Chapter 1

26.2K 302 10
                                    

Saina Adriana Flores (sai-na)

Maaga akong nagising dahil maghahanap pa ako ng trabaho ko ngayong araw. Kakagraduate ko lang last april. Business management ang kinuha ko. At sa awa ng poong may kapal nakagraduate ako ng business mangement bilang cum laude ng batch ko at iniaalay ko yun sa magulang ko na maagang kinuha ng nasa taas at sa ate kong nagpaaral saakin.

At ngayon ako naman ang babawi sakanya. Magtatrabaho ako para mabayaran ko yung ginamit nyang pera para sa tuition ko.

Hindi pumayag si ate na mag aral ako sa kung saan lang. Inenroll nya ako sa FEU Makati at kinuha nya ako ng condo na malapit lang doon. Hindi kami mayaman sadyang pinalad lang ako kasi si ate nagkaroon ng asawang business man at pinag aral ako.

Hanggang ngayon ay nasaakin parin ang condo. binibigyan pa ako ni ate ng allowance evey month pinagamit nya rin saakin yung kotse nya. binibilan nya pa ako ng damit every week. Literal na every week ipapa LBC nalang nya yun.

Bumangon ako sa kinahihigaan ko at nagtungo ako sa CR ko. Nagtooth brush at naghilamos. Naalala ko tuloy yung mga sacrifices ni ate para saakin. Napangiti ako bigla hindi ko alam ang rason.

Lumabas ako ng aking kwarto at dumiretso sa kusina ko. Kalahati ng gamit dito sa condo ay naipundar ni ate. Mula sa 42 inches na flatscreen tv. Mac Book na rose gold. iPhone 6s + rose gold. Lagermania. Automatic washing machine. One room full of branded shoes. Another room full of branded clothes. Isang BMW convertible na silver at marami pang iba.

Nalulula ako sa mga ibinibigay ni ate at hindi ko alam kung pano ko sya mababayaran pabalik. Hindi pa nga sapat yung pagiging cum laude ko. Sana ay makakuha ako ng trabaho today para masimulan ko na ang pagbabayad kay ate.

"Ouch!" Napasigaw ako ng bigla akong talamsikan ng mantika sa kamay. Nawala ako sa isip ko. Nakalimutan ko nagkuluto nga pala ako ng umagahan ko.

Nagfried rice ako. Nagprito din ako ng itlog, hotdog, bacon at ham. Sobrang dami para sa isang taong katulad ko tapos sobrang payat ko pa.

Matapos kong makapag almusal ay naligo agad ako at inihanda ang aking sarili. Nagsuot ako ng white fitted dress at pinatungan ko ito ng blazer at pinarisan ko ng flat shoes. A typical business woman. Sinigurado kong walang naiwang nakasaksak bago ako bumaba sa parking para kuhain ang sasakyan ni ate. Tama lang ang panahon ngayon kaya napagpasyahan kong ibaba ang convertible ni ate. Sinuot ko din yung aviator ko. Ang nagiisang sunglasses ko. Iminuwestra ko ang sasakyan para makalabas ng parking at dumiretso sa pupuntahan kong companya.

Kahapon ay ginugol ko ang sarili ako sa paghahanap ng trabaho at isang companya ang pumukaw sa aking paningin. Kaya napagpasyahan kong duon dumiretso.

Ng marating ko ang lugar ma yun ay naghanap ako ng pagpaparkan ng kotse ni ate. Bumaba ako hawakhawak ang aking resume. Inayos ko ang sarili ko habang naglalakad sa entrance ng building.

"Goodmorning po ma'm. Valid I.D po." Ibinigay ko ang I.D ko sa guard na nasa entrance.

"Diretso nalang po tayo sa receptionist. Salamat po." Imbis na ibigay saakin ang I.D ko ay binigyan nya ako ng pass

Napatanga ako sa laki ng lobby nila. Napanganga ako pero bigla ko nalang ito naitikom dahil nasa loob nga pala ako ng mayamaning building. Inayos ko ang buhok ko at huminga ng malalim. At dumiretso ako sa receptionist.

"Goodmorning ma'm! How may i help you?" She greeted me cheerfully. I smiled back at her

"Ahmmm... I'm looking for a job. I wanna ask if there is a vacant position,any kind of position will do." I smiled sweetly at her.

"Ma'm punta po kayo sa HR. Ang alam ko po kasi ay may open position as a secretary of the CEO. Just to make sure punta nalang po kayo sa HR. Third floor po." She's jolly. I like her

"Okay. Thank you." I smiled for the last time and turned my back. Third floor...

Ng makalabas na ako ng elevator ay naghumentardo na ang puso ko. Paano kung hindi na pala available yung position. Shems.

Napahinga ako ng malalim bago pumasok sa office. Syempre kumatok muna ako. Sinalubong ako ng secretary at ng mga babaeng nakapila. Madami sila mali sobrang dami!

I walked papunta sa table ng secretary she is smiling at me very wide. Ang creepy lang. Napatingin ako sa paligid ko at lahat sila ay nakatingin saakin parang may mali saakin at may dumi ako sa mukha. Binigay ko sakanya ang resume ko.

"Goodnorning Ms. Flores! Sana ikaw ang mapili. Sobrang gaan ng pakiramdam ko sayo!" Bakit ba parang lahat sila ay napaka jolly.

"Goodmorning! Sana nga." I said in a low voice kasi naman lahat ng nasa loob ng room ay tumahimik nung pumasok ako.

"Ma'm upo nalang po muna kayo. Tatawagin nalang po kayo pag kayo na." She smiled at me. Grabe di' ba sumasakit yung panga nila kanina pa sila nagiismile so i smiled back

2 hours passed at pakonti na kami ng pakonti. Ang hassle palang mag apply ng trabaho. Nagugutom na ako.

"Ms. Flores! Please come in." Ako na? Hala ako na pala! Tumayo ako. Sobrang kinakabahan ako! Sobra!

"Goodluck!" Sabi ni Nicole. Yung secretary dito. Paano ko nalaman? nakalagay kasi sa table nya.

"Thank you." I said to her

Nang makapasok ako ay sobrang kaba ang naramdaman ko. Sana talaga makuha ako sa trabahong ito. Para kahit pakonti konti ay mabayaran ko ang ate ko sa mga binigay nya saakin. Nag smile sya saakin.

"Goodmorning po." I greeted a mid 40 woman infront of me. She smiled at me a sincere one.

"Goodmorning din Hija. My name is Evangeline. May i have your resume please." She greeted me. I handed her my resume. She looked at it thoroughly

"So Ms. Flores why are you applying for this position. Cum laude ka at fresh graduate. Bakit pagiging secretary ang napili mong trabaho?." She asked

"First of all po gusto ko po kasing mabayaran yung ate ko, sya po kasi ang dahilan kung bakit ako nakatapos. Ang pagiging secretary po ay napaka halagang trabaho it's not about what course you've taken as long as you can do your job properly. It's about hospitality. Nagbabakasali lang naman po. At kung sakali pong mapili akong secretary i promise to do my job accordingly. Sana po mapili nyo ako." I ended my speech with a wide smile. Walang sense yung mga pinagsasabi ko hays.

"Well said hija. Are you sure that you're already 25? You just graduated. How come?" Nagtatakang tanong nya.

"Ganto po yan ng makapagtapos po ako ng highschool ay huminto po ako sa pagaaral, yung magulang ko po kasi ay namatay. Kaya 20 po ako nakapag college." That's the truth

"I'm sorry about what happened hija."

"Matagal na pong nangyari yun kaya okay na po." 9 years na ng mangyari yun kaya okay na ako.

"That's all. And congratulations! You passed!" She said. Natulala ako. Wait diba dapat pauuwiin na nila ako kasi usually tatawag nalang sila para ipaalam kung tanggap ako. Bakit parang on the spot dito?

"Wait lang po ah. Bakit parang ang bilis naman. Usually po diba tataposin nyo lahat ng applicants? Hindi po ako ang huli." Ipinaliwanag ko sakanya ang weird naman kasi

"I want you hija to be my sons secretary." I was speechless for a minute. Then it hit me nasa 50 na siguro sya. She looks very young

"Tomorrow you'll meet my son. Be here at 7 am sharp. That's all." She told me straight. Ay walang makakapigil.

"Okay po." That's the only word that came from my mouth. She left the room.

What just happened?!

The SadistNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