31

4.3K 131 27
                                    


**

"JUST be home early." My boyfriend said from the other line. "Opo, opo. Ikaw din. Magrest ka ha?" Nagpaalam kasi ako sakanya na pumunta sa despidida party ni Paul. Yes, he also passed in MIT. Only difference is he will be going while I'm not.
Okay naman na. Tanggap ko na na I can't go.

Dumaan sa sobrang habang pag-uusap ang nangyari samin ni Ramces and my parents. Ang tagal. Maraming advices at kung ano-ano pa.

I chose to stay for him. I chose to stay so I won't lose him. Mali ba o tama? Basta ang alam ko I don't want to lose him. We do sacrifices.

Tama rin naman siya eh. I can pursue may dreams kahit na andito ako sa Pinas. Kaya ko 'to. I can still do it. Basta ba kasama ko siya.

Ibinaba ko na ang tawag matapos ang ilang good-byes at I love yous. Hindi na nga 'yon nagsawa eh. Nauurat ako minsan pero kinikilig din naman. Ewan.

"Oh pinayagan ka?" Tanong agad ni Japs nang makabalik ako sa table namin dito sa study area. Ngumiti ako. "Oo naman."

"Wow, isang himala." Nakanganga pang sabi ni Cindy.

"Wag ka ngang epal. Buti nga pumayag 'yong Kuya mo'ng 'yon eh." I said while fixing my things. Nakapants ako at nakat-shirt na maroon. This shirt is given by Ramces.

"Hay na ko. Uy, Ariane. Ayan na papa mo." Nguso niya kay Ariane kaya naman napatingin si Ariane sa likod niya. Dumating si Jairus with his friends. Oo, hindi nalang si Paul. May pinakilala siya saming ka-klase niya sa chem. Isang chem engineer daw. Si Ricco.

Pumunta siya sa side nila Cindy at Japs. Ayaw na ayaw ni Japs na inaasar siya rito kaya naman siyempre kung anong ayaw niya 'yon ang ginagawa namin. Haha! Ewan ko bakit asar na asar siya eh hindi naman panget si Ricco. In fact, matalino pa ito at mabait. May itsura naman siya pero hindi kasing gwapo ng baby ko.

"Upo ka diyan Ricco." Sabi ko, pointing at the vacant space near Japs. Tumayo naman si Japs at aktong aalis na nang itulak siya ni Cindy. Kay Ricco sana but may dumaan na lalake kaya doon siya napunta.

And it was not just some random guy. It was Japs' longtime crush!
Si Mike!

"Ay sorry...Eto kasi si Cindy.." Pagpapabebe niya pa. Iniipit niya pa boses niya. Nagpipigil kami ng tawa. Except kay Ricco na busyng nagf-flip ng notes niya.

"Okay lang." He smiled and tapped her head. "I'll go ahead." Ngumiti siya at umalis. Si Japs naman tumalon-talon nang mapansing out of the sight na ang Mike niya.

"Oh my gosh! Oh my gaaawddd!!" Pinaypay niya pa ang mga kamay niya sa sarili. "I can't even! Do it more often, Cindy!"
Natatawa nalang kami sakanya. Mukhang tanga. Well, happy naman kami for her. Siyempre kung ikaw ba naman makaganon sa crush mo. Plus nginitian ka pa. Siguro buo na araw mo 'no?

Sayang lang di ko masyadong na experience 'yon. Kami kasi ni Ramces parang mabilis. Nung nagustohan niya ko niligawan niya ko agad—eh gusto ko na rin siya nun kaya naman sinagot ko agad. And I was still in 2nd year high school for pete's sake! Kaya yung kilig phase sa mga first 2 years lang yata ng relationship namin. Tapos hindi pa pure kilig 'yon kasi may away-away na rin.

Tinulak naman ulit ni Cindy si Japs—this time, sakto na kay Ricco.

"Okay ka lang?" Tanong ni Ricco habang naka-alalay parin kay Japs. Bumitaw ito sakanya at sumimangot kay Cindy. "Hindi ka nakakatuwa!"

"Huwaw, parang kanina lang tuwang-tuwa ka ah!"

"Heh! Kala mo kasi gusto ko rin!"

Hala? Hahahaha! Gaga tong si Japs. Napaiwas tuloy ng tingin si Ricco. Hala, baka nahurt siya.
Tumingin siya kina Jairus at ngumiti ng tipid.

LISTEN CLOSELYWhere stories live. Discover now