CHAPTER TWO

8 2 0
                                    

DWIGHT was walking alone on a brick pathway under the afternoon sun. Iyon ang daan patungo sa likod na bahagi ng Fairmonte International School kung saan matatagpuan ang garden.

Sa pinakadulo ng garden ay mayroong man-made pond. Mayroong tulay patungo sa gitna ng pond kung saan may maliit na pulo. Nakatanim doon ang isang Royal Ponciana o mas kilala sa tawag na Flame tree.

Madalas siyang magpalipas ng oras sa lilim ng punong iyon para mag-compose ng kanta o kaya'y magpahinga. Tahimik kasi ang lugar at madalang magawi roon ang ibang estudyante.

Wala siya sa mood tumambay ng araw na 'yon. Pero dahil sa kakulitan ng kaibigan ay napilitan na rin siyang pumunta. Importante daw ang pag-uusapan nilang apat. Plano sana niyang maglibot sa kung saan gaya ng nakagawian sa tuwing tapos na ang kanyang klase. Ayaw pa niyang umuwi. Especially that day.

It was his father's death anniversary.

Nakaramdam siya ng isang pamilyar na kirot sa dibdib.

Malamang pagagalitan na naman siya ng mga kapatid sa hindi niya pagsama sa puntod ng ama. And his mother would look at him—the living, breathing reminder of this day—with pain in her eyes.

Nakita niya ang tatlong kaibigan sa 'di kalayuan. Kaagad siyang kinawayan ng mga ito pagkakita sa kanya. They were sitting on a bench. Malapit lamang iyon sa mataas na bakod kaya tanaw niya ang katabing public school.

Mga bata pa lamang ay magkakaibigan na sila. Nasa iisang sirkulo ang ginagalawan ng kanilang mga pamilya. Kahit magkakaiba sila ng kursong kinuha, they were able to maintain their friendship. 'Coz aside from being childhood friends, they all share the same passion. Music.

Four years ago, they decided to create a band and named it Rebel. He's the lead vocals and lead guitar. Anjo plays the bass, Ben on the keyboard and Raffy on drums. Noong simula, pa-jamming-jamming session lamang silang apat. Until Ben urged them to play with a live audience. It was during Raffy's birthday. May mga taga-Fairmonte ang nakapanood sa kanila at kumalat ang balita. Since then, they became famous in their school. Not that he wasn't already famous because of his family name and background.

Ngunit hindi doon nakuntento ang mga kaibigan. Nagulat na lamang siya ng malamang nag-register ang mga ito sa isang amateur band competition. He wasn't interested in joining, ngunit hindi siya tinantanan ng tatlo. Kaya pinagbigyan na lang niya ang mga ito.

Besides, if he devoted too much time in their band and music, he could avoid thinking about the past. Music helped him forget about the world.

"Tamang-tama, nandiyan na si Dwight. Pagbotohan na natin kung sino ang gagawa ng poster," banat agad ni Raffy pagkalapit niya.

He leaned on a lamp post behind the bench.

"Ikaw na lang kasi, Raffy. Tutal, ikaw itong artistic sa atin," sagot ni Ben.

"Hindi ko 'yan maaasikaso. You know, school activies." Presidente ito ng student council.

Anjo adjusted his reading glasses. "Ako, busy sa school paper."

"Ako, walang alam sa art-art na 'yan," natatawang sabi ni Ben.

Sabay-sabay na lumingon ang tatlo kanya. Nagtatanong ang mga tingin. Kibit-balikat lang ang isinagot niya sabay baling sa ibang direksyon. Dinig pa niya ang sabay-sabay na pagpalatak ng tatlo. Walang nagawa ang mga kaibigan kundi magbalik sa pagdidiskusyunan at pagtuturuan. Tahimik lamang siyang nakikinig ng may mahigip ang kanyang paningin sa 'di kalayuan.

Sinundan niya ng tingin ang isang estudyanteng babae mula sa katabing school. Nagmamadali itong maglakad habang hindi magkandaugaga sa bitbit na mga libro at folder. Her long, black hair swaying behind her back.

Snow DwightWhere stories live. Discover now