DC - 1

571 11 2
                                    

"Bes uwi na tayo" sabi ko sa bestfriend ko habang hinihimas likod nya dahil nakasubsob na sya sa lamesa sa kalasingan

"Ayoko na bes. Masakit bes. Bes ano na gagawin ko bes ang sakit bes eh. Bessss friendzone ako bes. Talon nalang kaya ako sa tulay---" binatukan ko sya ng malakas kaya naputol ang sinabi nya

"Tanga ka ba?" Napatayo ako at sinigawan ko sya

"Tinatanong pa ba yan bes? *iyak ulit* Syempre... Hindi, pakyu!!" Tumingin sya sakin saglit at napasubsob nanaman sa lamesa this time nasubsob na sya sa noodles na kinakain nya, halatang antok na antok at lasing na lasing na sya. Ikaw ba naman maka sampong bote ng soju hays

Naiinis na ko. Makakaputol na talaga ako ng hotdog sa mangffriend-zone ulit sa bestfriend ko!

Weh? Hehe

"A..akala ko m..mahal nya ko.. Akala ko nagmamahalan k..kami.. Ako lang pala nagmamahal sa aming dalawa.. Puta diba?"  Inangat nya muka nya sa pagkakasubsob sa lamesa at humarap sya sakin na umiiyak "Diba bes? Tangina diba? Ayoko na bes ayoko na... Tanga ko kasi eh.." Deretso parin sya sa pagsasalita habang hinihila hila pa nya ang damit ko at buhok.

Oh ano kala ko ba di sya tanga? Edi inamin din nya

Di ko na lang sya pinansin dahil sawang sawa na ko ulit ulit nalang, sa susunod talaga mangpuputol na ko ng hotdog--- nasabi ko na pala to

Muka akong hotdog shocks

Kinuha ko phone nya at tinawagan ang kaibigan nya.

[Sean pakisundo naman sya dito lasing nanaman eh, thank you!] Pagkatapos kong sabihin ang dapat kong sabihin pinatay ko na agad yung call.

"Bes maiwan na kita sorry bes ah pang sampong ulit ko na naririnig mga drama mong ganyan. Labyu bes!" Bulong ko sa kanya habang hinahaplos buhok nya at mukang di na nya ko narinig dahil nakatulog na ang impokrita

Naglakad lakad na ko sa labas at dumaan muna ako saglit sa nadaanan kong playground at nagswing muna ako para magpahangin.

Ako nga pala si Demi Choi 18 years of existing(wutt). Lauren Villaluz nga pala pangalan ng Bestfriend ko, Yes yung baliw na lasing kanina, De love ko yun yiiee. College Student, Education ang course namin major in Generalist since mahilig naman kami sa bata so I prefer to chose this major--

"Ate" Bigla naman akong nagulat sa dalawang batang kumakalabit sakin.

"Oh hiii~ Ang cute cute nyo namaaan." Sabi ko sa dalawang bata na nakatingin sakin

"Tenkyu pooo, Pwede po ba kami naman maglaro?" ngumiti ako sa kanila at tumayo, since kanina pa nga pala ako nakaupo dito atsaka di na ko bata

Dear Crush (Ft. iKON)Where stories live. Discover now