CHAPTER FIVE

6 1 0
                                    

NILINGON ni Charmaine ang nakasarang double door ng Emergency Room. Hindi sila pinayagang apat na makapasok sa loob kaya nakuntento na lamang sila sa waiting area. Sinulyapan niya ang mga kasama. Raffy was leaning on the wall opposite to her, Ben was pacing the floor and Anjo was silently sitting beside her. Sinulyapan ulit ni Ben ang suot na relo.

One look and you'll know that everyone there is worried. And restless.

Sumandal siya sa kinauupuan at pumikit. Kakatapos lamang niyang umusal ng maikling dasal para sa kaligtasan ni Dwight ng makarinig siya ng papalapit na mga yabag. Nagmulat siya ng mga mata.

Isang matangkad na lalake at may may-edad na babae ang humahangos palapit sa kinaroroonan nila. Napako ang tingin niya sa babae. Except for the brown eyes, para itong babaeng bersiyon ni Dwight.

"What happened?" tanong ng ginang kay Raffy ng makalapit ito sa kanila. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.

Bago pa makasagot si Raffy ay bumukas ang pinto ng Emergency Room. Napatayo si Charmaine mula sa kinauupuan. Tulak ng ilang hospital staff ang stretcher na kinahihigaan ng wala pa rin malay na si Dwight.

"Dwight!" Nilapitan ng ginang ang stretcher.

"Dadalhin lang po namin siya sa Room 403," narinig niyang sabi ng isang nurse at natuloy-tuloy na sila sa pagtahak sa hallway.

Sinundan niya ng tingin ang papalayong stretcher. Bumukas ulit ang Emergency Room at lumabas ang isang doktor.

"Sino po ang kamag-anak ng pasyente?"

Lumapit ang ginang dito. "I'm his mother. What happened to my son? Is he going to be okay?" Kung ganoon ay ito si Señora Regina.

"Your son had a serious case of allergy attack. It wasn't severe, pero kung anuman ang cause of allergy niya, marami siyang na-intake kaya natagalan bago iyon nag-subside. But, rest assured, your son is safe now." Pagkatapos ay nagpaalam na ang doktor. Relief washed over them.

"Mom, why don't you go and see Dwight in his room," anang matangkad na lalake. "May pag-uusapan lang muna kami dito."

Marahang tumango ang ginang. Nang mawala na sa paningin nito ang ina ay saka sila hinarap ng matangkad na lalake. Napalingon ito sa kanya.

"I think we haven't met. My name's Aviel. Dwight's brother," he extended his hand.

Tinanggap niya ang pakikipagkamay nito. "Charmaine."

Pagkatapos makipagkamay ay hinarap nito ang mga kaibigan ng kapatid. "Okay. Now tell me, what happened?"

"We're in the middle of the party ng bigla na lang nag-collapse si Dwight."

"Wala kaming ideya kung anong nakain niya, Kuya Aviel."

"We didn't even know he had allergy to something."

Saglit na nag-isip si Aviel. "May apple ba sa inihanda ninyo sa party?"

"Apple?" Magkapanabay na tanong ng tatlo.

"Yes, anything with an apple. Dwight's allergic to that fruit."

She gasped. Nilingon siya ng apat.

"Yung b-binigay ko sa kanya kanina sa party... A-apple pie 'yon."

Kunot-noong hinarap siya ni Aviel. "You gave him an apple pie?

She nodded.

"Nasabi mo ba sa kanyang apple pie iyon?"

Marahan siyang umiling.

"That's strange. It's possible to determine a pie based on the smell." Bumuntong-hininga ito. "Why don't we all go to his room and see how he is doing."

Snow DwightWhere stories live. Discover now