(Horror) Doppelganger

1K 11 0
                                    

This is my friend's point of view. Pero hindi siya ang naka experience. Kinwento niya lang.

***
Her POV
Teacher ang tita ko sa isang unibersidad. Alas siyete ang kanyang pasok. Ngunit sa pagkakataong iyon ay nahuli siya sa klase. Alas siyete pasado na ng pumasok siya. Ng biglang nagsalita yung isa niyang studyante.

"Ma'am, bakit ang bilis niyo pong magpalit ng damit?" Laking pagtataka ng tiyahin ko kung anong pinagsasabe ng kanyang mga studyante.

"Anong mabilis? Magpalit? Damit?" Naka kunot noong tanong niya.

Hindi daw umimik ang mga studyante niya sapagkat nagtataka rin sila.

Nagsalit ulit si Tita.

"Late na nga ako e. Magpapalit pa ba ako ng damit? Ilang mga supot ang nasinghot niyo?" Pabirong sabi ni Tita.

"Anong late po ma'am? Ang aga niyo nga pong pumasok e. Pagdating po namin nandiyan na kayo. Naka scrub suit po kayo. Tapos bigla nalang po kayong lumabas ng hindi nagsasalita. Tapos ilang segundo lang po pumapasok ulit kayo iba na ang suot niyo!" Pagpapaliwanag ng isang studyante niya.

Nanlamig si Tita. Namuo ang kilabot at takot sa sistema niya.

"Hindi ako yun. Kahit tignan niyo pa yung time in ko." Aniya

"Pero Ma'am. Kitang kita po namin. Hindi nga po kayo nagsasalita. Wala kayong imik."

Nalinawan si Tita. Nagpaparamdam nanaman ang bantay nila sa opisina ng mga guro.

"Doppelganger." Sabi niya at nagsigawan sa takot ang mga studyante niya. Dahil sa pangyayari ay pinalabas niya kaagad ang mga ito.

Nanalangin si Tita na sana ay walang mangyaring masama. Nagpasalamat na buti ay binalaan siya.

***
Dineeexxx
09/10/16

One Shot (SPG,LoveStory,&Horror)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon