(Horror) Bahay

632 13 0
                                    

Ako si Dina (hindi tunay na pangalan) nakatira sa probinsiya ng Pampanga.

Nakatira kami sa isang bahay na may pagkalaki. Ngunit matagal ng hindi tinirhan.

Ang sabi sabi ay mayroon umanong babaeng nakikita na nakasilip sa bintana kapag daraanan mo ito. Dahil na rin siguro sa malayo pa ang susunod na bahay ay iniiwasan itong daanan. Tinuring itong haunted house.

Pero ngayon ay nakatira kami rito. Hanggang sa kami na mismo ay nararamdaman ang kanilang mga kuro kuro.

Isang gabi habang nagluluto ako sa kusina ay biglang nagsitaan ang aking mga balahibo hanggang sa batok. Parang may nakatingin sa iyo ngunit hindi mo makita.

Ito naman ay nangyari sa isa sa mga trabahadorr namin. Dahil sa galing lamang umulan ng malakas ay ng dalhin ang trak sa may tabi ng bahay namin na bukirin ay bumaon ang gulong nito. Pinasilong muna namin sila at pinapasok sa bahay. Ngunit laking takot ko ng biglang nagsalita ang isa sakanila. "May alaga kayo sa ilalim ng puno ng sampalok na iyan. Babae. Nakaputi. White lady."

Ito naman ay experience ng aking ate.
Naiwan siya sa bahay ng mag isa. Hanggang sa gumabi na ay siya parin mag isa. Hanggang sa may narinig siyang tumatawag sa kaniya. Namamaswit na tila mo ay isang lalaki. Dahil sa takot ay inikandado niya lahat ng pinto at mga bintana. Pero hindi nawala ang pagtawag na iyon. Hanggang sa napansin niya na tila nasa likod niya lang ang tumatawag. Lumingon siya sa likod ngunit wala. "Pssst." Patuloy na tawag nito...

May family friend kami. Pangalanan nalang natin siyang Ate Shin. May anak na babae si Ate Shin. Isang araw nagpunta ang anak niya sa amin na may edad na limang taon. Upang makipaglaro sa aking kapatid. Dumaan ang ilang oras ay magtatanghalian na. Kaya tinawag na ni Ate Shin ang anak nito. Nabigla ako ng pagkahawak niya sa anak niya ay kaagad niya itong hinila. Nagtaka ako sa inasal niya. Ilang araw ang nakalipas ay tinanong ko siya. Ito ang isinagot niya. "Doon sa banyo sa kwarto. May b-babae..."

***
Note for my dear inspirations, my readers:
Thank you for reading. Please leave a comment or click the star button to vote either. To send your horror stories and experiences you want to share just feel free to PM me at my accounts or text me. (0975-906-0290)
Add me on Facebook (Geraldine Manicdao Cangco)
Follow me on Twitter (Dineeexxx)
Just msg me wt your name and say that you're from Wattpad! xx

One Shot (SPG,LoveStory,&Horror)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon