Chapter 11

14.6K 240 7
                                    

Couple outfit

Saina's

I woke up early to get ready and make Zelos' breakfast. We have to leave early para hindi kami maiwan ng mga kasama sa annual outing ng companya nina Zelos.

Ipinagluto ko si Zelos ng fried rice, omelet, bacon and hotdogs. Sinimplehan ko lang dahil kailangan naming umalis kaagad.

Pumasok ako sa kwarto para gisingin sya. Tumambad saakin ang Zelos na nakadapa at nakayakap ng sobrang higpit sa unan. Napangiti ako dahil don.

Mahal ko na ata si Zelos. Hindi na kasi normal ang pagtibok ng puso ko, sa tuwing makikita ko sya ay sobrang bilis nitong tumibok. Tas sa tuwing titingin ako sakanya ay puros bulaklak at puros puso ang nasa paligid nya.

Ito ang unang beses na magmahal ako ng isang lalaki. Maaaring hindi ko alam ang totoong pag ibig pero alam ko sa isip at puso ko na siya ay nag iisa at wala ng kasing tulad pa.

Gagawin ko ang lahat para sa ikaliligaya nya. Handa akong masaktan para sa kaligtasan nya. Handa akong magluksa basta't alam kong masaya sya.

Nagiging corny na ata ako dahil sa pagmamahal ko kay Zelos.

Naglakad ako papalapit sa kama at umupo sa gilid nya. Hinaplos ko ang braso nya. Sinuklay ko ang buhok nya na ngayon ay akala mo'y pugad ng ibon. Napangiti nanaman ako na para bang baliw.

Unti unting dumilat ang mata nya at sumalubong duon ang hazel brown eyes nya. Ngumiti ako sakanya at hinaplos sya sakanyang pisngi. Pumalibot naman saaking bewang ang mga matitipuno nyang braso.

"Goodmorning." Sabi ko sakanya at hinalikan sya sa pisngi.

"Goodmorning babe." He smiled at me. Those heart-melting smiles of his.

Napasinghap ako ng bigla nya akong hapitin sa leeg at hinalikan ng pagkalalim lalim. Umayos sya sa pagkakahiga ng hindi nya pinuputol ang halik nya saakin.

Ipinasok nya ang dalawa nyang kamay sa aking damit at hinaplos ako sa bewang.

Napatili ako ng umikot sya, napahiga ako sa malambot na kama nya at pumaibabaw sya sa akin. Ngumisi sya saakin. Napahigikhik naman ako sakanya.

"That's how you say goodmorning babe." Hinampas ko sya sa braso. Napaka pilyo.

"Tumayo ka na. Maaga pa tayong aalis." Tinulak ko sya ng kaunti sa braso para makalyo sya at makatayo ako.

"Hindi ba pwedeng umiskor muna? I badly want you babe." Nanlaki ang mata ko dahil sakanya.

"Tse! Tumigil ka Zelos! Keaga aga eh!" Tumayo na ako ng tuluyan.

Hinila ko sya sa kamay para makalabas na kami ng kwarto. Baka pumayag pa ako sa gusto ng lokong toh.

"Umupo ka na. Pagtitimpla kita ng coffee." Tumango sya kaya dumiretso na ako sa kusina.

Ginawan ko sya ng coffee na gustong gusto nya. Ewan ko ba dito kung bakit mahal na mahal ang coffee. Nagtimpla din ako ng gatas. Milk is my all time favorite.

Matapos naming kumain ay pinaligo ko agad si Zelos, pinaghanda ko na din ng damit. Pinagterno ko pa nga ang suot namin, plain white shirt at khaki shorts. Pinag top sider ko sya na brown habang ako naman ay ng slip on din na brown. Ewan ko ba kung bakit ko na tripan.

Inayos ko ang kama namin pati ang mga pinaghubadan ni zelos na iniwan lamang nya sa lapag. Sinara ko na rin pati ang kurtina sa loob ng kwarto ni Zelos.

Lumabas ako ng kwarto nya para magtungo sa kusina, nakalimutan kong hugasan ang pinagkainan namin.

Nag vinaccum ko na rin ang carpet na nasa living room. Sinara ang aircon sa living room pati narin ang kurtina na nagtatabing sa glass wall na over looking sa city.

Matapos kong mag ligpit sa buong bahay ay saktong lumabas naman si Zelos na dala dala ang bag namin. Pinagkasya ko sa iisang bag ang damit naming dalawa. Hindi naman kasi maaksaya si Zelos sa damit dahil parating naka topless ang loko eh.

Bakat na bakat ang bawat hubog ng muscle ni Zelos sa damit nya. Tumerno pa ang kulay ng khaki shorts nya sa kayumanggi nyang balat, above the knee lamang ang haba nito habang ang akin naman ay halos sa lahati na ng aking hita.

Ngumiti ako sakanya at bigla kong nadilaan ang nanunuyong mga labi ko. Para kaming maggirlfriend at boyfriend na bibili talaga ng parehas na damit.

Naglakad sya saakin papalapit at hinulog nya ang bag sa sofa na nasa aking harap. Hinapit nya ako saaking bewang at siniil ng napakalalim na halik. Biglang naginit ang aking buong katawan buhat ng paghalik saakin ni Zelos.

Itinulak ko sya sa balikat upang mapalayo dahil nauubusan na ako ng hangin at baka kung saan pa mapunta ang mainit na halikan namin.

"I hate wearing couple outfit Saina but because you prepared my clothes i have no say in this." Napailing nalang ako dahil sa mga pinagsasasabi nya.

Masyado na ata akong naattatch at nararamdaman na ni Zelos ang pagiging clingy ko.

"Halika na at naghihintay na ang mga empleyado mo. Malamang sa malamg ay naiinip na ang mga yun." Pagaanyaya ko sakanila.

Bago pa kami makalabas ng pad ni Zelos ay minake sure ko na walang naiwan na nakasaksak.

Pinindot na ni Zelos ang button up. Mukhang mag hehelicopter nanaman kami. Nang tuluyan na kaming makapasok ay hinapit muli ako ni Zelos sa bewang. Hawak ako ni Zelos sa bewang gamit ang kaliwang kamay nya habang kapit naman nya ang bad sa kanang kamay nya.

Nang makarating na kami sa rooftop ay sumalubong saamin si Blake. Agad naman nyang kinuha ang bag na hawak ni Zelos at inilagay agad iyon sa loob ng helicopter. Napansin ko naman ang isang lalaking parang nakita ko nuong isang araw.

"Sir Zelos! I'm glad to see you again." Inilahad niya ang kamay nya sa harap ni Zelos at tinanggap namang agad yun ni Zelos.

"Ma'm Saina, i hope you did not forget about me." Ngumiti ito saakin at ipinakita pa nito ang dimples nya.

Ngumiti ako sakanya at isiniksik ko pang lalo ang katawan ko sa katawan ni Zelos. Hindi ako kumportable lalo na sa tingin nito saakin.

"Let's go." Narinig ko ang pagkairita ni Zelos sa lalaki kaya't agad nya ang niyakap ng pagkahigpit higpit at naglakad patungo sa helicopter.

Hindi tilad nuong isang araw na sa harap kami umupo ngayon ay nasa likod naman kami umupo ni Zelos. Sinara ni Blake ang pintuan ng makasaky na kaming parehas ni Zelos. At si Zelos na mismo ang nagsuot saakin ng belt ko. Napangiti ako ng palihim.

Ilang sigundo lang ang lumipas ay nakalapag agad kami sa Z Inc., yung kumpanya ni Zelos.

Wala na kaming inaksaya pang oras kaya't bumaba na kami sa lobby at sumalubong saamin ang napakaraming empleyado ni Zelos na handang handa na para sa outing.

Pinagtingin kaming dalawa ni Zelos at sinuri kami ng napakaseryoso. At nagsimula na silang magbulungan.

Hinila ako ni Zelos papalapit sa nagorganize ng swimming at sinabing aalis na sila.

Magkakasama kami nina Chloe at Nicole sa iisang van. Kaming dalawa ni Zelos ang umukopa sa unang linya ng upuan habang sina Nicole at Chloe naman ang nasa pangalawa. At the rest ay hindi ko na kilala.

•—•

Sorry sa short update. And thank you guys for your love and support! Happy 1k reads

The SadistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon