Tambayan

28K 794 9
                                    

CHAPTER 3


MACEY'S POV

Monday morning **

Morning universe! Bagong umaga, bagong kalokohan na naman hahahaha. May pasok so it means makakapang trip ako-----

"Macey, walang mantitrip ngayon okay?" napatingin ako kay shin na bigla nalang pumasok ng kwarto ko. Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi nya

"What?" nanlulumong tanong ko. Iniisip ko palang bawal na agad?

"First day palang macey. First day! Tama na muna ang mga trip mo na yan kung ayaw mong masermonan ni tita." nakanguso akong tumango sa sinabi nya. Umalis narin sya sa pinto ng kwarto ko pagkatango ko

Why?! Bakit ang lupit ng mundo sakin?!

Ginawa ko na ang morning ritual ko at bumaba na sa dining area. Nandito palang sa hagdan amoy ko na ang mabangong almusal. Grabe nagagaya na ako kay nicole na matakaw

"Goodmorning Nicole! Shin! Blare!" malakas na bati ko sa tatlong bruhang nasa dining area na

"Shit, yung eardrums ko." sabi ni nicole at tinakpan ang tenga nya

"Nabingi na ata ako." sabi naman ni shin

"Mapaos ka sana." inis na sabi ni blare. Ang sasama nila diba? Parang binabati lang eh

"Ano bang problema nyo sa boses ko." nakangusong sabi ko sa kanila

"Yuck." nandidiring sabi ni nicole

"Gago wag kang ngumunguso nakakasuka." nandidiri ding sabi ni blare

"Ang lakas kasi ng boses mo." si shin lang ang hindi pumansin sa pag nguso ko

"Parang di naman kayo sanay." naupo narin ako katulad nila

"Don't tell me tulog pa si ace." sabi ni nicole with nanlalaking mata. Muka syang kwago hahahahaha!

"Gising na ako. Thanks to shin's alarm clock." narinig namin ang cold na boses ni ace kaya lumingon kami dito. Nandito na pala sya?

"Welcome." matamis pang ngumiti si shin sa kanya kaya umasim ang muka nya

Kumain nalang kami at ng matapos ay nag aya ng pumasok si ace

"Come on ayokong malate."

Nagpaunahan kaming sumakay sa sasakyan at ang driver namin ay si shin. As always

************************
NICOLE'S POV

Pagdating namin sa parking lot ng Kim International University lahat ng mata ay nasa sasakyan namin. Syempre maganda ang sasakyan namin pati ang mga nasa loob maganda hahahaha

Pagkababa naming lima ay nag simula na ang bulungan nila. Walang kamatayang tsismis

"Grabe pre ang ganda nung nasa gitna."

"Mga chicks pre."

"Totoo ba ang nakikita ko?"

"Sila ata yung bago."

"Hindi naman maganda."

"Sino kaya sila? mukang mataray halata namang retokada." tumawa pa ang dalawang chismosa dahil sa sinabi nila. Bakit kaya ang daming chismosa sa school?

Lalapit na sana si Blare sa kanila kaso pinigilan sya ni Shin

"First day palang, wag muna tayong gumawa ng eksena." bulong ni Shin sa kanya pero dahil malapit lang kami narinig namin

THE 5   Gangster Queen (Under revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon