(Horror) Sumpa

428 10 0
                                    

Thank you po sa mga nagsheshare ng stories. Pati na rin sa mga ayaw magpabigay ng credits. Thank you very much people. Spg soon...
---
BEST FRIEND

I'm Ellie. At ito ang kwento ng aking 'namayapang' kaibigan na si Stella. Way back high school I have a friend and she was Stella. Transferee si Stella. Graduating na kami that time. Naiinis nga siya noon kung kalian graduating na siya dun pa sila lumipat. Mabait si Stella. Maganda siya kung mag aayos pero parang dahil na rin sa hirap ng buhay kaya hindi na niya iyon magawa. Kaya nang dahil doon ay naging tampulan siya ng tukso. Madalas akong napapaaway noon kase pinag tatanggol ko siya. Hindi kase siya lumalaban kaya pinaglalaban ko siya. Noong mga panahon na wala pa si Stella sa school ay kasama ako sa mga it girl ng school. Kungbaga kinatatakutan banggain. Pero ng makilala ko si Stella nagbago ang lahat. Palagi nga noon akong tinatanong kung anong nakita ko sakanya at kung bakit ko siya sinasamahan. Mabait kase siya sobra. Matalino, masipag, at higit sa lahat hindi plastic. Pero kahit naman magpapaliwanag ako hindi nila maiintindihan kaya bakit pa diba?
Pero dumating yung time na nagsawa siya sa pambubully ay hindi na siya pumapasok. Ang kwento niya sa akin ay yung tatlo naming na schoolmate na palaging nambubully sakanya binully nanaman siya. At sobra na raw ang ginawa sakanya. Binaboy umano siya. Pero kahit anong pilit ko ayaw niyang sabihin at iyak lang siya ng iyak. Awang awa ako sakanya that time. Naiinis din ako sa sarili ko kung bakit noong mga oras na iyon ay wala ako sa tabi niya.

Natutulog nun siya sa boarding house naming ng ate ko. Pero palaging wala si Ate. Pinapayagan naman umano siya. Pero ilang araw ang nakakalipas nagiging weirdo siya na kahit ako mismo ay hindi ko na siya maintindihan. May mga araw na magigising ako kase naririnig ko siyang nagsasalita ng mga salitang hindi ko maintindihan. Kumakanta habang nakapalibot sakanya ang mga kandila na tila mo ay gumagawa ng ritwal.

Ilang araw siyang ganun. Nabahala ako. Isang araw nagpaalam siyang umuwi sakanila. Ilang araw din siyang hindi pumasok noon. Hanggang sa tinawagan ako ng nanay niya at ibinalita ang isang kahindikdik na bagay. Nagpakamatay si Stella...
Dalawang araw bago nakita ang kanyang bangkay akala raw nila ay nasa boarding house raw siya. Hindi raw nila alam na nakauwi na siya. Hindi ko idedetalye kung paano at kung anong itsura niya ng nagpakamatay siya. Dahil hanggang ngayon nahahabag ako at naluluha tuwing naaalala ko siya.

Naisip ko ang mga bagay na sinabi niya sa akin bago siya umuwi sakanila. Ingatan ko raw ang sarili ko at mahal na mahal niya ako.

Ang ipinagtataka namin ay isa isa ring nagpakamatay yung mga tatlong babae na nambully sakanya. At ang mas lalong nakakapagtaka ay magkamukha ang paraan ng pagpapakamatay nilang apat kasama si Stella... marahil ay gumanti ito at ang kapalit ay ang kanilang mga buhay.

Hanggang diyan na lamang po ang aking ibabahagi dahil nadudurog muli ang aking puso kapag naaalala ko ang aking best friend.

One Shot (SPG,LoveStory,&Horror)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon