Chapter 1: Meet the Decks

1.1K 35 5
                                    

"ANA! bilisan mo dyan male-late ka na sa school!" sigaw ng Nanay Elsa ko mula sa maliit naming kusina na halos karugtong lang ng sala at ilang hakbang lang sa kwarto na kinaroroonan ko.

"Oho, 'Nay! Andyan na po," sinuot ko muna ang dark rimmed glasses ko saka hinawi ang manipis na tabing na nagsisilbing pintuan sa kwarto niya.

"Ana, ano ba naman 'yang itsura mo? Aba'y para kang trying hard na sadako."

"'Tay, walang salamin si Sadako," sabi ko saka dumulos sa lamesa at dinampot ang pandesal sa plato naririnig ko na ang pag wewelga ng mga alaga ko sa tiyan kaya naman agad akong lumantak ng almusal.

"Tama nga naman ang Tatay mo 'Nak, aba'y naturingan kang nagaaral sa Saint Anthony University palagi na lang nakatabing 'yang buhok mo sa mukha mo," sabay ni Nanay habang dinudulutan ng kape si Tatay.

Mas lalo ko lang tuloy na iniharang ang mahabang buhok ko sa mukha. "Style 'yan Nay, Style,"

"O siya, siya style na kung style," napapalatak na lang siya. "Pasalamat ka na lang siguro at wala ditto ang Kuya mo kung hindi kanina pa 'yon nahagip 'yang buhok mo." Napangiti na lang ako sa sinabi ni Tatay.

"Alam niyo namang spoiled ako kay Kuya," napangisi na lang ako sabay subo ng natitirang pandesal saka dumampot pa ng isa. "Una na po ako," paalam niya saka nagmano sa mga magulang bago kinuha ang bag ko at diretso na ng alis.

Pagkalabas ko nng bahay ay mangilan-ngilan pa lang ang mga tao sa maliit nilang kalsada at karamihan sa mga ito ay binate ako ng magandang umaga na sinuklian ko ng magalang na pagbati. Maliit lang ang barangay namin kaya hindi na rin kataka-taka na magkakilala halos ang lahat.

Trisikel driver ang Tatay Ramon ko habang housewife naman si Nanay sa isang maliit na paupahan lang kami nakatira at kahit na mahirap lang ang pamilya ko hindi hadlang 'yon para hindi kami makapag-aral.

Naging scholar ako ng isang pretiyosong unibersidad sa Makati habang ang Kuya ko naman ay nakapagtapos na ng kolehiyo na isang Magna Cum Laude dahil sa pagiging scholar din nito limang taon na ang nakakaraan. Sa kasalukuyan ay nagiipon na ang Kuya niya para makabili kami ng sarili naming bahay, iyon ang plano nito na sa'kin palang niya nasasabi. Kaya hindi na rin ako nagtataka kung bakit subsob na ito sa trabaho nitong mga nakaraang buwan.

Ako naman dalawang taon na lang ang pakikipagbuno sa Senior High at makakapagtapos na rin ako ng highschool sa Saint Anthony University. Isa iyong Elite school na puro anak mayaman ang nag-aaral. Kung tutuusin ay hindi naman talaga 'yon ang first choice ko na eskwelahan pero dahil sa bestfriend ko na si Shara na nagpasa ng application ko sa scholarship grant nila napadpad ako sa eskwelahan na 'to.

So ayun sa kasalukuyan ako pa lang ang kauna-unahang nagkaroon ng scholarship grant sa buong batch na nagtest sa school. Katulad nga ng sinabi ko kanina puro mayayaman ang nandoon kay wag na kayong magtaka kung bakit wala akong kaibigan.

Pagkapasok ko ng school bus ay tahimik lang akong tumingin sa labas ng bintana, ako lang naman kasi ang laman ng bus paminsan minsan at nakikipagkwentuhan sa'kin ang bus driver. Ako lang ang gumagamit ng school service na 'to dahil wala pa ring ibang scholar bukod sa'kin.

Nakita ko na naman ang mga kumpulan ng mga estudyante at sigurado akong may inaantay lang naman ang mga 'to.

Pagtuntong ko pa lang sa student's hallway ay agad na tumutok ang mga atensyon sa kanya kaya... lumingon din ako alangan naman kasing ako ang tinitignan ng mga 'to hindi ba? Hindi ako asyumera.

Then there it is, four luxurious cars that I know cost a freaking house! Kung nalaman lang 'to ng kapatid ko baka literal na napanganga ito sa nakikita. A Dodge viper, Lamborghini, Lexus LFA and a feaking Cadillac. Ngayon ko nga baa lam ang brand ng mga kotse nito? Simple lang, dahil sa mga kaklase ko na wala yatang ibang ginawa kung hindi ang pagusapan ang kung hindi ang Decks.

Decks ang bansag sa kanila ng mga estudyante sa SAU, bakit? Because they are the kings of the school, and they symbolizes play cards.

Okay, the first one Rivaille Altamonte, The King of Diamond. He literally held up this name because his family owned the largest diamond mining company in the world. Hindi nga lang niya masyadong alam kung bakit ito napunta ng Pilipinas gayong parehong foreigner ang mga magulang nito. 'Yun nga lang sa pagkakaalam ko ay wala itong ibang ginawa sa klase kung hindi ang matulog.

Second was Dylan Lorcan Montgomery, The King of Hearts. His family owned the the most prestigious hospitals in the U.S. at mainly ay sa mga heart illness ang alam kong specialization ng karamihan sa mga pagmamay-ari ng pamilya nito. Ang kaso nga lang ay ipinatapon ito ng pamilya dito sa Pilipinas dahil na rin sa pagiging babaero at nasasangkot sa kung ano-anong gulo noong nasa amerika ito. In short playboy kasi kaya iyan ang napapala.

Third was Andrei La Pierre, The King of Clubs. His family have a big vineyard in Spain that produce high quality wines that is in demand on the market hindi lang iyon dahil na rin dito ay nakapagpatayo ng iba't-ibang clubs sa buong bansa ang pamilya nito at kasalukuyang ay over 100 na ang branches nito hindi lang nationwide kung hindi maging sa ibang bansa.

' Last but not the least was Lancelot Villarama, there leader and The King of Ace. His family owned the biggest financial company in the world in short halos lahat ng mga business empire sa mundo ay under rito kaya naman siya ang binansagan na King of Ace and oh pati rin pala ang eskwelahan na ito ay pagmamay-ari rin ng pamilyang Villarama. Ang kaso ubod naman ito ng arogante na akala mo pati buhay mo pagmamay-ari nito.

Hindi ako stalker type na tao at lalong wala akong pakialam sa mga ito pero kung halos araw-araw na naririnig ko ang mga impormasyon na 'to ewan ko na lang kung hindi mo pa makabisado. So there they have the looks, money and fame but I don't care. Basta para sa'kin as long as hindi ko hahayaan ang sarili ko na makisalamuha sa mga ito hindi magugulo ang natitirang tatlong taon niyang pananatili sa SAU.

Isa pa mayayaman lang ang mga ito pero paano naman kaya kung tanggalin ang mga bahay na 'yon sa kanila? Lilingunin sila Yes, hindi naman ako bulag para hidni makita kung gaano ka-gwapo ang mga ito. Lalo na at sa mga kaklase niyang nagtitilian sa mga ito na akala mo hindi nakapag-aral sa isang pretihiyosong paaralan.

Pero nunca na makikisali ako sa kulto ng mga ito, I am very much contented with my life thank you very much.

Anyway bakit ko nga ba pinagtutuunan ng pansin ang mga ito? Mabilis akong humalo sa mga nagumpukang estudyante kaysa naman bigla na lang akong mabangga dahil hahara-hara ako sa daanan hindi ba?

I saw how they walk in the place as if they owned the world, well partly it was true pero wala naman akong pake sa mga 'yon as long as hindi ako masasangkot sa gulo makaka-graduate ako ng maayos.

Isa pa mas gugustuhin ko lang maging kaibigan ang mga pulubi kaysa ang mga tao na nagkaroon lang ng pera akala mo na kung sino umasta. With that in mind ay tuluyan na kong nang umakyat sa classroom baka ma-late pa ko kapag nagkataon dahil lang sa panunuod sa mga lalaking ginawang runway ang hallway namin.

 With that in mind ay tuluyan na kong nang umakyat sa classroom baka ma-late pa ko kapag nagkataon dahil lang sa panunuod sa mga lalaking ginawang runway ang hallway namin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Accidentally Kissing a MonsterWhere stories live. Discover now