29

3.8K 149 13
                                    

**

"MUNTIK na kayong mag-ano?!"

"Narinig mo 'ko." Sabi ko at tinungga yung laman ng baso.
"Muntik? So 'di natuloy? Anong nangyare?"

"Di ko kaya eh. Tsaka nung pinapaalis ko na siya...She chose to stay. Niyakap niya ko tapos wala bumigay na rin ako. Alam mo 'tol, sa mga oras na 'yon, nung pinapaalis ko siya?" Sumandal ako habang silang lahat nakatingin sakin, seryosong nakikinig.

"Tangina, yung puso ko lakas ng kabog. Alam mo yung pakiramdam na sa loob lang ng ilang segundo pwede mo nang ikamatay. Ganon. It's either ikamatay ko o ikabuhay yung magiging sagot niya. Ang hirap tangina. Kaya nung sinabi niyang hindi niya rin kaya kaya mananatili siya putangina 'tol, nakahinga ako. Bumalik yung dugo sa pagdaloy."

"Alam mo kasi tol, masyado ka rin kasing sanay na andiyan siya eh."

"Alam ko. Kaya nahihirapan ako."

"Pero diba, kailangan din natin minsang magsakrispisyo? Kung kayo—kayo naman talaga."

"Wag na nga nating pag-usapan 'to. Uminom nalang tayo." Sabi ko at nagsalin ulit. Umiling sila pero nagsiinuman din. Kinuha ni Cedric yung gitara sa gilid niya.

"Tugtugan na muna."

--

"Magandang gabi, Araneta!" Sigaw ko na siyang nagpaingay ng buong araneta. Concert namin ngayong gabi. And we're down with our last two songs.

Tinignan ko sila Kairo. Telling them to say something. Kung ano na gusto nilang sabihin. Sold out ang concert namin kaya pinaghandaan talaga namin 'to. Nag-guest din kami ng ibang singer at isang rapper.

Kung isa-sum up ang gabing 'to sa isang salita—masaya. Yun na. Kita ko ang girlfriend ko kasama ang pamilya niya at pamilya ko malapit lang sa stage. Nakaupo. Nakangiti silang lahat everytime na tutugtog ako. They've been always so supportive of us. Lalo na si Mama at si Akeisha.

May sinasabi sila Luigi habang ako paikot-ikot lang ang mata at kumakaway-kaway sa mga tao. Kinakamayan ko rin sila habang hindi pa nagsisimula. Tumingin ako sa gawi ni Akeisha at tinanguan siya. She smiled at me. Kinilig naman ako bigla. Muntanga. Abot tenga pa ngiti ko hay.

Nasa stage din ang host. Oo may host kasi may trip kanina 'tong show parang naglaro kami isang beses. Yun lang naman. Nirequest kasi ng mga fans 'yon na sana raw may laro. Tapos maya-maya naman, fast talk. Siyempre, para maiba, pinayagan ng management. Okay lang din naman samin as long as masaya ang mga nanonood.

"Okay, okay, kalma na mga inday." Sabi ng baklang host. Nag flip siya ng bangs niya. "Every each one of you may 5 itatanong. Fast talk. Okay?" Hindi pa siya tapos magsalita pero sobra na ang hiyawan ng mga fans. Ang sakit na nga sa tenga eh. Ang sakit sa tenga pero ang sarap sa pakiramdam.

"Unahin natin ang drummer—Luigi!" Naghiyawan ang mga fans. Feeling gwapo naman si Luigi. Pademure pa. Sarap sipain.

"Kalma na kalma na!" Sigaw ng host. Unti-unti namang kumalma ang mga tao.
"Ayan, eto first question. Yes or no. naliligo ka ba everyday o hindi?"

"Hindi! Hindi healthy 'yon!"

Nagtawanan sila pero totoo naman. Hindi raw dapat maligo araw-araw. Hindi yata healthy.

