Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Kabanata 3

267K 8.4K 311
                                    

Stay.

Nagmamadali akong tumakbo patungong Triston University. Iba ang naramdaman kong pagkalabog ng puso nang sabihin sa akin ni Jenieviv na may sinugod daw roon ang Yukan'na, ang grupong kinabibilangan ng pinsan kong si Ice, kinakapatid kong si Gaelan, and of course, Zeus. Triston is known for its violent gangs. Tiyak na may patalim ang mga tao roon.

"Selene!" Jenieviv shouted but I didn't look back. Naririning kong tumatawag na sa akin ang driver namin dahil sa ingay ng pag-ring sa aking bag. We were supposed to go home, but then I can't. Not yet. I won't.

Lumabas ako ng gate at pumara ng taxi. Pumikit ako nang mariin habang bumubulong ng dasal kahit hindi naman ako madasalin na tao. I am not sure if my fear is for Ice, for Gaelan, or for Zeus. Maybe for the three of them combined kaya ganito na lang ang lakas ng tibok ng puso ko. Nanlalamig ang mga kamay ko at namamanhid ang mukha.

Lagot sa akin si Zeus kapag nakita ko! Ano'ng karapatan niya para pakabahin ako nang ganito?

Nang bumaba ako sa taxi, nakita kong napakadami na'ng nakahiga na mga nakauniporme ng Triston sa kalsada. Sa sidewalk naman, natanaw ko agad si Yuki, ang isang miyembro ng Yukan'na na nakaupo at nakatulala, katabi ang kanyang kakambal na si Kiro na nakapikit. Nagbayad lang ako sa taxi at tinakbo ko ang direksiyon nila.

Tiningnan ko isa-sa ang mga mukha ng Yukan'na na nagulat pagkakita sa akin. Hunter, Rye, Gaelan, Ice—sila lang ang nakaupo. Nanginig ang mga tuhod ko habang iginagala ang mga mata roon sa paligid. Pati ang mga nakahiga ay sinipat ko kung nandoon ba siya.

"Ano'ng ginagawa mo rito?" masungit na tanong ni Gaelan.

Kumibot ang mga labi ko. Nakakabingi ang pag-igting ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

"S-si—" Pumikit ako at kumuyom ang palad. "Si Zeus?" diretsa kong tanong.

Gaelan smirked, 'yong ngiti niyang nanunuya.

"Sakit ng ulo talaga ang mga girlfriend," he remarked.

"Hindi ako girlfriend ni Zeus!" pagtatanggol ko sa sarili.

"Hindi ikaw, siyempre. Ano ba'ng iniisip mo? Kasama ni Zeus ang girlfriend niya. Sakit sa ulo dahil bigla na lang siyang umalis at hindi kami tinulungan," napapailing na sambit ni Gaelan.

Nanatili ako roong nakatayo at prinoseso ang sinabi ng kinakapatid ko. May mga salita palang nakabibingi. Paano siya nagka-girlfriend at kailan?

"S-sino?" nagawa ko pang tanungin.

Nagkibit-balikat si Gaelan saka tumayo. Iniabot niya ang kanyang mga kamay. "Hatid na kita sa inyo," alok niya.

Hindi ako agad nakapag-isip kaya kinuha ni Gaelan ang mga kamay ko at hinila patungo sa kotse niya. Wala sa sariling nanatili ang mga mata ko sa kalsada habang tila isang car racer si Gaelan kung magmaneho. Panay ang kuwento niya kung bakit sila nambugbog kanina at kung paano nawala si Zeus. Unti-unting gumuguho ang maliit na parte ng puso ko sa bawat pagbanggit niya ng pangyayari. Hindi roon sa kanilang pambugbog kundi roon sa isa pa.

"Babalik na lang ako mamaya, ha?" wika ni Gaelan nang maibaba na niya ako sa tapat ng aming mansiyon.

Walang gana akong tumango.

"Tsk, 'wag mong isipin 'yon. Ikaw kasi, ang tigas mo," iiling-iling na panunukso ni Gaelan. Bubukas pa lang ang aking mga labi nang humarurot na ang kanyang sasakyan.

Pumasok ako sa loob ng mansiyon na parang nalugi kahit na ang lahat ng tao ay nakangiti sa akin. Abala ang lahat sa paglalagay ng lamesa sa aming garden. Sinusubok na ang mga ilaw na magiging dekorasyon mamayang gabi. Punong-puno na ng mga bulaklak ang paligid. Mom and her designer tendency. Gusto niya talaga na kung ano ang nasa drawing niya ay 'yon ang mangyayari. The place looks like a garden of ancient castle now, kagaya no'ng ipininta niya na naka-display sa opisina ni Daddy ngayon.

The Wicked PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon