Kita sa ekspresyon ng mukha nya ang pagtitimpi.

"Naiinis ako sayo okay? Now leave." Hinatak ko ulit yung braso nya pero binawi nya yun at humalukipkip.

"Naiinis din ako sayo kaya quits na tayo." Sumandal sya at pumikit ulit.

"Well I don't care, just leave." Sabi ko at tumalikod tsaka naglakad papunta sa banyo.

"You know what, sige aalis ako pero pagkatapos mong gawin yung ginawa mo kanina sa pool."

Napahinto ako sa paglalakad at tumingin sa kanya na nakatingin na pala sa akin at may ngisi sa mga labi. "I don't know what you're talking about."

"Really?" Nakangiting tanong nya kaya tinaasan ko sya ng isang kilay. "Edi ipapaalam ko sayo. Take off that towel and do a catwalk right in front of me, yung parang kanina sa pool na naka-two piece ka lang at parang model kang naglakad kanina."

"Wala akong alam dyan." Sabi ko.

"Talaga lang? I don't know what you're intentions were but you know for a fact that I hate it when you wear revealing clothes tapos kanina naka-two piece ka pa?" Nakita ko ang pagtiim bagang nya. "Now why don't you do that here in front of me, just me. Take that off," turo nya sa twalya na nakabalot sa akin, "papayag akong umalis pero gawin mo yung ginawa mo kanina sa harap ko."

"Nagswimming kami so malamang magsusuot ako ng pangligo, don't make it such a big deal, Kyle." Umirap ako sa kanya.

"Okay fine, hindi pala big deal then take it off, baby." Nakangising sabi nya. "Come on." Pang-aasar pa nya.

"Ugh!" Inirapan ko sya at padabog na naglakad papunta sa banyo at malakas na isinarado yung pinto. 'Bwisit na Kyle yun!'

I took a shower, put on a shirt and a pair of shorts, magpapahinga muna ako dito sa kwarto dahil mamayang gabi pa naman yung plan namin ng mga girls na gumimik.

Paglabas ko ng kwarto ay wala na si Kyle kaya naman naupo ako sa vanity mirror at nagsuklay pero napahinto ako ng may marinig akong nagsalita at nakita ko na bukas yung sliding door papunta sa balcony ng kwarto ko.

When Sparks Fly (Slow Update)Where stories live. Discover now