Philippines

35.6K 799 27
                                    

CHAPTER 1



"ACE gumising ka na." hindi ko pinansin kung sino man ang nagsalita

"Ace anong oras na, bumangon ka naman na dyan." itinakip ko sa sarili ko ang kumot ko at hindi parin bumabangon

"ACE!" inis akong umupo at sinamaan ng tingin si shin

"What the hell is your problem?!"

"Ngayon tayo aalis baka naman gusto mo ng gumising." sarkastiko nitong sabi

"Oo na!" bumangon ako at dumiretso na sa CR

-----

"DUMATING na ba yung private plane na sasakyan natin?" kumuha ako ng kanin at ulam na nasa mesa bago umupo

"Papunta palang daw." sagot ni blare na kadarating lang at may bitbit na tubig

"Mami-miss ko ang korea." malungkot na sabi macey

"Ako rin! Hindi ba pwedeng dito nalang tayo?" sabi rin ni Nicole

"Hindi naman pwedeng dito nalang tayo habang buhay." sagot ni shin

"Tsaka hindi nyo ba nami-miss ang Pilipinas?" ininom ni blare ang tubig na dala nya at inilapag ang walang laman na baso sa lamesa

"Gumala kaya muna tayo bago pumunta sa airport?" suhestiyon ni macey

"Oo nga! Para naman malibot natin ang seoul for the last time." excited na sabi ni nicole

"Ano sa tingin mo ace?" tumingin silang apat sa akin at naghihintay na ng sagot ko. Ano ba namang laban ko sa apat diba?

"Okay." pagpayag ko

"Yes!" sigaw ni nicole at macey. Agad silang umalis sa dining are at tumakbo papunta sa taas para mag ayos na

"Parang bata." naiiling na sabi ng dalawa

-----

"TARA picture tayo." inilabas ni nicole ang picture nya at umabante. Itinaas nya ang cellphone nya at nagbilang "one,two, three say cheese."

"Patingin ako." tumakbo si macey at blare kay nicole at inagaw ang cellphone nito mula sa kanya

"Hindi ko pa nga nakikita eh."

"Ang ganda i-frame natin to." binalewala ni macey ang sinabi ni nicole at inilapit nya sami ang cellphone ni nicole

"Ipasa mo sa akin. Ilalagay ko sa kwarto ko." inilabas ni shin ang cellphone nya

"Mag iikot lang ako." hindi ko na hinintay ang sagot nila at nag ikot nalang sa namsan tower.

Habang nagiikot ikot napansin ko na hindi na pala nakatali ng maayos ang sintas ko kaya pumunta muna ako sa gilid para ayusin ito

"What the!" inis na sabi ko at agad tumayo para tingnan kung sino ang bumangga sa akin. Habang itinatali ko kasi ang sintas ko ay may bumangga sa akin kaya napaupo ako. Isang lalaki ang nakabangga sa akin. "May mata ka ba?!"

"Bakit kasi nakaupo ka dyan." inis na sabi nito sa akin. Sya pa ang naiinis ngayon ha!

"Nag aayos kaya ako ng sintas ko." itinaas ko ang kilay ko sakanya

"Bakit kasi dyan ka nag aayos?"

"Bakit kasi dyan ka lumakad?"

"Dapat kasi dun ka sa walang tao."

"Dapat kasi kapag naglalakad ka tumitingin ka sa paligid mo."

"Ace!" napatingin ako sa tumawag sa akin. Si shin

"Sino sya?" tinuro nito ang lalaking nasa harapan ko

"Isang taong di marunong tumingin sa paligid nya. Tara na." hinatak ko na sya paalis dun at hindi ko na liningon pa ang lalaking bumangga sa akin. Nakakainit ng dugo ang lalaking iyon, sana lang hindi ko na sya makita ulit.

"Aalis na ba tayo?" tanong ko kay shin

"Oo, ikaw na nga lang ang hinihintay." tumango nalang ako sa sinabi nya at di na sumagot pa

"Akala namin kung ano ng nangyari sa inyo eh." sabi ni macey ng makarating kami sa pwesto nila

"Hahanapin na sana namin kayo." sabi rin ni nicole

"Tama na yan, tara na." nagmamadali ang boses ni shin kaya alam kong may mali

"May problema ba?" kunot noong tanong ko sa kanila

"Nakita namin yung nakalaban natin kagabi. Nandito rin sila." pasimple akong napatingin sa paligid dahil sa sinabi ni blare. Sh*t! Anong ginagawa ng mga panget na yun dito

"Tara na. Baka mapa away pa tayo ng wala sa oras pag nakilala tayo ng mga yun." mabilis kaming umalis sa lugar na yun at sumakay sa van na sinasakyan namin

"Akala ko mapapa away tayo ng wala sa oras eh." sabi ni shin na nasa tabi ko

"Hindi pwede. Maraming tao at kapag namukaan nila tayo, kakalat na ang identity natin sa buong gangster world. Alam nyo naman siguro kung gaano kadelikado ang bagay na iyon." paalala ko sa kanila

"Baka sugurin tayo ng maraming panget sa pilipinas kapag nangyari yun." natawa si nicole sa biro ni macey

"Tama, tama hindi naman ako papayag na panget ang papatay sa akin." sabi ni nicole. Napailing nalang ako sa kanilang dalawa. Paano ko ba naging kaibigan ang dalawang to?

--------

"SALAMAT at nakasakay tayo ng walang humabol sa atin." pabagsak na umupo si blare sa upuan at ininom ang tubig na nasa gilid nya

"Excited na ako! Maya maya lang nasa Pilipinas na tayo." excited na sabi ni macey. Parang kanina lang ayaw nya pang iwan ang Korea tapos ngayon excited ng bumalik ng Pilipinas

"Namimiss ko na sila mom." malungkot na sabi ni nicole

"Ang OA mo naman. Kakabisita lang nila sa atin nung nakaraan." nakatanggap sya ng hampas kay macey na katabi nya

"Kailangan mang hahampas talaga? Ang bigat bigat ng kamay mo tapos hahampasin mo ako." gumanti ng hampas si nicole kay macey

"Bakit mo naman ako hinampas!"

"Tama na nga yan. Mamaya aandar na ang eroplano kaya wag na kayong malikot dyan." saway ni shin sa dalawa

"Eto kasing ni macey! Magsasabi nalang kailangan may hampas pa." umirap ito sa katabi nya. Parang mga bata talaga

"Gumanti ka naman."

"Kapag ako nainis sa inyong dalawa ilalabas ko kayo ng eroplano." sabat ko kaya napahinto ang dalawa

"Sabi ko nga shut up na ako eh." nag peace sign pa sa akin si macey

"Ako rin tatahimik na." ipinikit ko nalang ang mata ko at hindi na sila pinansin. Tuloy parin sila sa pag aaway pero bulong nalang. Mahirap talagang awatin ang dalawang ito. Kung hindi pa ako sisigaw ay hindi sila titigil kaya mabuting wag ko nalang sayangin ang laway ko sa pag suway sa kanila

"Hindi talaga sila titigil." sabi ni shin pero nanatili lang akong nakapikit

"Hayaan mo na. Isip bata eh." dito ko nalang itutuloy ang naudlot na tulog ko dahil ginising ako ni shin

"Matutulog ka na? Hindi ka ba nagugutom?"

"Hindi. Ang kailangan ko ay tulog, ginising mo kasi ako kanina eh." sarkastiko kong sagot

"Kung hindi kita ginising edi naiwan ka."

"Okay lang. Mag isa nalang ako uuwi."

"Ewan ko sayo. Ang hilig mong matulog." hindi na ako sumagot at nag concentrate nalang sa pag tulog. Maya maya lang ay nasa pilipinas na kami. Kamusta na kaya ang pilipinas? Wala na kayang traffic?



☆☆☆

THE 5   Gangster Queen (Under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon