Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Kabanata 1

347K 8.9K 867
                                    

Worst. Best.

Tumakbo-takbo ako sa loob ng mansiyon para takasan si Mommy.

"Selene Illy!" The beautiful face of my mom creased when she saw me inside my room. Nagtago ako sa likod ng kama. "Ikaw na bata ka! Lumabas ka at batiin mo si Zeus!" pangungulit sa akin ni Mommy.

Umiling-iling ako. Bakit ba ako na lang ang laging bumabati? Twelve years old na kami pero ako ang laging nauuna. Nakakasawa na rin. Parehas naman kami ng birthday.

Umirap ako. "Bakit hindi naman po siya ang mauna, Mommy?" I retorted.

Nagpamewang si Mommy at napapagod na tiningnan ako.

"Selene... Hindi mahalaga kung sino ang mauuna. Alam mo namang malungkot si Zeus tuwing birthday niya. Wala siyang mga magulang na nakakasama kapag ganitong araw." Umupo si Mommy sa kama ko at inaya ako. Lumapit naman ako sa kanyang tabi habang nakanguso.

"E, bakit po ba natin siya pinipilit? Ayaw naman niyang mag-birthday. Hindi nga niya binabanggit na 'Happy birthday, Selene,' dahil ayaw niya ng salitang birthday!"

"Hindi natin siya pinipilit... Sinasanay natin siya. Pasasaan ba at masasanay rin siya na nagbi-birthday siya..."

Napakamot ako ng ulo. Ako na naman ang bad girl kapag hindi ako sumunod. Naligo lang ako at nagbihis ng paborito kong basketball shorts saka white T-shirt. Mabilis kong sinuklay ang buhok ko sa harap ng salamin, walang pakialam sa direksiyon nito.

Sabi nila, kamukha ko si Mommy. Pero kuhang-kuha ko ang mga mata ni Daddy na blue. 'Yong blue lang na mga mata ang nakikilala ko kasi 'yon ang obvious. 'Yong mukha ni Mommy, hindi.

I sometimes wish that I was a boy. Siguro mas matutuwa sa akin si Daddy. Gusto niya kasi ng anak na lalaki. Kaya lang, babae rin si Suerlain, 'yong kapatid ko. Naiinggit nga ako kay Zeus, e. Lagi siyang isinasama ni Daddy sa golf, tapos kami ni Sue, laging sa pool lang dito sa clubhouse. Kasama si Mommy. Dad appreciates Zeus more. But I grew up understanding that he has no family, so, Mom and Dad had to look after him.

Pumitas ako ng sunflower sa garden. Alagang-alaga ito ni Mommy at nakaugalian ko na abutan noon si Zeus tuwing birthday niya. Minsan nakikita kong ngumingiti siya 'pag meron nito kaya nakasanayan ko na lang.

Dumaan ako sa maliit na entrance gate ng mansiyon para lumabas, sabay pumikit.

'Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo, siyam, sampu, labing-isa, labindalawa, labintatlo, labing-apat, labinlima!' Saka lamang ako dumilat pagkatapos ng pagbibilang at natagpuan ko ang sarili sa tapat ng bahay nina Tita Lorraine.

"Hello po, Kuya Roy!" Kumaway ako sa kanilang gwardiya na agad akong pinapasok.

Nagtatatakbo ako patungo sa main door ng mga Romualdez at pinapasok ang sarili. Kadalasang madilim ang kanilang bahay kaya hindi na ako nagtaka. Tatlong kasambahay at isang driver lang ang mga kasama ni Zeus dito. Umakyat ako patungo roon sa kwarto niya sa second floor at binuksan nang basta ang pinto. Humugot pa ako ng malalim na paghinga para sa aking pagbati.

"HAPPY BIRTHDAY, ZE—"

Hindi ko naituloy ang malakas kong pagsigaw nang makita ko siya sa kanyang kama na may kayakapan na babae. They were both dressed though. The girl looked pretty in her sunny dress, samantalang nakasuot naman si Zeus ng puting T-shirt, baseball cap at khaki shorts.

Gulat na gulat si Zeus pagkakita sa akin. Pati ang babae ay nagtakip pa ng mukha! They should! Nakakahiya! We just turned twelve today for crissakes!

Tumayo agad si Zeus. Binato ko sa kanya ang bitbit kong sunflower. Nagmamadali akong tumakbo papalabas ng kanilang bahay. Nagtaka pa nga si Kuya Roy sa akin.

The Wicked PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon