Underworld

28.7K 778 8
                                    

CHAPTER 2

Ace's POV


*Kringgggg* kringgggg*

Mabilis pa sa alas kwatro kong ibinato ang alarm clock. Damn, sira na ang tulog ko!

It's already 11:00 in the morning kaya ginawa ko na ang morning rituals ko. Pagkatapos kong gawin ang morning rituals ko ay bumaba narin ako.

"Good morning." masiglang bati ni macey pagka kita nya sakin.

"Bad morning too." yamot na sabi ko sakanya

"Why Ace? May nangyari ba?" tanong sakin ni Nicole

"Sino ang naglagay ng alarm clock sa kwarto ko?" pinaningkitan ko ng mata ang mga kaibigan ko na umiwas ng tingin sakin

"Oh bakit ang tahimik nyo?" napatingin kami sa kabababa lang na si shin

"Ayan oh, tanungin mo yan." tinuro pa sya ni nicole

"Ha? Ako? Anong tanong?" naguguluhang sabi ni shin

"Ikaw ba ang naglagay ng alarm clock sa kwarto ko?" ngumiti sya sakin--- pero nagmumukang ngiwi --- bago sumagot

"Napag utusan lang ako." umiling nalang ako at umupo na sa dining area. Kahit hindi ko na tanungin alam ko naman kung sino ang mag utos sa kanya

Kakauwi lang namin galing korea kahapon and yes, magkakasama kami sa iisang bahay lima. Dito talaga kami lumaki sa Pilipinas, nag stay lang kami sa korea for 3 years at dun na kami nag aral pero nandito na ulit kami. Ito ang bahay naming lima sa Pilipinas kaya dito na kami dumiretso dahil nandito ang parents naming lahat kahapon.

Tumira na kami sa iisang bahay simula nung nag 15 years old kami. By the way 18 years old na kaming apat samantalang mag e-eighteen palang si
Macey

"Oh kape." ibinaba ni nicole sa harapan namin ang kapeng ginawa nya

"Thanks." sabay na sabi ni shin at macey

"Late naman tayo mag kape. 11 na." natatawang sabi ni macey. Well, tama sya. Tanghali na at ngayon palang kami magkakape

"As always." sagot sa kanya ni Nicole

Saming lima, silang dalawa ang pinaka masayahin pero minsan sumasama si blare sa kalokohan nilang dalawa. Si Nicole ang pinaka masungit sa amin, lumalabas ang kasungitan nya kapag may bumabangga sa grupo namin. Sya rin ang pinaka matakaw sa amin pero lahat ata ng pagkain ay tinatae nya rin pagkatapos, hindi tumataba eh

Si Macey ang bunso ng grupo namin kaya sya ang pinaka hyper. Palaging nakangiti at parang walang problema kaya kapag umiyak siya iisa lang ang ibig sabibin nun. Hindi nya na kayang tiisin yung sakit

Si Blare ang pinaka boyish saming lima. Paborito nyang nakakapanood ng away tapos makikipag pustahan kung sino ang mananalo

Si shin ang nanay ng grupo. Madalas rin syang tahimik pero sa kalokohan game na game. Kung titingnan sya para syang si Maria Clara, sa aming lima kasi sya ang dalagang pilipina

And lastly, ako. Ang pinaka malamig at tahimik. Kung si blare paborito ang away, ako naman ay matulog. Nakikisama rin ako sa kalokohan nila dahil nag promise kami sa isa't isa na walang iwanan lalo na sa kalokohan. Yeah, promise namin yan

"Guys shopping tayo." biglang sabi ni macey

"Hindi pwede. Pinapapunta tayo sa arena." sabi ni nicole kaya napatingin kaming lahat sa kanya

"Bakit hindi sa akin sinabi?" kunot noong tanong ko

"Hindi daw kayo macontact ng head kaya sa akin sinabi."

THE 5   Gangster Queen (Under revision)Where stories live. Discover now