Chapter 6: Last straw

411 15 0
                                    

A/N:

Tutuloy ko pa rin pag e-edit nito haha marami lang kasing ganap TT_TT anyway enjoy reading! 

"KILALA mo pala personally si Lance Villarama," Rence said while looking at me. Hindi pa rin pala ito umaalis.

"Hindi ko siya kilala Sir, nagkataon lang na mag-schoolmates kami at mukhang sa kasalukuyan ay ako ang gusto niyang gawing laruan," sagot ko.

Lance mostly didn't care about everyone, uness someone caught his eyes hindi nito 'yon tatantanan. Kung ako ang tatanungin related talaga ito kay Leighton, parehong tabingi ang utak.

"Ahhh... nakalimutan ko nga palang scholar ka sa SAU ang hindi ko lang inaasahan na makikipag-associate sa kagaya mo ang isang Villarama."

Anong kagaya ko? Makapanliit ka wagas ihampas ko 'tong tray sa'yo ehh. Hindi ko mapigilang sabihin sa isip.

Oo, alam naman kong mahirap kami pero kailangan bang ipagdiinan pa niya sa harap ko? Ang pinakaayaw ko pa man din sa lahat ay mga taong mabilis husgahan ang estado nila sa buhay gayong pare-pareho lang naman kaming tao.

"Sir, marami pa po akong gagawin mauna na po ako,"

Isa pa kung ganon kababaw ang tingin mo sa isang katulad ko don't ever talk to me. Dugtong ko, na hindi ko a isinaboses.

Isang pekeng ngiti lang ang ibinigay ko sa kanya bago lihim na napaismid, hindi ko gusto ang tabas ng bibig nito.

"Wait," pigil niya sa'kin

"Ano po 'yon Sir?"

"Are you offended?"

Kung sasagutin ko kaya siya ng 'Oo' tataasan niya ang sweldo ko? Pero syempre hindi na naman ako nagsalita.

"No, Sir. Wala akong karapatan na manghimasok sa opinyon niyo."

"Yep, you're definitely offended," napakamot ito sa batok, hindi ko alam pero it remind me of my big brother. "I'm sorry if you felt insulted on what I said I didn't really mean it that way."

Kimi akong napangiti, "Okay," sabi ko para na rin matapos na ang usapan nilang 'to.

Hindi naman nakatakas sa paningin ko ang bahagyang pamumula ng mukha niya pero hindi ko na lang pinansin.

"Rence, you can call me Rence," pagtatama niya sa'kin.

"It's okay, Sir. We are not friends, at mas mabuting ganon na lang po," sagot ko sa kanya.

Hindi ko gustong mapalapit sa anak ng amo ko, mamaya kung ano pa ang sabihin sa'kin ng mga katrabaho koi, madamay pa ang part time ko, kailangan ko ang trabahong 'to para hindi maging pabigat sa mga gastusin sa bahay.

"Okay," nakita ko ang disappointment na dumaan sa mukha niya.

Hindi ko din alam kung bakit parang gusto nitong makipag-close sa'kin, samantalanag halos hind inga niya ko tinitignan kapag pumupunta ito sa café kasama ang mga kaklase nito.

Pero mas mabuting mag-set ako ng bounderies sa anak ng amo ko. Ayaw kong may kung anong marinig sa mga katrabaho ko.

"Anong sinabi sa'yo ni Sir?" tanong sa kanya ni Shara

"Wag kang masyadong tsismosa bumalik ka na sa trabaho mo," sikmat niya dito. Nakalabing pinagpatuloy nito ang pagbabantay sa cashier.


TAPOS na ang klase hindi pa rin ako makalabas ng classroom. Sa kabila kasi ng ilang beses kong pagtanggi sa mga kaklase ko sa mga party na gusto nilang puntahan ko ay patuloy pa rin ang pagharang sa daraanan ko.

Accidentally Kissing a MonsterWhere stories live. Discover now