May tinanong pa sakanya hanggang sa last na.
"Yes or no. Crush mo ba ang girlfriend ni Ramces?" Napa-ohhh naman ang crowd. Ako naman kunwari natawa pero ang totoo niyan gusto ko na siyang paliparin papuntang Hogwarts. Tinignan niya ko at kabadong tumawa.
"Yes, dati lang! Promise!" Tinaas niya pa 'yong kanang kamay niya at humarap sakin. Nagtawanan na naman sila. Ulol, Luigi.

Tinanong naman sina Kairo at Cedric hanggang sa turn ko na. "At dahil ikaw ang may lovelife sa grupo, ikaw ang may maraming  tungkol sa lovelife ang tanong!" Natatawang sabi ng host sakin. Okay lang naman, ayos lang.

Kinuha ni Kairo ang isang mic at nagsalita. "Magtatanong din kami sakanya! 5 sa'yo 5 samin! Game?"

"Okay, sige, sige." Pag-sangayon ng host.

"First question. Lights on or lights off?"

"Lights off."

"Ano ang callsign niyo ng girlfriend mo?"

"Mahal and Love." Nagtilian naman ang mga fans causing him to stop for awhile. "Kaloka!"

"Next, one word to describe your girlfriend?"

"Buhay"

"Ahhhh!!!!!!" Pati ang host ay di mapigilang di mapatili. Binato naman ako ni Luigi ng bottled water na hawak niya. "Dami mong dama!"

"Teka lang, I can't breathe." Pinaypay pa niya yung card sa sarili. "Okay, dream country?"

"UK?"

"Banda o Akeisha?"

"Akeisha,"

"Yiiieeee!"

"Oh kami naman kami naman!" Nagtabi-tabi naman ang mga kupal. "Ang mild naman nun!"

"Oo nga, walang thrill!" Dagdag pa ni Cedric. "Eto ha, sagutin mo nang maayos. Diba?" Itinapat niya ang mic sa crowd. Nagsigawan naman sila at sumagot ng yes. Napakamot ako. Ano na naman kayang kalokohan nitong mga 'to.

"Luigi, go." Parang nakapagprepare ang mga kupal. Si Luigi ang tigatanong.

"Yes or no. Virgin ka pa ba?"

"WAAAAAHHH!!!"

Pinandilatan ko sila ng mata. Gagong mga 'to! Andito parents namin! Tangina nito ah!

"Sagutin na 'yan! Sagutin na 'yan!" Nakisabay naman ang crowd sa mga tangina kong kabanda. Tumingin ako sa gawi nila Mama tapos nakangiti naman sila. Sa gawi naman ni Tito at ni Papa nagtatawanan. Okay lang naman siguro, 'diba? Si Akeisha naman.... Slight lang yung ngiti. Namumula. Tangina, papatayin ako nito mamaya.

"Ano naaaa!"

"Yes or no lang."
Maka-lang kala mo naman ang dali!

"No," Sabay tawa ko. Hindi tuloy ako makatingin kina Akeisha.

Nag-OHHHHH sila Cedric habang ang fans ay nagsigawan. "Oh next na!" Ako talaga trip nila eh.

"Okay eto eto, Nanay mo o Tatay mo?"

"Pareho, gago!"

"Ah! Hahaha pangatlo, ikaw naman Kairo." Pinasa niya kay Kairo. Siguro mema tanong lang 'to.

"Kelan mo balak pakasalan si Keishababy?"

Sinamaan ko muna siya ng tingin. Nagpeace siya sakin. "Ay sorry-sorry!"

"Ano uhm, pag ganap na siyang architect. Pwede na raw." Tumingin ako kina Tito at Tita. "Diba?"

Nag-thumbs up naman sila sakin.

"Kiss ni Akeisha o Kiss ni Luigi?"

"Hahahahaha!!!"

"Kiss ni Akeisha." Natatawa kong sagot mga baliw talaga.

"Gaano mo kamahal si Akeisha?"

"Sobra pa sa sobrang-sobra."

**

Note: Uyyyyy sa mga gustong manood ng barcelonaaaa. Tara na nga. Haha. Around QC or Mega! Di ako pwede sa sobrang layo hahaha!

LISTEN CLOSELYWhere stories live. Discover now